Chapter 12: Vulcaseal

956 18 4
                                    

"Nyx, ganto ang hawak ng bola." turo ni Cess habang nkhawak sa dalawa kong braso. Parang naka yakap tuloy sya sakin.  

Andito kame ngayon sa may gym. At kame lang ang gumagamit nito ngayon dahil mamaya pang afterclass ang praktis ng mga varsity dito. Sa kabilang ring ay naglalaro sila Aeros. Kameng dalawa naman ni Cess nandito sa kabilang side.  

Sinunod ko naman ang turo sakin ni Cess."Aba Nyx! Ambilis mo talagang matuto!" 

"Hehe, magaling ang tutor ko e." sagot ko sabay kindat habang inaagaw ko ang bola na dinidribble nya ngayon. Para tuloy kame nag 1v1 kung titignan. Madali lang pala ang basic ng basketball. At wala pa naman akong balak palawakin pa ang alam ko dito dahil libangan lang naman ng barkada. Saka matututunan ko rin siguro yun pag pinagpatuloy ko paglalaro.  

Bigla kong naagaw ang bola kay Cess at dinidribble ko na ngayon. Nakita ko kasing natigilan sya nung kindatan ko kaya ginawa kong butas yun para maagaw ang bola."Naku maam, sabe mo attention. E asan ba ang attention mo?" naghahamon kong tanong.  

"Haha. Pinagbibigyan lang kita my student." sagot nito habang nakabantay sakin.  

Umatake sya sa kaliwa ko kaya umatras ako pakanan, pero yun pala ang mali ko dahil mabilis syang nkalipat sa kanan at naagaw ang bola sakin. Pinaikutan nya ako. At kitang kita ko ang swabeng pagkaka lay-up nya ng bola.  

Cool.  

Natulala ako. Kase, ang ganda nya tignan habang nagsshoot ng bola. Kahit pawisan na sya, ang ganda nya parin. At ang nakapony tail na buhok kanina ay hnhiwalayan na ng ilang hibla nito. She's messy but still attractive enough para mapansin.  

*Boooooogsh*  

Aray kupo!  

"I told you to pay attention. Kung saan saan ka nakatingin!"sigaw ni Cess pagkatapos nya kong hagisan ng bola. Nasikmuraan ako dun a!  

Parang kumirot yung tyan ko. Arggh! Ang weak ko naman masyado!  

She's right. I should have paid attention, kase ngayon, kumikirot na talaga. Unti-unti akong nahilo. Parang iniipit ang sikmura ko. Jeeez!  

Napaupo ako sa sakit at pilit kong iniipit ang sikmura ko.  

"Hoy Nyx! Tama na acting okey? Tara magpraktis na tayo."  

Parang unti unting umiikot ang paningin ko. Nakita kong lumalapit sakin si Princess. Yumuko ako para itago ang ekspresyon ng mukha ko.  

Pinagpapawisan nako ng butil butil. Narinig kong nabitawan ni Cess ang bola at dinaluhan ako sa pagkakaupo."N-nyx, are you okey? Is there anything wrong? What happened? Tell me!"  

"I-I Cant, B-Breat---"yun lang huling sinabi ko at nawalan nako ng malay.  

---------  

Princess POV  

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon