Chapter 1.1: Be my Bestfriend

2.4K 25 1
                                    

Dahan dahan akong naglalakad palapit sa kapares ng tsinelas ko na napunta sa bakod nila Mang Paeng. Whew konti nalang, dahan dahaaan ..

Malapit na.  *Lingon sa kaliwa't kanan* Wala yung aso nila, kumakain siguro. Tanghalian na kase. Naku yari nanaman ako neto kay inay! 

Dinalian ko na ang paghablot sa tsinelas ko ng biglang ..

"HOOOOOY!"

"WAAAAAAAAAH!" <(o_o)> Napalakas ang sigaw ko dahilan para marinig ako ng aso nilang si Bogart.

"ARF! GRRRR! ARF!ARF!"

Napa akyat ako sa puno ng manga ng di oras, yun lang kase ang pinaka safe sa tingin ko na lugar.

"Astig ambilis mong umakyat ng puno a!" sigaw ng batang ngayon ko lang ulit napansin dahil natuon nga ang pansin ko sa kung pano makakatakas sa dambuhalang aso.

Lechugas, kung hindi sa batang anak araw na to hindi ako naiistranded dito sa taas ng puno! Grrr!

"Hoy! sino kaba ha?! Bat nangugulat ka!?" sigaw ko.

"Ikaw bat andito kadin? Trespassing ka. Siguro kukuha kadin ng mangga no?!" sagot nito.

"H-Hoy hindi a! kinuha ko lang tong tsinelas ko." pangangatwiran ko. Sana di ako mabuko *Cross Fingers* Ang totoo kase hinhagisan ko ng tsinelas yung manggang malapit ng mahulog. Di ko naasinta kaya ganun TT.TT

"At bakit mapupunta dito ang tsinelas mo?"

"K-Kase ano, ahm .." Isip isip .. Naghaukipkip ang batang babae sa harap ko, yung tipong hinihintay nalang akong umamin.

"Kasi kalaro ko yung .. a-aso mo! Oo yun nga. h-he he"

"A, close pala kayo nito ni Bogart" *Smirk*

"Oo s-sobra" napatingin naman ako sa asong hawak ng batang nasa harap ko. Kitang kita sa mata ng aso kung gano kami "ka-close". Naglalaway na nga ito sa saya, o baka sa takam? Alam kong pag pinakawalan nya yung aso , mabilis pa sa alas kwatro ang pagkalapa nito sakin.

Yumuko ang bata para kausapin ang 'Napakabait niyang aso' "O bruno, kilala mo ba tong batang to?" inosenteng tanong niya.

"Brrrr, ARF! ARF!"

"Mukhang kilalang kilala ka niya." *Nakakalokong ngiti* "Gusto mo bang makipaglaro pa saknya?"

Ha? jusko po ayokong magaya sa kalaro kong si Ronny na nahablutan ng  salawal ng asong yan. (Naka salawal lang kase siya palagi kahit lalabas) Ibig sabihin ayokong mabutas o masiraan ng Short sa asong yan. Naku po yari ako kay Inay. T.T

"Inay kupo!" Ang tanging nasambit ko. "Wag na lang he.he ano ka ba."

"Ha? asan ang inay mo? bwahahahaha" Ts tawa kapa ha. "Simulan naba natin? Isa .."

Lord help me! Siguradong maabot ako ng asong yan mula dito sa taas <(o_o)>

"Dalawa .."

Jusko po!

"Tat-"

"SUNSHINE!"

"Aaah!" sigaw ko sabay ng pagka hulog ko sa itaas ng puno. Napapikit ako.Inaasahan kong lupa ang sasalo sakin pero hindi.  Amoy lupa nga lang. Este ..

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon