Chapter 13: My Savior

751 20 6
                                    

Nyx's POV

Nagising ako sa pagkakatulog ko nang hapon na yun ng maka amoy ako ng sunog.

Baka may nagluluto? Ts, baka si Jam yun. Baka nakasunog ng niluluto. Hehe aasarin ko nga.

Pagkabangon ko sa higaan, nahagip ng tingin ko sa may bintana ang makapal na usok. Lumapit pako lalo sa may bintana para makita kung san galing yun. At laking gulat ko nalang, na ang makapal na usok na iyon ay mula sa bahay nila Sunny.

T-teka. Si S-sunny..

Agad akong bumaba sa hagdan, halos nanlalambot pa ako dahil galing sa sakit pero di ko iniinda. Nakabunggo ko naman si Jam na hingal ding tumatakbo.

"Maam Nyx, san po kayo pupunta?!" tanong agad ni Jam.

"Sila Sunny! Nassunog ang bahay nila Sunny!"

Namutla naman si Jam sa sagot ko. Iniwan ko sya at agad na tumakbo palabas. Baka nasa loob pa si Sunny! Hindi sya pwedeng mapahamak!

Nakasalubong ko ang Lola ni Sunny na mukhang hihingi din ng tulong sa mga kapitbahay.

"Nanay! Ayos lang po ba kayo?!"

"Ayos lang ako Nyx. Kaso si Sunshine! Tulungan moko Nyx! Naiwan syang tulog sa kwarto nya. Naabutan ko nalang na nasusunog ang bah--"

Di ko na pinatapos ang paliwanag ni Nanay at agad akong pumunta sa bakuran nila at hinablot ang nakasampay na kumot at inilublob sa drum ng tubig na nasa labas nila. Binasa ko rin agad ang katawan ko at itinaklob ang sa katawan ko ang kumot.

Nakita ko ring dumadami na ang mga tao sa palgid ng bahay. Yung iba nakikiosyoso lang pero may mga tumawag nadn ng tulong.

Wala akong pakialam kahit narrinig kong pinigilan nila akong pumasok.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Maswerteng malapit sa pinto mula sa sala ang pinto ng kwarto ni Sunny. Napaka kapal na ng usok ng mabuksan ko ito. Nakita kong nanghihinang nakasalampak si Sunny sa may sahig.

"T-tulo-ong .." mahinang sabi nya.

"Sunny!? Sunny?! Gumising ka! " inaalog ko sya para magkaulirat sya ult.

Isang nanghihinang ngiti ang pinakawalan nya. "N-nyx .. Mamamatay n-na lang ak-ko, ik-kaw padin nakikita k-ko." Pagkasabi nya nuon ay nawalan na sya ng malay ng tuluyan.

"Hindi. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo .. Not in my arms Sunny. Kaya kapit lang my Sunshine .."

***

Sunny's Pov

"Hindi. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo .. Not in my arms Sunny. Kaya kapit lang my Sunshine .."

Yan ang mga salitang huli kong narinig sa taong nagligtas sakin. Pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay sa paligid. At ngayon, andito ako sa isang lugar pamilyar sakin. Alam kong alam ko kung saan to pero di ko maalala.

Sinubukan kong kumilos pero bigla kong naramdaman ang mga sakit sa iba't ibang parte ng aking katawan. "A-ah."

"Wag mo muna pilitin igalaw ang katawan mo Shine, " mula sa kaliwa ay may babaeng pinipiga ng maigi ang isang towel. "Siguro may mga pasa ka mula sa pagkakabagsak ng cabinet sa inyo."

Sainyo?

Totoo nga kaya yung mga salitang naririnig kong paulit ulit sa isip ko?

Humarap sya sakin at madiin na pinunasan ang braso ko. "A-aray." napatingin ako sa braso kong pinunasan nya. May malaking pasa pala ako.

"Ay sorry. Akala ko libag."

"Pwede ba Jam. Mukha bang libag yan? Magsalamin ka nga. Malabo na ata yng mata mo."

"Ayos kana nga, nakakasagot kana sakin ng ganyan e."

"Anong ginagawa ko dito?"

"Iniligtas kani Nyx mula sa Sunog na nagyari sa bahay nyo." Muling tumalikod si Jam at inilublob ng maigi ang towel. Sa paraan ng pagkakapiga nya, halos mapunit ng mga hibla nito.

"B-Bakit?" Ano bang tumatakbo sa isip nya at nakuha nya pa akong iligtas. Pwede nya naman iasa sa mga kapitbahay namain ang pagligtas sakin. Or atleast, sa lalaki.

"Hindi ko din alam Shine, ang alam ko lang ay ang tanga tanga na ng amo ko. Hindi ko alam kung ano bang meron ka, at kung anong trip mo sa buhay. Pakiramdam ko, trip mo talaga ang malagay sa kapahamakan at umaasa kang palaging may magliligtas sayo." pagkasabi nun ni Jam ay ramdam na ramdam ko ang inis nya sakin.

"J-jam .. Hindi ko naman ginusto ang nangyari--"

"Yes. As always. Wala ka nanamang alam. Just to let you know, si Nyx nasa kwarto nya. Bali ang Ilang mga buto nya dahil sa pagkakabagsak ng cabinet sakanya. Niligtas ka nya Sunny." I was shocked. " Palagi nalng sya Nasasaktan dahil sayo."

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon