Chapter Fourteen:

35 1 0
                                    

Vaughn Lester's Pov

Katabi ko ngayon si Kathryn. Oo kathryn na ang tawag ko sa kanya dahil ayoko ng umasa, mas magandang itigil ko na tong pagmamahal ko sa kanya.

"Okay class See you next week" tapos umalis na yung teacher namin.

"Lester" sabi niya

"Bakit ba?" inis nasabi ko

"Bakit ka ba nagkakaganyan ha?" siya

"Ewan ko sayo" tapos lumabas na ako ng Room. sinalubong ako ni Julia

"Lester ano bang pinaggagawa mo sa bestfriend ko ha?" inis na sabi niya

"Wala akong ginagawa sa kanya okay" ako

"Wala kang ginagawa? E bakit siya umiiyak? Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi niya ha? Gusto ka niya. Gawin mo ang lahat para Mahalin ka niya hindi yung umiiwas ka. Sinabi mo sa kanya na mahal mo siya tapos ano? ganyan ang gagawin mo? Papaasahin mo? mas mabuting hindi mo nalang sinabi para hindi siya umaasa na sana mahal mo siya" tapos umalis na si Julia naiwan akong tulala dito. Ahhh ano bang gagawin ko?

Bumalik ako sa room magsosorry ako sa manga ginawa kong kasalanan kay Chandria.

Nakatungo lang siya habang humihikbi. Alam ko umiiyak to kaya hinaplos ko yung ulo niya.

"Angel sorry na, hindi ko sinasadya sana mapatawad mo ko" sambit ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin. Pugto ang mata.

"Shhh, Stop Crying." ako

"Ikaw ang may dahilan kung bakit ako umiiyak!! Sinabi mong mahal mo ko tapos iiwas ka" siya habang hinahampas ako

"Sorry na po, Akala ko k----"

"Puro ka akala kung mahal mo ko dapat pinapakita mo hindi yung iiwas ka" siya

"Natatakot kase ako na baka iwan mo ko pag nalaman mo na mahal kita." ako

Tumingin lang siya sa akin. Tapos ngumiti ako.

Gusto mo ba ko?" ako

"Hindi" siya

"Ah okay" tapos nag pout ako

"E ano kase? Oo o Hindi?" ako

"Oo na po." siya

"So.. Tayo na?" nakangiting sabi ko

"Tayo agad? ang bilis naman, manligaw ka paghirapan mo no" pinunasan ko yung pisngi niya gamiy ang kamay ko.

"Bago ako manligaw may kakausapin lang ako." tapos pumunta ako sa upuan nila julia.

"Oh anong ginagawa mo dito?' mataray na tanong nya

"Julia sorry kung napaiyak ko ang bestfriend mo. Ang tanga ko kase e, Sana bigyan mo ako ng chance para patunayan na hindi ko na siya sasaktan. Please?" tapos lumuhod ako sa kanya.

"Huy tumayo ka nga diyan. para kang nanliligaw e" siya

"No.. Hindi ako tatayo hanggang di mo sinasagot ang tanong ko" sigaw ko

"Oo na, oo na tumayo ka na dyan okay" tapos niyakap ko siya. walang halong malisya. nagpasalamat lang ako. Tapos bumalik na ako sa upuan ko.

" No.. Hindi ako tatayo hanggang di mo sinasagot ang tanong ko" bulong naman nitong katabi ko

"Hoy anong sinasabi mo dyan? para kang baliw" ako

"May Boyfriend na si Julia hindi na kayo pwede" bitter na sabi niya

"Alam ko, kaya nga ikaw ang minahal ko e" ako

"So... Kung wala palang boyfriend si Julia siya ang liligawan mo?" siya

"Hindi, kase ikaw ang mahal ko. Ikaw lang at wala ng iba. Pag sinabi mong magmahal na ako ng iba. Dun lang ako magmamahal ng iba" ako

"Ang dami mong sinabi!! Ano bang pinaglalaban mo?" siya

"Anong pinaglalaban ko? Pag-ibig ko sayo. Haha Corny" ako

"Buti alam mo, Lester" siya

"Lester? Diba dapat Vaughn?" ako

"Diba po sinabi mo na hindi na kita tatawaging Vaughn? Kaya lester nalang" siya

"Ah, Gutom lang ako ng time na yon. Siguro nawala ako sa sarili ko kaya ko nasabi sayo. Ngayon binabawi ko na tawagin mo na ulit akong Vaughn Tatawagin ulit kita Chandria" ako

"Pano pag-ayaw ko?" siya

"Pag- ayaw mo edi ikikiss kita" tapos ngumuso ako

"Oo na po, Mr. Vaughn" siya

Nag-aasaran lang kami ng nag-aasaran ng biglang dumating si Liza

"Les" sabi ni Liza. Hindi siya pwedeng pumasok kase ibang section siya.

"Bakit?" ako

"Les" siya

"Wait lang Chandria" Tapos pumunta na ako kay Liza.

Tapos pugto ang mata niya nung makita niya ako bigla na naman siyang umiyak.

"Oh? bakit ka umiiyak?" ako

"Les" umiiyak na sabi niya.

"Uyy, Tahan na" tapos niyakap ko nalang siya. Para kahit papaano gumaan yung pakiramdam niya.

"Anong nangyare? bakit ka ganyan?"

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon