Nakatayo lang ako sa tapat ng gate na ito.Di ko kasi alam kung pano papasok. Kakatok ba ako?? Aish!! Bahala na nga. Kakatok na sana ako ng kusang bumukas yung gate.Pumasok na rin ako agad, 3rd year college na din ako masyado kasi ako maaga nag aral. Ang laki ng school na ito malawak ang field, malalaki ang buildings, at ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang water false na may rebulto.
Nang makalapit ko ,mas malinaw ang rebultong nakikita ko , si ....Pluto or I must say Hades A Greek Roman God. God of the Underwold. So dito pala nakapangalan ang skwelahan na ito. Maganda ang pagkakaukit sa kanya kaya naman makikilala mo sya agad kung may alam ka sa mga gods and goddesses. Ofcourse alam ko yan my name is from a goddess.
"Ikaw ba ang transferee"-halos mapatalon ako sa nagsalita sa likod ko humarap ako aa kanya at agad inayos ang sarili ko. Isa lang palang estudyante , babae sya. Tinignan ko lang sya ng blanko my original expression.
" Oo ako nga"-malamig kong sagot sa kanya. Ito na naman ang ugali ko na ginagamit ko sa ibang tao.
"Alam ko hinahanap mo ang office kaya sasamahan na kita"- saka tumalikod na at naglakad , sumunod na lang ako sa kanya.
Habang naglalakad kami di talaga maiiwasan na makaagaw ng atensyon , yung iba kung makatingin parang pinapatay ka na sa sobrang talim, yung iba naman kung makatingin kulang na lang hubaran ka ng suot dahil sa lagkit ,in short mga 'manyak'. Hindi rin maiiwasan ang mga bulungan na naririnig naman. Typical students, pero iba dito puro tungkol ata sa kamatayan ko ang pinag uusapan nila. Crreeeppyy
" Bago nanaman??gusto na ba nila mamatay"
"Tsk. Another bitch! Another dead!"
"Next target"
"Weak! Another point for us"
I dont care kahit ano pang sabihin nyo sakin. Nakarating din kami sa tapat opisina ng prinsipal at walang sabi sabi akong iniwan ng babae. Kaya naman pinihit ko na ang doorknob at pumasok sa opisina ,bumungad sa akin ang isang babaeng nasa 50's na maganda sya at talagang mukhang mayaman. Nakangiti ito sa akin pero blangko lang akong nakatingin sa kanya.
"Good morning Ms.Villafuerte ,I'm Mrs. Virginia Clater ,principal of Hades university. Welcome and enjoy your stay here. Heres your schedule and your dorm key, room no.47 your uniform are there and meet your room mates"-pagkatapos nyang sabihin yon ay di na ko nagsalita at kinuha ang ibinigay nyang susi at schedule ko at basta na lamang lumabas.
Naglakad lakad lang ako ng maalala kong hindi kp nga pala alam kung saan ang girls dormitory. Paano kaya ako makakarating don?? Aishh!! Bahala na nga!! Naglakad lang ako ng lakad hanggang sa makakita ako ng dalawang building..siguro naman ito isa dito ang girls dormitory? Tumingin ako sa building sa kaliwa ,puro lalaki ang nakikita ko kaya tumingin ako sa kabila ,puro naman babae. So, I guess iyon ang girls dormitory kaya lumakad ako papunta doon marami parin nakatingin sa akin ,puro matatalim na hindi ko na lang pinansin.
Nang makarating ako sa tapat ng room na may nakalagay na no.47 ay kumatok ako ngunit walang sumagot kaya ako na ang kusang nagbukas at nagulat sa bumungad sa akin.......
" KYAAAAHHHHH CAV!!!"- Siigaw ni Kleah at tumalon pa para yumakap sa akin. What the? Anong ginagawa ng dalawang to dito??kumalas agad ako sa yakap ni Kleah
"Hey Clai dito ka rin mag aaral?"- tanong naman ni shinn na nakangiti sa akin
" Oo kayo?"- taka kong tanong sa kanila
"Oo ehh dineretso kami dito..di na nga kami nakapunta sa HQ para mag paalam"-sagot naman nya .
Kung nagtataka kayo kung sino sila, sila lang naman ang dalawa kong kaibigan na kasama kong na drop out.