Chapter Twenty Seven:

18 0 0
                                    

Daniel's Pov

Nakita ni Kath na nagdikit ang mga labi namin ni Z. Bakit pa kase sinama to e. Ayan tuloy

"Bakit mo ginawa iyon?" galit kong tanong sa kanya.

"Sorry nadala siguro ako ng alak hindi ko sinasadya" sabi niya

"Wala na akong magagawa nangyari na. At ang masaklap pa dito nakita ng babaeng mahal ko" sabi ko

"Sorry talaga" umiiyak na sabi niya

"Tama na, shh baka sabihin nila pinaiyak pa kita." sabi ko

medyo kumalma na siya. tapos niyakap niya ako.

"Uyy, nagkakaigihan na sila. Ayiee" sabi ni Diego.

"Anong pinagsasabi mo dan? Pinapatahan ko lang siya. Kase umiiyak. Okay na?" sabi ko

"Dami mong palusot " diego

"Eh totoo naman eh" sabi ko

"Bakit kasi ayaw mo pa yang ligawan?" tanong ni Quen

"Kung ikaw nalang kaya ang manligaw? Bagay kayo. tapos bagay kami ni kath" bulong ko. hindi na naman maririnig yun ni Z kase natutulog na siya

"Saglit lang dadalhin ko lang si Zharm sa kwarto." sabi ko

"Sige lang." sabi nila

Lumabas na ako ng kubo at buhat buhat si Z. Paghiga ko sa kanya bigla niya akong niyakap

"Wag mo kong iwan please." sabi niya

"Tulog ka na. Pag gising mo nasa tabi mo pa rin ako" sabi ko

pinikit niya ang mga mata niya at natulog. Manga ilang minuto akong nasa kwarto nilang mga babae.

"Goodnight Z" sabi ko tapos lumabas na ako dun. Pag labas ko nakita ko si Kath naglalakad kaya sinundan ko sya.

"Kath, Intayin mo ko" tumakbo pa siya.

Tumakbo narin ako, Nahawakan ko ang kamay niya.

"Kath, Please wag kang ganyan" Sabi ko pero sinampal niya ako

"Daniel, Sinungaling ka. Ang sabi mo hindi ikaw si Dj. Bakit mo ginawa sa akin to ha. Bakit?" pinaghahataw niya ako ng pinaghahataw.

"Sorry, Kath" ako

"Gusto mo rin akong saktan? ha? kagaya ng ginawa ko sayo noon? Ang galing mo, Nasaktan ako. Sobra, Masaya ka na?" umiiyak na sabi niya.

"Kath, Please makinig ka muna. Hindi ko intensyon na saktan ka. Ka----"

"Hindi intensyon na saktan mo ko? Nagawa mo na e. Sobra akong nasaktan Dj, Wag ka ng mag paliwanag hindi na ako maniniwala. Puro ka kasinungalingan. Ngayon. Wala ka ng kilalang Kathryn at wala na rin akong kilalang Dj. Ayaw na kitang makita" Lumakad na siya palayo.

Sana marinig mo ang sasabihin ko Kath. Mahal kita mula noon hanggang ngayon ikaw lang.

Sobrang sakit lang. Ang tanga ko kase e. Bakit ko kase kailangang magsinungaling. Ano ng gagawin ko?

Parang nangyare na to?

Tumakbo ako at hinabol siya pero sa pag takbo ko. Napatingin ako sa paligid ko may nakita akong isang kotse na sobrang bilis papunta sa akin. Katapusan ko na ba sa mundong to?

*BOOOGGGGSSSSSSSSSSSSH!!!* May sumagasa sa aking kotse. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya sa akin. Tumama ang ulo ko sa simento

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mabubuhay pa kaya ako? Kung mamatay man ako. Isa lang ang salitang lalabas sa bibig ko. Walang iba kundi "Lahat gagawin ko wag ka lang mawala sa akin, Wag mo lang akong iiwan Baba. Mahal na mahal kita" ako

"Pinaunawa ko na sayo Daniel na mangyayari yan. Pero anong ginawa mo. Hindi ka nakinig." Pagkasabi na pagkasabi nya nan nawalan na ako ng malay.

.

Kathryn's Pov

Pumunta ako sa beach nakita ko silang lahat na naandon. Pero wala si Dj. Tsk. Wala akong pakialam sa kanya. Bakit nya kailangang magsinungaling? kung pwede niya naman sabihin ang totoo?

Lumapit sila sa akin. "Saan ka pumunta? Nasaan si Daniel?" tanong ni Diego

"Hindi ko alam" ako

Kumuha ako ng baso pero nahulog ito at nabasag. "Kath, Okay ka lang?" juls

"Baka may masamang nangyare sa kapatid ko? hindi pa siya umuuwi" nag-aalalang sabi ni diego. Tsk. Ang sabihin nya baka nakikipaglandian sa iba.

"Halika na hanapin na natin" juls

"Tsk. Kayo na lang" ako

Umalis na silang lahat. Ako lang ang naiwan dito. Ako na nga ang nasaktan ako parin ang maiiwang mag-isa. Mga walang kwenta.

"KC"

"Bakit kaba KC ng KC Kathryn ang pangalan ko e" Ako

"Gusto ko e, Ang tawag sayo ni Dj ay Kath, Si Les naman Chandria. Syempre hindi ako magpapatalo no Kaya KC, Ang K galing sa kathryn at C galing sa Chandria. Para mas madali KC nalang" nakangiting sabi nya.

"Dami mong alam, Maligo lang hindi" pang-aasar ko

"Tss. Amuyin mo" Nilapit nya yung sarili nya sa akin. Oo nga no Ang bago. Anong sinabi ko? Erase erase wala akong sinabi. Wala kayong nabasa wala okay? Good :)))

"Bakit mag-isa ka lang?" umupo siya sa tabi ko

"Pano iniwan nila ako" ako

"Saan naman sila pupunta?"

"Hinahanap nila yung unggoy"

"Unggoy? Wala naman tayong kasamang unggoy ah" sya

"Meron kaya"

"Haha, Si Daniel ba yun?"

"Oo, sya nga. Quen, bakit ikaw walang lovelife?" tanong ko

"Hahaha, Sagabal yan e"

"Ano nga?"

"Sabihin na nating may mahal akong babae pero may mahal naman syang iba" tumingin sya sa malayo

"Ang manhid naman nung girl. Sino naman sya?"

"Ikaw" tumingin sya sa akin "Ako?" parang nagulat sya kaya umiwas yung tingin nya

"Hahaha, Joke lang masyado mo naman siniseryoso e" ngumiti sya

"Ehehehe"

Kung sino pa yung nanloko siya pa yung kinakaawaan paano naman yung taong naloko? Siya ang kinamumuhian? Buti pa si Quen. Naandito sa tabi ko. Hindi ako pinapabayaan.

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon