Chapter 18: Truth

629 12 2
                                    

Andun ako, matagal na nakatitig lang sa mata nya. Gusto kong sumagot sakanya pero ano nga ba yung tamang isagot sa oras na yun? Siguro dapat ko na ring aminin sakanya yung lahat.

"Alam ko na ang lahat Nyx .." nakayuko kong sabi sakanya. wala akong lakas para titigan sya sa mata.

"A-anong totoo?"

"Yung Diary mo .. nabasa ko lahat. Nabasa ko yung matagal mo nang tinatago sakin. Bakit Nyx ? Bakit mo tinago sakin yun? Niloko mo--"

"Matatanggap mo ba?" pagpuputol nya sa sinasabi ko.. Oo nga. Tanggap ko nga ba? "Kaibigan kita pero sayo ko pa naririnig yung mga yan. Kaya ba nilayuan mo ako? kasi hindi mo tanggap at hindi mo kayang makipagkaibigan sa tulad ko?"

"Its not that--" Napatingin ako sa mata nya, there I saw her unbearable pain. "Nyx .." sinubukan ko lumapit sakanya pero gumalaw rin sya paatras sakin.

"Yung mga actions na ginawa mo this past days answers all my questions. Di mo na kailangang magpaliwanag."

"Nalilito lang ako Nyx .. Hndi ko alam kng ano yung dapat kong maging reactions sa nangyayari. Pakiramdam ko niloko mo rin ako. "

"Hindi kita niloko Sunny. Ako ang nanloko sa sarili ko. "
"Nyx ..."
"Pwede mo ba muna akong iwan?"
"At anong gagawin mo? Aalis kannaman? Iinom at magpapakalasing? Tatakasan mo yung katotohanan? Instead na pakinggan moko iiwas ka. Bakit? Natatakot ka ba? Pinili mo naman to diba? Bakit hndi mo panindigan? Duwag ka."

"Ano bang totoo ngyon Sunny? Oo natatakot ako. Oo gusto ko tumakas!" tumayo sya at lumapit sakin sumisigaw na kami sa isat isa pero walang gustong magpatalo,"Kasi natatakot ako. Natatakot ako na masira yung pagkakaibigan natin dahil sa pesteng pagmamahal ko sayo! Ngayon tatanungin kita Sunny, tanggap mo ba ako? May pagasa rin ba ako sayo?"

Pag asa? May pag asa nga bang maging kami? Ano ba ang isasagot ko ngayon. Napakabilis ng pangyayari ..

Unti unti syang lumapit sakin at hinawakan ako sa mukha. Mula sa mukha ko nakaramdam ako ng banyagang pakiramdam. Napakalapit na nya sakin, ilang galaw nalang ay magdidikit na ang mukha namin. "Mahal mo rin ba ako Sunny? Please tell me.."

"Hindi ko alam Nyx .. Masyadong mabilis ang pangyayari. " I cant look straight into her eyes. Lalayo na sana sya sakin pero hinawakan ko sya sa kamay,"pero ayokong may ibang babaeng lumalapit sayo Nyx. Kung pagmamahal ba tong nararamdaman ko please wag mo madaliin. Gusto kong makita kung paano magmahal ang isang Nyx Laurante. " dahan dahan akong tumingin sa mata nya and there it is, I could see fire. I could see hope into her eyes. At sobrang masaya rin ako sa nakikita kong reactions nya. Nagpapasalamat ako dahil napasaya ko sya at inaamin ko, parang kinikliti rin ang puso ko.

"Mula ngayon, I will be officially courting you." nakangiti nyang sabi sakin.

Pero nawala lahat ng ngiti nya ng magring ang phone ko.

*Paulo calling ..*

"Nyx .." humihinging permiso akong tumingin sakanya. Tumingin lang sya sa ibang direksyon. Ayoko sanang sagutin pero nag ring ulit ang phone ko .
"Sagutin mo na .. baka hinahanap kana pala ng boyfriend mo."
"He is not my boyfriend."
"What?"
"Sinabi nya lang yun to piss you off. "
"At hinayaan mo lang?"
"Im sorry ok? Nalilito kasi ako that time. Sorry :)"

And there we are, nagtatawanan na ulit gaya ng dati. Pero we know deep in our hearts the truth. At sa mga oras na yon, yun lang ang mahalaga.

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon