Kathryn Chandria's Pov
Bakit ganon ang pakiramdam ko? Sa tuwing makikita ko sila Vaughn at Liza na magkasama lagi nalang sumasama ang pakiramdam ko. Tulad ngayon hindi man lang niya ako kinausap. Naandun siya kay Liza sa Bestfriend niya. Tapos yung ulo niya nakaLean pa sa balikat ni Liza. Ang Saya diba??
"Les, Gising na uy" Sabi ni Liza kay Vaughn
"Salamat" sabi vaughn
"Wala yun." siya
"Uso pong bumaba" sabi ko
"Wait lang kath" sabi ni Liza.
"Okay" ako
Nagbabaan na yung iba. tapos ako ang huling bumaba ako kase yung nasa huli e.
"Bes, Uwi na ako" tapos nakipagbeso beso ako sa kanya
"Ingat ka bes" siya
"Salamat" tumingin ako kay Vaughn, nakatingin lang siya sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin tapos naglakad palayo. Bahala siya sa buhay niya.
Vaughn Lester's Pov
Uuwi na sana ako ng bahay ng biglang nagsalita si Diego
"Maniniwala ka ba kung sabihin naming nagkaAmnesia siya pero isang tao lang ang nakalimutan niya?" Diego
"Sino yung taong yun?" ako
"Si Daniel, Bago siya umalis ng bansa nakipagbreak siya kay daniel." juls
"Pag punta niya sa ibang bansa lagi siyang umiiyak. Kaya naaksidente yung sinasakyan niya." diego
"Dahil sa lakas ng pagkabangga niya nalimutan ni Kath si Daniel." juls
"Mahal pa ba ni Daniel si Kath?" ako
"Sobra- sobra" diego
"Siguro nga wala na akong pag-asa sa kanya." ako
"Meron pa, Ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya Kamahal" sila
"Pano kung mahal niya parin si Daniel?" ako
"Edi tanggapin mo. Diba sabi mo nung nasa resort tayo. Okay lang basta maging masaya lang siya masaya narin ako. Gawin mo yun. Kahit hindi ka niya piliin atleast pinaramdam mo sa kanya na mahal na mahal mo siya at handa kang magsakripisyo sa kanya kahit masakit" Yen
"Kung hindi ka niya mahal. Marami pang iba diyan. Na mamahalin ka ng totoo. Yung tipong laging nasa tabi mo sa tuwing nasasaktan ka kay Kath. Dadamayan ka niya para kahit papaano mapagaan niya ang loob mo" Miles
"Diba mag peperform ka sa isang linggo?" juls
"Oo" ako
"Dun mo sabihin. Lumapit ka sa kanya habang kumakanta ka" diego
"Yun naman talaga ang plano ko e, Pero paano si Daniel?" ako
"Pareho niyong mahal si Kath, kung sino man ang piliin ni kath dapat walang samaan ng loob." sila
"Sige, Gagawin ko to para kay Chandria" ako
"Yan ang spirit" sabi ni Diego
"Teka diba dapat si Daniel ang tinutulungan niyo? Bago palang ako sa barkada diba?" ako
"Kase sa barkada nagtutulungan. Walang laglagan. Mahal ang isa't isa" sila
"Buti nagkaroon ako ng kaibigang katulad niyo." ako
"O sya sya Group Hug" tapos nag group hug kami.. Ang saya kung ganito lahat ng barkada nagtutulungan.
Kahit anong mangyari Lalaban at lalaban ako. Pero kung si Daniel parin ang mahal niya? Edi tatanggapin ko yung desisyon niyang yon.
BINABASA MO ANG
Amnesia Love
FanfictionNang dahil sa isang aksidente hindi ko na siya nakilala. Hindi ko na naalala ang mga araw na kasama ko siya. Yung mga araw na sobrang saya nating dalawa. Pano kung hindi pala tayo nakatadhana sa isa't isa? Pano pag dumating yung araw na Makilala ko...