Chapter Sixteen:

41 1 0
                                    

Vaughn Lester's Pov

Christmas Party na namin. Ang bilis ng araw parang kaylan lang nagkabanggaan kami ni Chandria.

Tulad ng sinabi ko. Iniwasan ko na siya, Pag yayakagin niya akong lumabas or kumain lagi akong gumagawa ng palusot. Kahit papaano nawawala na yung pagmamahal ko sa kanya.

Si Liza ang lagi kong kasama, Tuwing naandiyan si Liza para sa akin nakakalimutan kong nasasaktan ako. Nakakalimutan kong mahal ko siya.

Eto na yung pinakakaintay ko. Konting sandali na lang. Kaya ko ba to?

"Ang tahimik mo yata?" Tumingin ako kung sino yung nagsalita.

"Chandria?!" ako

"Ako nga! Nagulat ba kita? Sorry" Wag wag kang mag sorry, Baka hindi ko matuloy ang binabalak ko.

"Uy, mag salita ka naman" siya

"Vaughn naman, Ang tagal mo na nga akong iniiwasan tapos ganyan ka pa." siya

"Sorry" yun na lang ang sinabi ko.

"Hah? Bakit?" siya

"Basta Sorry" ako.

Eto na.. Tumayo ako tapos nilahad ko yung kamay ko kay Chandria. Alam ko na nagtataka siya sa mga ginagawa ko.

"Sayaw tayo, Chands" pinilit kong ngumiti kahit masakit kinaya ko.

Kinuha niya ang kamay ko. Dinala ko siya sa unahan.

Ang kaninang kantang pang Masaya ay napalitan ng Kantang Nakakalungkot. Alam niyo kung ano? Huling sayaw. Plano ko tong lahat. Dito ko na siya bibitawan.

Kinuha ko yung mga kamay niya at nilagay sa shoulders ko. Nilagay ko naman yung kamay ko sa waist niya.

"Oh? Bakit napalitan ang kanta?" nagtatakang tanong ni chandria habang kaming dalawa ay nag sasayaw. Yung sayaw na mabagal. Para kahit papaano may babaunin akong masayang alaala.... Kasama siya... Gustong gusto kong umiyak pero pinipigilan ko kase ayokong makita niya akong mahina. Ayokong makita niya na nasasaktan ako sa lahat ng mga pinag-gagawa ko.

Ito na ang ating huling sandali

Di na tayo mag kakamali

Kase walang bukas

Sulitin natin ito ang wagas

Kailangan na yata nating umuwi

"Chands, Kasabay ng pagtatapos ng kanta ay kasabay din ng pagtatapos ng pagmamahal ko sayo." Ayokong gawin to pero eto ang nararapat e, Masasaktan lang ako kung ipagpapatuloy ko pa.

"Vaughn?!?" naguguluhang tanong niya

"Masaya ako kahit paano kase nakilala kita" sabi ko

"Vaughn? Ano ba?" galit na sabi niya

"Shh, Wag ka ng magsalita. Damhin nalang natin ang saya na dulot nito."

Hawakan mo aking kamay

Bago tayo mag hiwalay

Lahat lahat ibibigay, Lahat lahat

tapos niyakap ko siya hindi parin kami tumitigil mag sayaw. Niyakap niya rin akong pabalik. Ang higpit ng pagyakap niya sa akin. Siguro natatakot siya kung anong susunod na gagawin ko.

Paalam sating huling sayaw

May dulo pala ang langit

Kaya't sabay tayong bibitaw

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon