Chapter Twenty Four:

26 0 0
                                    

Daniel's Pov

Pano na? ano ng sasabihin ko. Na ako si Dj? Baka layuan niya lang ako. Sorry kath kaylangan kong mag sinungaling para hindi ka lumayo sa akin. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita Baba. Sorry kung natatakot ako..

"Ano na? hindi ka ba magsasalita? Sobrang dali lang ng tanong ko. Ikaw ba si Dj?" galit na sabi nito.

"Hindi, Ako si Daniel. Pano mo naman nasabi na ako yung Dj na yun?" sorry talaga princess kaylangan kong magsinungalin para hindi mo ako iwan. Natatakot kasi ako eh. Baka pag dumating yung araw na sinabi ko sayo na ako si Dj. Baka iwan mo na naman ako. Ayoko ng maiwan sawang sawa na akong magmumukmok sa isang sulok. Gusto kong maging masaya, gusto kong maranasan kung paano maging masaya ulit. Gusto kong sumaya na ikaw ang kasama. Eto ako ngayon kaibigan lang ang tingin mo sa akin pero okay na yun. Atleast nakikita, nakakasama ka. Baka pag sinabi ko sayong Ex kita baka iwan mo na naman ako. Sorry talaga Baba..

"Wala wala, sige alis na ako, Baka hinahanap na ako nila Julia" bakit ganon bigla na lang siyang naging cold sa akin.

Kase hindi mo sinabi yung totoo. pero ginawa ko lang yon, para hindi niya na ko iwan. Kung kayo yung nasa kalagayan ko. Gagawin niyo rin yon.

Tinitingnan ko lang siyang naglalakad palayo. Kasabay ng paglayo niya ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.

"Kung sakaling maalala mo na ang lahat sana mapatawad mo ako. Hindi ako magsasawang mahalin ka. Diba pinangako natin na Forever nating mamahalin ang isa't isa? Tutuparin ko yon. Habang buhay kitang mamahalin. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko. Pumasok ka noon sa puso ko at kinuha ang susi ng pinto nito. Sana wag mong hayaang mawala ang susi ng puso ko  at makuha ng iba. "

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon