Chapter Nineteen:

32 1 0
                                    

Kathryn's Pov

Umaga na ba? Pero teka lang sino tong yumayakap sa akin? Hala, may nakapasok na ibang tao dito. Para akong Teddy Bear ah.

Minulat ko yung mata ko tas nakita ko si Daniel natutulog sa tabi ko. Pero teka lang bakit humigpit yung yakap niya? Ano to? Umuungol pa siya. Takte naman. Ano naman kayang napapaginipan nito.

Pinakinggan kong maigi yung boses niya. Hindi pala siya umuungol, Umiiyak siya. Ha? Bakit kaya?

"Please, Wag *sobs* mo kong iwan hindi *sobs* ko kaya. Mahal na mahal *sobs* kita. Ikaw lang ang *sobs* mahal ko" umiiyak na sabi nya. Hindi ako nag sasalita pinapakinggan ko lang sya.

"Wag mo kong iwan" Paulit ulit niyang sinasabi ang katagang yan. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Siguro dahil kaibigan ko siya kaya naaawa ako.

"Lahat gagawin ko wag ka lang mawala sa akin, Wag mo lang akong iiwan Baba " Ang swerte naman ng babaeng mahal niya. Lahat gagawin. konti na lang ang lalaking ganyan. Sana meron ding taong nakalaan sa akin na sasabihin ang katagang lahat gagawin ko wag lang mawala sa akin. Dun lang masaya na ako.

Hinaplos ko na lang ang buhok niya para tumahan. Pumikit ako habang yakap yakap niya ako.

Bakit ang sarap sa pakiramdam na may nakayakap sayo? Parang may iba e. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Daniel's Pov

Nalaman na ni Kathryn na ako si Dj, Kaya gusto niya akong layuan.

"Daniel, Sinungaling ka. Ang sabi mo hindi ikaw si Dj. Bakit mo ginawa sa akin to ha. Bakit?" pinaghahataw niya ako ng pinaghahataw.

"Sorry, Kath" ako

"Gusto mo rin akong saktan? ha? kagaya ng ginawa ko sayo noon? Ang galing mo, Nasaktan ako. Sobra, Masaya ka na?" umiiyak na sabi niya.

"Kath, Please makinig ka muna. Hindi ko intensyon na saktan ka. Ka----"

"Hindi intensyon na saktan mo ko? Nagawa mo na e. Sobra akong nasaktan Dj, Wag ka ng mag paliwanag hindi na ako maniniwala. Puro ka kasinungalingan. Ngayon. Wala ka ng kilalang Kathryn at wala na rin akong kilalang Dj. Ayaw na kitang makita" Lumakad na siya palayo pero hindi ko magawang tumakbo.

Sana marinig mo ang sasabihin ko Kath. Mahal kita mula noon hanggang ngayon ikaw lang. " Please, Wag *sobs* mo kong iwan hindi *sobs* ko kaya. Mahal na mahal *sobs* kita. Ikaw lang ang *sobs* mahal ko" Sinabi ko yan kahit hindi niya ako naririnig. Sobrang sakit lang. Ang tanga ko kase e. Bakit ko kase kailangang magsinungaling. Ano ng gagawin ko?

Tumakbo ako at hinabol siya kaso lang sa pagtakbo ko.

"Paunawa ko yan sayo" may narinig akong nag salita pero hindi ko nalang pinansin.

Tumingin ako sa paligid ko may nakita akong isang kotse na sobrang bilis papunta sa akin. Katapusan ko na ba sa mundong to?

*BOOOGGGGSSSSSSSSSSSSH!!!* May sumagasa sa aking kotse. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya sa akin. Tumama ang ulo ko sa sahig. Nakalupasay ako doon.

Tumayo ako at nakita ko ang katawan ko na puno ng dugo ang ulo. Tinulungan ako ng Lalaking nakabunggo sa akin. Tiningnan ko lang ang lalaking yon na buhat buhat ang katawan ko.

Biglang nagunaw lahat ng nasa paligid ko. Pati ako parang nahuhulog. whhaaaaaa.

"Ahhhhhhh" Napabangon ako ng wala sa oras. Panaginip lang pala yon. Pero parang totoo, Nakatingin sa akin si Kath.

"Anong nangyari sayo?" Tanong nito

"Ah wala, Teka. Hindi ka na mainit. Wala ka ng sakit" Hinipo ko yung leeg tsaka yung noo niya

"Salamat sa pag-alaga sa akin ha?" sya

"Sus, Wala yun. Sige alis na ako" Ako

"Salamat ulit. ingat" Lumabas na ako bahay nila.

Hindi mawala sa isip ko yung panaginip ko kanina. Para kasing totoo e, Mangyare kaya yon? Tsk. Panaginip lang naman yon. Hindi naman yon magkakatotoo.

Amnesia LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon