Chapter 8: The diary/Revelation

783 16 2
                                    

"O eto magjuice ka muna Shine habang hinihintay si Nyx. Naku e maaga pa lang e umalis na sya, sinundo sya ng mga kaklase nya." ani ni Nana Rena. Andito ako ngayon kina Nyx. Gusto ko kasi sanang humingi ng sorry kagabi, tutal naisip ko naman na ako nga itong hindi sumipot e ako pa tong magtatampo porket may kay kayakap syang iba. Saka wala lang yun, He.he :/  

"Ganun po ba. Sayang ho, ibibigay ko po sana tong Notebook nya, nakalimutan ko pong ipaalalang naitabi ko sa bag ko to." sabay labas ko ng notebook na nakita ko noon sa pagitan ng mga libro na naiwan ni Nyx."Ngayon ko lang po kasi nakalkal yung bag ko sa sobrang busy."  

"Aa ganon ba? Ang mabuti pa at ikaw na lang ang magdala nyan sa kwarto nya. Dun mo nlang din sya hintayin. Mangyari kasi na may bisita ding inaasahan ang Lolo nya kaya di kita maasikaso."  

"Aa sige po, mga anong oras po kaya uuwi yun?"  

"Hindi ko din alam e. Sige mauna na ko ha? Umakyat ka nalang dun." mahinang tapik ni Nana sakin sabay alis.  

Nang nasa kwarto na nya ako ay pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama. Tinititigan ang bawat detalye ng kwarto ni Nyx.  

Nandoon padin sa side table nya ang mga picture naming dalawa.One was taken 2 years ago noong nagpa Christmas Party ang lolo nya sa may bakuran. Katabi naman noon ay ang picture namin noong mga bata pa kami, nagswimming kami sa may Aklan non. Kasama din sa litrato si Lolo Paeng at si Bryan. Isa yun sa pinaka masayang alaala ko kasama si Nyx. At ang pinakahuling picture ay ay kuha sa may higaan na yun mismo. Tulog si Nyx non at naalimpungatan ako sa hilik nya. Kaya nagpicture ako habang nakayakap sakanya.  

Nakakamiss din pala. Yung pagiging close namin. Mula ng maging busy na ko sa school ay madalang na kame magkasama ng bestfriend ko. Kaya siguro di nadin ako magtataka kung mapalapit sya sa iba.  

Ang tagal naman ni Bessy <( T^T )>  

*Tiiiing!* i have a bright idea!  

Kinuha ko ang notebook ni Nyx at sinimulang basahin. Wala lang naman siguro tong Notebook na to. Binuksan ko ito at nagsimula sa gitna.  

"Hey Diary .?" nagulat ako, nagddiary pala si Bes? Hahaha. Sabagay tao padin sya, at kelangan ng mapaglalabasan ng 'sama ng loob' i guess.  

Well, private side na nya to kaya isasara ko na sana to ng mapukaw ang attensyon ko sa ibabang part. Bat andun ang pangalan ko? Since involved ako ay nacurious akong basahin to.  

Hey Diary,  

Napanaginipan ko, mahal din daw ako ni Sunny. Tanggap nya daw ako. Sobrang saya ko. Pero, wala e, panaginip lang pala.  

Diary, someday masasabi ko din sakanya lahat. Na sobrang mahal ko sya. Na sya lang ang nakikita ng mga mata ko. Na masaya ako kasma sya. Na hindi lang bestfriend ang turing ko sakanya.  

Sige magtutulog nako Diary, anong oras na din e.  

 

-NLL <3  

Nawalan ako ng lakas. Nanghina ako at nabitawan ang diary. Hindi ko na binasa ang ibang entry. Parang lahat ng dapat kong malaman ay nalaman ko na.  

All this time. Yung mga panahon na magkasama kami, tinuring ko sya bilang kaibigan. P-pero sya ..  

Napaka manhid ko. Di manlang ako nakahalata. At kaya galit sya pag kasama ko si Paulo.. Nagseselos sya ..  

Parang kinikiliti ang puso ko. Nakaramdam ako ng saya. Pero hindi. Hindi dapat.  

Mali ang nararamdaman nya sakin. Hindi ako lesbiana. Hindi ko sya pwdeng mahalin kase, bestfriend ko sya. Magkaibigan kame pero, all this time, nilihim nya to. I feel betrayed, but at the same time, im happy? Aaaaah! Hindi pwede.  

Kelangan ko na syang iwasan mula ngayon. Kahit hindi ko kaya. Sisimulan ko ngayon pa lang para hindi na lumalim pa ang nararamdaman nya para sakin .. Para di na sya mahirapan.  

Kaso kakayanin ko ba?

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon