Chapter 3: Decisions to Make

1.1K 21 0
                                    

Nyx POV

Andito kame ngayon ni Anton sa suki kong Parlor at tambayan nadin. (Anton padin ang itatawag ko sakanya, naasiwa ako pag Antonette e. You know.-_-")

"Oh andito ka pala Nyx, magpapagupit kananaman ba?" bati ni Autie Chean. Sya ang owner nitong parlor at obviously, tita ko sya kase pamangkin siya ni Lolo.

"Hindi Autie Chean, naghahanap ako ng pako, may tinda ba kayo?" pambabara ko sakanya. Sanay nadin naman siya sakin kaya alam kong no offence sakanya yun.

"Naubos na ang pako e, out of stock."sagot niya sa pambabara ko. See? Sasakyan lang niya ako."O pakilala mo naman ako sa kasama mo? Boyfriend mo naba yan? Babae ka na ba ha?" pangungulit ni Auntie.

Namula naman ako dun. Kay Auntie ko lang naman nakkwento lahat e. Lalo na yung lahat na yun ay si Sunny. At siya ang matyagang nakikinig sakin. Nagpapayo na baka naattach lang tlga ako sakanya. Sana na nga. Mayroon din kase siyang karelasyon ngayong Lesbian, pero hindi niya kinukunsinti ang pagka confused ko.

"Auntie naman no wag ganyan, nakakadiri." sabay tingin ko kay Anton na kasalukuyang nagbabasa ng nude magazine. " Si Anton yan, este Antonette.H-Hoy bakla kaba talaga?"

"Oo naman no, walang halong eklavu. Im pure blooded Gay." sabay kindat sakin. Nandiri naman ako bigla. Yuck.

"E bat anlagkit ng tingin mo sa magazine na yan." hinablot ko yung magazine at nakita ang tinitignan niya. Si Piolo at si Kristine pala. "Sino ba tinitignan mo jan sa dalawa ha?"

"Syempre si Papa P. !" sabay tili. Kerengkeng.

"Ako din si Papa P ang tinitignan ko jan," sabat ni Auntie at nagapir pa yung dalawa.

"Aherm."

Napatingin naman kame sa may pinto ng Salon. Si Uncle Nemia pala. Ang karelasyon ni Auntie Chean. Matagal na silang nagsasama at sanay nadin ang mga tao sakanila. College daw sila naging magpartner at hanggang ngayong  10 years na sila ay hindi padin nawawala ang love sa kanila. Ni hindi nga daw naghanap si Auntie ng ipapalit kay Uncle Nems. Pagibig nga naman oh.

"Atey, ang wafu naman ng Uncle mo." bulong ni Anton.

"Gaga, babae din yan."

Nakita kong nalaglag ang panga niya at kinuha nalang ang magazine na hawak nya kanina.

"Wala nakong masabi. Grabe makapeke atey. Nalinlang akes." bulong ni Anton.

Gwapo nga naman kase talaga si Uncle. Mana sakin, acheche.

"Baby, nakakaselos po," sabay pout ni Uncle Nems."akala ko ako lang, huhuhu." *fake cry*

"Baby, kahit magdamag ko pa titigan yan, sayong sayo padin ako no. I love you so much kaya. Ikaw ang pinaka pogi, hot, sexy at yummy sa paningin ko." sabay kindat kay Uncle.

"Talaga baby?"nagnod naman si Auntie,"dahil jan may flowers ka sakin." at mula sa likod nilabas ni Uncle ang boquet ng flowers.

Yinakap agad ni Auntie si Uncle Nems,"OH,thank you baby, the best ka talaga." ikikiss na sana ni Auntie si Uncle ng magpapansin kame ni Anton.

"Ang susunod na programa ay Rated SPG." entrada ni Anton na dinagdagan ko ng,"Maaring may maseselang tema, linggwahe, karahasan, sekswal , horror o droga na hindi angkop sa mga batang manonood."

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon