Bianca's Pov
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakasagasa ako ng lalaki. Dinala ko siya sa ospital ng duguan.
Makalipas ang 2oras lumabas yung doctor kaya lumapit ako. "Doc, Kumusta na po sya?" Tanong ko sa doctor na nag-asikaso dun sa lalaking nabunggo ko.
"Okay na po, puntahan niyo nalang po sa room 026" siya
"Sige" hinanap ko ang room niya then pumasok ako sa loob.
Tiningnan ko sya. Ang gwapo niya. Hinaplos ko yung kamay nya "Pasensya na, ng dahil sa akin naaksidente ka" Kinapa ko yung pantalon nya. Kinuha ko yung pitaka pero walang laman na I.D or miski pangalan lang. Paano ko malalaman ang pangalan nitong lalaking to?
Nakita ko yung damit niya. May pangalan Ford. Baka yun ang pangalan niya?
Nasa tabi ako ng kama nakaupo sa gilid. Inaantok na ako. Pinatong ko yung ulo ko sa kama niya at hinawakan ko yung kamay niya.
Sana magising na sya, sana walang masamang mangyare sa kanya. Pumikit na ako.
Diego's Pov
Dj nasan ka na ba? Kagabi ka namin hinahanap. Ano na bang nangyare? Wala akong kwentang kapatid. Hindi ko alam kung nasan ka. Mababaliw na ako sa kakahanap.
Napatigil ako sa pag-lalakad. May nakita ako sa daang kwintas. Yung kwintas na kalhati ng heart.
Kinuha ko ito. Kay daniel to. Bakit may dugo? naaksidente ba siya?
"Yung kwintas ni Daniel" sabi ko sa kanila
"Sure ka diego?" cj
"Oo, May nangyaring masama sa kanya." ako
"Balik muna tayo sa beach, para makaalis na tayo at ng mahanap na natin si Daniel" Bumalik na kaming lahat sa beach. Hindi man lang nag-aalala tong Kathryn na to. Tss.
"Ano kamusta lakad?" sya
"Ayun, nakita namin yung kwintas ni Daniel na kalhating heart. Puro dugo. Diba meron ka ring kwintas na kalhating heart? nasaan na? Tinapon mo na? Kase yung sa kapatid ko. Hindi magawang itapon." ako
"Bakit ko naman pahahalagaan amg taong nagsinungaling?" sya
"Sinabi nya yon dahil MAHAL KA NIYA, mas pinili nyang maging kaibigan ka para mapalapit ka sa kanya. Ayun lang daw kase ang paraan" sabi ko
" Kung sinabi ba nya na sya si Dj may mangyayari ba? wala naman diba? baka nilayuan mo pa siya. Alam mo kahit umalis ka at iniwan mo sya. Hindi pa rin sya sumuko. Ang lagi nyang sinasabi sa akin 'Babalikan nya ako, Babalikan ako ni Kath, Kase nagpromise kami na hindi namin iiwan ang isa't isa Kaya ayun ang pang-hahawakan ko.' Meron pa syang sinabi sa akin noon. 'Kuya sana ako na lang ang nagkaAmnesia para hindi siya nahihirapan ngayon.' Sa tingin mo? hindi ba pagmamahal ang tawag don?" Tumulo lang ang luha niya. Sana magising siya sa katotohanan.
"Akin na yung kwintas" binigay ko sa kanya yung kwintas ni Daniel.
May kinuha sya sa bulsa nya at pinag dikit. Nabuo na ang pusong naka sulat na Dj <3 Kath
Napaupo na sya at umiyak ng umiyak. "Sorry Dj" sya
Niyakap ko na lang sya, "Wag kang mag-alala mahahanap rin natin sya." ako
"Sana huwag syang sumuko sa pagmamahal nya sa akin. Please Dj, Huwag please" sya
"Kilala ko sya, Kath 'wag ka ng umiyak. Hahanapin na lang natin sya." tumayo na sya.
Nag-umpisa ulit kaming hanapin ang kapatid ko. Sana maayos na ang lahat. Sana.
BINABASA MO ANG
Amnesia Love
FanficNang dahil sa isang aksidente hindi ko na siya nakilala. Hindi ko na naalala ang mga araw na kasama ko siya. Yung mga araw na sobrang saya nating dalawa. Pano kung hindi pala tayo nakatadhana sa isa't isa? Pano pag dumating yung araw na Makilala ko...