Chapter 17: Why all of the sudden?

643 10 1
                                    

"Magandang umaga po Nana Rena." magalang kong bati nang maabutan ko itong nagluluto ng almusal sa kusina.

"Oh ikaw pala Shine, ang aga mo naman ata? Aba eh Alas Quatro pa lang ah." sagot nito habang naghihiwa ng mga bawang para sa sinangag."Maayos naba ang pakiramdam mo?"

"Ah, ayos na po ako. Ano po ba ang matutulong ko sainyo?"
"Kaya ko na ito. Bisita ka rito kaya hindi ka dapat gumagawa ng mga gantong bagay."

"Dito na po ako titira." nakayukong sagot habang nakaupo.
Saglit namang natigilan si Nana Rena at napatingin sya sakin."Ganoon ba?" simula nya,  "malaki naman ang bahay na ito ni Paeng. Mabuti rin iyang may natutulungan sya. Kamusta ka naman iha?" nakikita ko ang simpatya sa mata nya. Kinakaawaan nya marahil ako. At alam kong mula ngyon lahat ng makukuha ko ay mula sa habag at awa nalang ni Mang Paeng.

"Sa totoo lang po, nagaadjust pa ko." pagamin  ko, " Masyado pong mabilis ang pangyayari. Nagaalala po ako kina Inay. Matatanda na po sila. Sino po ang magaalaga sakanila? Hndi ko po magawang magpakasarap rito habang wala akong balita sakanila."

"Manalangin ka lang iha. Alam kong hndi sila papabayaan ng Maykapal. Alam kong kung nasan man sila, hndi rin nila gugustuhing madamay ka pa sa paghihirap nila." lumapit sya sakin para kunin ang carrots na nakapatong sa counter malapit sa kninauupuan ko at tinapik ako "simula ngyon, kami na ang pamilya mo. Gawin mo ang gusto ni Paeng at siguradong hndi ka nya papabayaan sa pangangailangan mo."

Tama si Mang Paeng at Nana Rena kailangan kong magsumikap para makaahon kami sa hirap. Iaayos ko ang nasirang pangalan nila Inay. Kahit kapalit pa nito ay ang paninilbihan ko sa pamilya nila Nyx.

"Nana Rena ako na po dyan." sabi ko habang tumutulong na haluin ang kanin sa kawali.
"Ah o edi sige. Mapilit kang bata ka."
" Hindi po kasi pwedeng magbuhay prinsesa ako rito. Diba po? Hehe."
" Ah Oo nam-- Oh ang aga aman magising ng prinsipe dito?"
Mapatigil ako sa ginagawa ko ng sabihin iyon ni Nana Rena at tumingin sa likod ko. Doon ko nakita si Nyx na halatang inaantok pa at nangangamoy alak.
"Goodmorning Nana Rena .." inaantok na sabi pa nito habang pipikit pikit at kinukuskos ang mata. "Goodmorning Ja--" tumigil siya nang makita nyang ako at hndi si Jam ang nakatalikod sakanya. "Goodmorning Be--Shine."

Yumuko siya ng sabihin iyon at hndi ko na mabasa ang ekspresyon sa mata nya.

"Nana, paki dala po ako ng gamot sa kwarto ko. Salamat po." pagkasabi nya noon ay walang palam na umalis.

"Naku ang batang iyon, hndi ko alam bat sya nagkaganyan. Teka, kayo ba ay nagaway na dalawa ha?"

"P-po? Hndi po." nakayuko kong sagot.
"Ah ganun ba .." lumapit sakin si Nana Rena para kunin ang sandok na hawak ko. Nasusunog na pala yung sinangag hndi ko manlang namalayan. Hay! "Di naman pala kayo nagaway eh. Baka may regla lang yun.  Ikaw nalang ang magdala ng gamot sa kanya sa itaas at ako na ang tatapos dito."

Tatanggi ba ako? Kng ggawin ko yun mahahalata nyang hndi talaga kami magkaayos ni Nyx. At pwedeng ungkatin nya pa. Siguro ito nadin yung tamang oras para magkausap kami. Huuuu! Kaya ko to! \(>___<)/

"S-sge po."

Nang makuha ko na ang lahat ng mga gamot na kailangan, kumuha nadin ako ng palanggana, maligamgam na tubig at towel para malinisan sya.

Nakatatlong katok ako sa kwarto pero walang sumasagot , nang ipihit ko ang seradura ay nakabukas naman pala. Mula sa pinto nakita ko agad ang isang nakadapang Nyx. Magulo ang kwartong dati ay alaga sa linis. Nagkalat na mga pinaghubarang damit. Ipinatong ko agad sa bedside table ang dala kong tray at automatikong dinampot ang mga nagkalat na damit sa sahig. Iniayos ko rin ang mga sapatos sa shoe rack nya, ang mga libro sa study table nya pati nadin ang gitara nyang nasa sulok ng kwarto ay ibinalik ko sa stand nang walang ginagawang ingay. Nang masigurado ko nang maayos na ulit ang kwarto ay saka ako lumapit sakanya. Eto na yun!

"Nyx .." alangan akong tawagin syang bes kasi nga nakakailang padin. Ewan ko ba.
"Nyx .. Eto na yung gamot mo." hinawakan ko sya sa balikat para tapikin. Nakapaharap sakin ang mukha nya kaya nakikita ko kng gising ba sya.
"Umayos ka muna ng higa para malinisan kita. Saka uminom kana ng gamot para maging okey na pakiramdam mo."

"Nyx .." hindi sya sumasagot. Minabuti kong alalayan sya at iayos ang pagkakahiga. Mainit ang katawan nya nung mahawakan ko sya ng maigi. Napaka sakitin talaga ng babaeng to! "Nyx inumin mo na muna to, mukhang may sinat ka."

Naiayos ko sya ng patihaya , at isa isa kong inalis yung damit nya. Sinimulan ko ng punasan sya sa katawan at palitan ng damit. Lhat ng yun tinapos ko ng madali, hndi dahil sa ayoko ng gngawa ko pero dahil sa may iba akong nararamdaman pag hawak ko sya. Ano ba to 

"Bakit ka nandito Sunny?" narinig kong sabi ni Nyx habang nakatalikod ako at nililinis yung tilamsik ng tubig dahil sa pagpunas ko saknya.

Lumingon ako saknya at nakita ko syang nakasandal sa headboard ng higaan,"Para alagaan ka?"

"Bakit? Asan si Nana Rena? Si Jam? Hndi mo to trbaho, hindi mo ko dapat nakikitang ganto .."

"Bakit bigla ka nalang nailang sakin Nyx? Sabihin mo nga? Sabay nga tayong naliligo noon diba?" Naghahamon kong tanong saknya.

"Iba noon Sunny .." 

"At anong pinagkaiba Nyx? Magkaibigan anaman tayo diba?"

"Bakit ma ako iniwasan kung magkaibigan tayo Sunny? Why all of the sudden?" Naghahamon rin nyang tanong sakin.

And there I was, being cornered by my own words. Ano nga bang sasabihin ko? Na apektado ako sa nabasa ko sa notebook nya? Hindi. Na nadismaya ako kasi niloko nya ako at inilihim nya sakin ang pagiging lesbian nya? Siguro. Pero sa paanong paraan ko sasabihin ang totoo? Alin nga ba ang totoo?

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon