Chapter 19: Side effect

629 9 0
                                    

Princess's POV

Tumunog ang wind chime sa resto, tanda ng may pumasok sa loob. Isang nakangiting Nyx ang nabungaran ko.
"Oh! Bat may ikaw ang naglilinis nyan? Akin na nga yan." Masaya padin si Nyx kahit inaako nya yung trabaho ko.
"Ano kba! Hayaan mo kami tumulong dito saka sabado naman eh. Ikaw tong dapat namin tanungin." Kastigo ko sakanya.
"Ako? Haha! Bat ako? Ano ba kayo." Umiwas nanaman sya ng tingin samin sabay kuha ng plato at pinunasan din ito ng tela.
"Hoo Nyx, kagabi lng kulang nalang eh gumapang ka pauwi sa inyo sa kalasingan!"singit ni Myugi na naglilinis ng gitara sa may mini stage,
"Ikaw lang ata yun Myugi, sugapa ka sa alak eh!" Nakita kong binato naman ng basahan ni Jv si Myugi na ginamit nya pampunas ng mga upuan.
"Oy oy tama na yan! Ano ba kayo. Mamaya makasira kayo ng gamit." Sita ni Aeros na naglilinis naman ng mga estante.

"So whats up Nyx? " pagkukuha ko ng atensyon kay Nyx na umiiling nalang sa pakikinig ng mga asaran nila.
"Ok naman ako Cess. Sobrang okey :)" hindi maitago yung ngiti sa labi ni Nyx. Ano kayang meron dito e parang kagabi lang ..
"Kagabi you told us na nalaman mo na dun na titira si Shine kaya nagaaya ka maginom kahit pasara na tong bar."
"Eh kasi Prinsesa .." Sumenyas sya na ilapit ko ang tenga ko sakanya.

"Hello sainyo!" Lahat kami nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng shop at si Sunshine naman ang pumasok sa loob.

Err ..? Okey .. So ano ito?

Napatingin kami lahat kay Nyx na mukha namang hindi naghyperventilate nang makita si Sunshine.

"Uy Nyx si Sunshine oh!" Sigaw ni Myugi na bigla nanamang binato ni Jv ng isang roll ng toilet tissue."Aray!"

We felt so awkward for Nyx pero upon seeing her, she doesnt look like shocked or affected. Lumapit ako saknya para hawakan sya sa braso pero bago ako makalapit saknya ay lumapit na sya kay Sunshine para salubungin ito ng yakap.

Lahat kami sa loob ng resto ay nanlaki ang mata sa nakikita. Siguro lalo na ako, dapat affected ako pero i experienced much pain than this, kumabaga sisiw lang to. Urgh!

"Hello bes! Anong ginagawa mo dito? Akala ko tulog kapa kaya umalis muna ko sa bahay hehe"
"Nakakainis ka, hanap ako sayo ng hanap eh! Hinanap din kita kina Jam, andito ka daw. Nagalmusal ka naba?"
"Diba pinakaen mo na ko kaninang madaling araw?"
"Eeeeh! Nakakainis ka! Iba naman yun eh! Hndi naman pagkaen yun eh!" *hampas kay Nyx*

"Okey .. Enough of this." Pagpuputol ko sa paglalandian este paguusap nilang dalawa. "Ano to? Yakap? Hinahanap mo sya? Magkasama kayo kaninang madaling araw? Pinakain mo sya ng hndi pagkain? Hampas sa balikat? Anong nangyayari? Care to tell us? "

"Ah eh .." Ang tanging nasagot ni Nyx at kumakamot sa ulo.
"Nililigawan na ako ni Nyx :)" sagot ni Sunshine sabay hawak sa kamay ni Nyx.

So in all, eh nagulantang kaming lahat sa sinabi ni Sunshine. Pwede pa siguro, friends sila ulit o kaya ok na sila, pero yung nililigawan nya na si Sunshine agad agad? Teka ..
"Pero diba kayo na ni Paulo?" Naunahan ako ni Aeros sa pagtatanong kay Sunshine at Nyx.
"Oo nga! You mean niloloko at tintwo-time mo yung Nyx namin ah?!" Susugurin ko sana si Sunshine pero hinawakan ako ni Jv at Myugi na nasa likod ko na pala.

"Teka lang guys.. Teka lang!" Harang agad ni Nyx kay Sunshine laban samin,"Hndi totoong sila talaga. Sinabi nya lang yun para--"
"Para masaktan ka ganun?" Mula sa kaliwa namin lumabas si Uncle Nem galing sa kusina, so andun pala sya at nanonood lang sa komosyong nagaganap. Yuko lang ang naisagot ni Sunshine at ganun din si Nyx sapat para saguting 'Oo' nga. "Masasabi mo bang kaibigan ka ng isang tao kung pinipili nitong masaktan ka kaysa alamin yung katotoohanan sayo?"

"Uncle!" Sigaw ni Nyx. Lahat kami nakatulala lang at hinahayaan naming si Uncle Nem ang magsalita para samin.
"Nagsasabi lang kami ng totoo Nyx. Kasi kami ang nakakita sayo kung gano ka kamiserable nung pinili ka nyang saktan noon."
"Pero mahal ko sya" tumahimik kaming lahat nang sabihin nya yun,"Mahal ko sya kaya ako nagkaganito, noon at ngayon Uncle mahal ko sya! At hindi ko na sasayangin yung pagkakataon na mahalin nya rin ako. Kahit ano pang nagyari noon, mahal ko parin sya." Umiiyak na si Nyx ng sabihin nya yun, ramdam na ramdam yung tensyon sa loob n resto ng oras na yun, napatingin ako kay Sunshine pero nakayuko lang sya kaya hindi ko makita kung umiiyak din ba sya o hindi.
"Tanga ka Nyx."mariing sabi ni Uncle Nem at mula sa likod lumabas si Aunt chean na mukhang kakaligo lang, umalalay sa likod ni Uncle Nem tanda na pinapahinahon nya ito.
"Tanga na kung tanga. Pero I cant afford to loose her now. Not now, not in my whole life.." Yun ang huling salitang binitawan nya sabay labas nila ni Sunshine sa store.

Lahat kami tila nanghina sa mga nangyari,"Bakit nagkaganun .. " narinig kong sabi ni Myugi. Bakas sa mukha nya yung gulat at lungkot.
"Kaya nya ba tayong mawala wag lang si Sunshine?" Si Jv habang nakatulala sa sahig at nakaupo sa table.
"Nauna nyang nakilala si Sunny. Sino ba naman tayo diba.." Atlast nakapagsaliita narin ako. Hindi healthy ss isang tao na panghinaan ng loob pero eto yung nararamdaman ko ngayon, masasaktan nanaman ba ako sa pinili kong gustuhin. Masasaktan nanaman ba ako? Mauulit nanaman ba yung dati ? Mula sa pagkakayuko ko naramdaman kong basa na yung hita ko, hindi ko namalayang iyak na pala ako ng iyak. At eto yung side ko na hindi madalas lumabas, at walang may gustong hawakan ako pag ganito .. Wala kahit mga kaibigan ko.

Pwera lang sya ..
Sya? Sya na nanakit din sayo?

Oo, nasaktan din ako noon. Paulit ulit akong nasaktan noo--
Isang kamay yung naramdaman ko sa likod ko. "Wag mo kong hawakan.." Babala ko.
"Cess .."
"I said, dont you dare to touch me!" Sa pagkakatalikod ko ay hinawakan ko ang kamay na nasa likod ko at pinilit patalikod sakanya.
"Urgh!!! A-aray!" Daing nya
"Princess tama na!" Awat nila sakin. Agad nila akong nailayo sa knya pero laong umagos yung iyak ko. "G@g# ka Aeros!"
"Princess?!" hndi makapaniwala si Jv sa sinabi ko. Ako rin naman .. Ewan ko ba. Para akong bulkang sumabog.

Hawak hawak padin ako ni Myugi at Pumapagitna samin ngyon si Jv. Hndi maawat yung pesteng luha na to. After 1 year, akala ko ok na ko. Akala ko kaya ko na syang kaibiganin at makakahanap ako ng ibang mamahalin sa presensya ni Nyx. Pero hindi eh. Dala dala ko padin tong sakit. Tong sakit na si.Aeros ang nakagawa. Tong sakit na bumalik nung makita kong sa muling pagkataon, pinili nnaman ng taong mahal ko ang iba kesa sakin.

"Am I not worth loving guys?" butil butil ang agos ng iyak ko habang walang lakas na tumtingin sakanila. "Ikaw Aeros, hndi ba tlga ako worthy na mahalin? Bakit pinili mong masaktan ako noon? Bakit pinili ni Nyx yung babaeng yun?! Tell me!!"

"Cess tama na.." pnipilit nila ko pakalmahin..

Hanggang sa bumilis ng bumilis ang paghinga ko. Sumisikip at humihirap na huminga
"Princess?! Princess whats happening?!" panakaw ang hiningang nagagawa ko. Parang bumabagal yung mundo, umiikot ang paningin ko at wala kong maintindihan sa mga sumunod na pangyayari.

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon