Chapter 15: "Kung kasama ka niya .."

992 27 10
                                    

Sunny's POV  

 Pumasok ako sa silid ni Mang Paeng. Pilit kong knakalimutan ang nakita ko kanina.  

Iilang beses pa lang ako nakapasok sa kwartong ito, mabibilang lang siguro sa isang kamay, pero kaht kailan, hndi ito nabigo upang pamanghain ako sa kung ano man ang nakikita ko dito.  

Gawa ang halos kabuuan ng kwarong ito sa kahoy. Mula sa higaan hanggang sa book shelves ay gawa sa kahoy. Napaka tahimik rin sa loob at kung iisipin kong ako ang mananatili dito ay makakapagpahinga talaga ako. Ang ingay lang na maririnig ay ang hampas ng mga puno at huni ng mga ibon. Mula sa pinto ay sasalubong sayo ang sariwang hanging mula sa terrace ng silid. Sa kanan makikita ang isang king sized bed na gawa sa puno ng acacia. May sarili rin itong fire place, para sa malamig na panahon. Ang kaliwang parte ng silid kakikitaan ng tatlong malalaking bookshelves at puno ng koleksyon ng mga  libro. Malapit sa terrace ang isang antigong study table.  

Doon ko nakita si Mang Paeng na nakaupo sa swivel chair paharap sa terrace. "Anjan kana pala Shine."  

Malamig ang kwartong ito pero dahil sa pagsasalita ni Mang Paeng ay tila nanlamig ako lalo. Sa tingin ko wala naman akong nagawang kalokohan kaya hind naman ako dapat kabahan.  

"Kailangan ko ho kayong makausap." matatag kong sagot.  

"Alam ko, tungkol ba ito sa mga nakita mong gamit mo sa kwarto?"  

"O-opo. Hndi ko po maintndihan. Bakit po nandito ang mga damit at gamit ko? Nasaan po si Nanay? Ano po nangyari matapos ang sunog?"  

"Lingid sa iyong kaalaman, may napakalaking pagkakautang ang iyong Lolo at lola sakin." Pagsisimula nito. "Hindi kpa naipapanganak ay nalulong sila sa sugal. Naisangla nila saakin ang lupain na kinatitirikan ng bahay nyo kasama ang ilang mga alagang hayop."  

Nagulat ako sa sinabi nya. Alam kong may utang na malaki si Lolo, pero hnd ko inaasahang kay Mang Paeng. Ni hind ko nakitang nagusap sila. Si Nanay lang ang nakikita kong nakikihalubilo sa pamilyang ito. At ang lupa? Kung ganun, hindi kaya, sila ang dahilan ng sunog?  

"Sa kabila ng malaking pagkakautang nila ay nakiusap sila na huwag ko muna kunin ito. Bigyan ko daw muna sila ng pagkakataong magipon ng pambayad at mkapagsimula muli gamit ang maliit na lupain na yon. Pero mula nang maging kaibigan mo ang aking apo, lalo kong ipinagpaliban ang utang na iyon."  paliwanag ni Mang Paeng habang nakangiti.

Nagugulat ako sa mga nalalaman ko ngayon. Ni hind manlang ako makapagsalita. Pakramdam ko mahihiya ako na ewan.  

"Pero ngayong wala nang natitira sa inyo kundi ang lupain .."  

Kinakabahan ako ..  

"Pwedeng pwede ko nang kunin ito. Lugi pa nga ako pero pwede na kesa wala."  

"Pero paano po kami? Saan po kme titira? Paano po sla Nanay?"  

"Maari ka namang tumira sa kariton gaya ng sitwasyon ngyon ng Lolo at Nanay mo. "  

w-what? Nasa kariton sla tumitira ngyon?  

"Nasaan po sila?!"  

"Sa kabilang bayan, malapit sa simbahan ng Lourdes, nagtitinda sila ng mga gulay gulay na naangkat sa kng saan. Ang kuya mo naman ay naglaho bigla nang matanggal sa construction site dahil sa pagnanakaw."  

Nanghina at nanlambot ako sa mga nalaman ko. Wala manlang akong kaalam alam sa sitwasyon ng pamilya namen. Wala na pla akong pupuntahan kung ganon.  

"P-paano, anong gagawin ko .." tumutulo na ang luha ko sa sunod sunod na nalaman ko.  

"Maari kitang tulungan Sunny .."  

"P-po?"  

"Aampunin kita at pagaaralin gaya ni Jam. Pero kukunin ko ang lupa at gagamitin para sa negosyo."  

"Talaga po?"  

"Oo naman, ang gusto ko lang ay magaral ka ng mabuti. At para balang araw ay mabibili mo rin muli ang lupain ng iyong pamilya. Tinutulungan kita dahil alam kong importante ka sa apo ko." 

Maiiyak na ako sa kinatatayuan ko. Parang sa isang iglap, kukunin lahat ng lakas ko pero sa isang iglap rin nagkakaroon rin ako ng lakas ng loob para makabangon ulit.

"Iniingatan ko rin kayo. Lalo na't nakikita kong mahal ka ng apo ko."

"P-po?"  

"O hindi bat magkaibigan kayo ng apo ko? Hnd mo ba sya mahal bilang kaibigan?"  

Namutla ako sa tnanong nya, "Mahal ko po sya .." bilang kaibigan. Gusto ko idugtong pero hindi ko nagawa. Kumokontra yung puso't isip ko.  

"Mabuti. Magpahinga ka na. Nakita mo ba si Nyx?"  

"Opo kanina. Kumakain po sila ni Jam."  

"Aa. Ang apo kong yon.." sagot nya habang nakangiti at umiiling. "Alam kong may mga pinagdadaanan sya ngyon, matanda nako pero hindi ako bulag. Alam kong malalagpasan nya lahat ng ito." lumapit si Mang Paeng sakin at tinapik ako sa balikat. "At sa tingin ko, malalagpasan nya ito kung kasama ka nya."

I fell inlove with a LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon