Chapter Twenty Five:

20 0 0
                                    

Daniel's Pov

Gabi na kaya Pumunta ako sa kwarto namin. Magkatapat lang naman yung kwarto namin sa kwarto ng mga babae.

Dumaretso ako sa kama ko. Nilabas ko yung regalo na dapat ibibigay ko kay Kath ngayong Pasko kaso lang hindi na pwede. Baka pag binigay ko sa kanya itapon niya lang. Kaya mas mabuti kung itago ko muna dito.

Lumabas na ako ng kwarto gusto ko lang magpahangin saglit.

Naglalakad ako at sa di kalayuan ay nakita ko si Kath kasama niya si Lester. Nag-uusap sila tapos bigla nalang niyakap ni lester si kath.

Siya na ba? Siya na ba ang pinalit mo sa akin? Kaya pala..... Iniwan mo ako noon.... Dahil hindi mo na talaga ako mahal... Siguro nag-sawa ka na rin sa akin. Biruin mo naman 20th monthsary... 1year and 8months... 600days... 14,400hours... Kaya hindi nakakapagtaka...

Bumalik nalang ako sa kwarto. Baka maistorbo ko pa sila..

Vaughn Lester's Pov

"Vaughn? Ikaw ba yan?" Nakahiga lang ako at nakatingin sa langit.

"Gabi na.... Anong ginagawa mo pa dito sa labas?" tanong ko sa kanya. Kahit hindi ko pa nakikita ang muka niya. Alam ko na siya si Chandria ang babaeng minahal ko.

"Nagpapahangin lang. E ikaw?" siya

"Nag-iisip" tumingin ako sa kanya. Bakit ganon? Pugto ang mata niya.. Umiyak ba siya? Umiwas ako ng tingin.

"Umiyak ka ba?" sinabi ko yan ng nakatingin sa malayo.

"Oo" Pina-iyak ka ba niya? tumayo ako.

"Bakit? Anong nangyari?" ako

"Ah wala, Sige alis na ako" lalakad nasa siya pero pinigilan ko.

"Bakit? Anong nangyare? Pwede mo naman sabihin sa akin e. Kaibigan mo parin ako" ako

"Ang sakit Les, tinanggi niya ako" umiiyak na sabi niya. Aish. Bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong makakita ng babaeng umiiyak. Sh*t. Niyakap ko nalang siya.

"Shh, tahan na." Kumalas na siya sa yakap ko. "Sige una na ako. Salamat" naglakad na siya palayo.

Kahit paano minahal ko sya. Kaya hindi ko hahayaang masaktan sya. Sumuko ako noon dahil alam kong wala akong laban sa taong mahal nya.

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon