Chapter 16: Lips of an Angel

729 11 2
                                    

A/N: Sa mga readers , pardon me if it took soooooooooooooooooo long for the updates kasi napaka dami ko tlga hindrances this past few months, Una: yung sa school activities ko , Pangalawa: Wala tlga akong makuhang ideas for the next chapters since wala na akong masyadong nppanood na Lesbian movies e. Pangatlo: I have my own personal life na kailangan ko MUNA bigyan ng pansin. At huling huli, nung time na meron na akong nagawa sa phone ko na WHOLE CHAPTER na sya, saka naman po nasira at nagloko yng phone ko. So ayun, I end up typing this again on our PC. So I hope you understand, sorry tlga.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sunny's POV

Nang gabing iyon, hindi talga ako makatulog, andaming tumatakbo sa isip ko. Unang una na dto ang pagaalala ko kina Nanay. Hindi ko rin naman sila madala dito dahil pinapatira lang rin naman ako. Ang magagawa ko lang ngayon ay ang pagbutihin ng maigi ang pagaaral ko.

Balang araw, maiaayos ko rin ang lahat.

Ang pangalawa sa bumabagabag sakin ngayon ay ang kaisipang, magkasama kami titira sa iisang bahay ni Nyx. Pilit kong iwinawaksi yung kiliti sa puso ko sa kaisipang iyon. 

Ano naman kung kasama ko siya titira dito. Wala lang naman yun e. 

Ano ba tong nararamdam ko, bahala na.

Ipinilid ko ang ulo ko sa pagkakahiga. Malambot ang higaang mahihigaan ko mula ngayon. Mas maayos na kwarto at maayos na pamumuhay. Nasa malalim akong pagiisip nang marinig ko ang usapan ni Nana Rena at Jam sa labas ng kwarto ko. 

"Asan naba si Nyx? Alasdyis na." 

"Hindi kopo alam Nay, umalis kaninang hapon, sinundo nila Aeoros hindi mo alam kung nasan sya? Dapat inaalam mo kung saan sya pumupunta. Yan ang trabaho mo dito, ang bantayan sya. At hndi ba't may mga pilay pa yun? Bat hinayaan mong umalis! Kanina sa hapunan, ang naidahilan ko nalang kay Paeng ay nasa kwarto sya. Dahil yun ang akala ko! Hanapin mo sya ngayon din Jam, kung ayaw mo managot. Malamang at umiinom nnaman yon."

Mga nagmamadaling yapak ang mga narinig ko kasunod ng mahabang sermon ni Nana Rena kay Jam,"Teka Jam, napainom mo naba ng gamot si Sunshine?"

"Bakit? pati po ba naman si Shine ay aalagaan kopa?"

"Hindi ko alam, pero mabuti na yung walang may sakit dito sa bahay. Marami akong inaasikaso ritosa bahay para isipin pa iyan. Kaya ang pakiusap ko lang naman ay, alalayan mo rin muna si Shine. Marahil ay nagaadjust pa sya."

"May magagawa paba ako Nay. Marahil ay tulog na sya ngayon. Sarado na ang ilaw sa kwarto nya."

"Osge, hanapin mo na si Nyx. Ako na magpapainom ng gamot kay Shine mamaya."

Mabilis akong nagtalukbong ng kumot ng makarinig ako ng mahinang katok matapos ng mga narinig ko. "Shine? Gising kapaba?" Tawag ni Nana Rena saakin.

Minabuti kong wag nang sagutin pa iyon para isipin nyang tulog na nga ako. Pagkatapos nun ay pumihit ang door knob."Shine, andito lang sa gilid ang mga gamot mo ha. Inumin mo bago ka matulog."

As usual, alam ni Nana Rena na hindi naman tlga ako tulog. Inantay kong makalabas sya ng silid bago ako bumangon at ininom ang mga gamot ko. 

Nasaan ka Nyx? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?

Tumayo ako mula sa pagkahiga ko at lumapit sa pinto. Pero parang nawawalan pako ng lakas na buksan. Parang itong kwartong ito na ang magsisilbing taguan ko sa mga susunod na araw. Kasi mula ngayon kapag lumabas na ako dto, kailangan kong ipakitang malakas ako. Na matapang ako.

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon