CHAPTER 15: START OUR PLAN

90 3 4
                                    


Nang matapos ang break ay bumalik na ako sa office ng RDC. Pagpasok ko palang busy na sila sa mga ginagawa nila. Napatingin sa akin si King ngunit di ko sya pinansin. Dumeretso na lang ako sa  bakanteng upuan na nakahanda para sa akin.

Tahimik lang ako na nakaupo doon. Busy sila sa mga papeles nila. Nakakaboring talaga dito..

Mayamaya ay may narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko ang pagpasok nina Hope and Kleah.

What the are they doing here?!

"What are you doing here??'- tanong ni Anastasha. Nasa kanila na pala ang atensyon ng lahat ng nandito sa office..

"Ahmmm...."- panimula ni Kleah.

Seriously?! What are they doing here?! Ano na naman ang pumasok sa mga utak nito.

"Anong ginagawa ng mga kaibigan mo dito??"- malamig na tanong ni king. Walang gana ko syang tinignan at inirapan.

"Di ko alam."- malamig na sagot ko rin sa kanya.

"Hey! Were asking you!! What the hell are you doing here!??"- mataray na tanong naman ni Heda.

Napatingin sa kanya si Hope at inirapan sya kaya nakita ko angbumakas na inis sa kanyang mukha. Matatalim na rin ang mga titig na pinupukol sa kanila ng grupo ng Dark Queens.

"Were not here to fight. Nandito ako para kay Frei. I just want to say sorry for what I've done yesterday. Kaya dinalhan kita nito."- pinakita nya ang dala nyang plastik na may pagkain.

Lumakad sya palapit kay Frei at nang madaanan nya si Heda ay nginisihan nya ito kaya nanggagalaiti ito sa galit.
Nang makalapit sya kay Frei ay ngumiti sya dito. Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Frei. Yaks..kalalaking tao kinikilig.

"Sorry Frei. Di ko talaga sinasadya na halikan ka. Nadala lang ako ang gwapo mo kasi."- nakangisi nyang saad kay Frei.

"Ahh. W-wala yun!..." Nauutal na sagot namn ni Frei.

"Napag usapan na kasi namin ng gang ko na tigilan na ang away sa gitna ng grupo natin. We want to be friends with you. At sinisikap namin na tumaas ang rank para makalevel kayo and we want to be a member of this RDC."- malambing na sabi ni Hope.

Now i get it. They already start the plan.

"Oh sure. Mas maganda na rin siguro yun para wala ng gulo diba guys?"- tanong ni Frei sa mga kasama nya sa loob ng office. Tahimik lamang ang mga ito at walang umimik.

"Ahmm ako naman kay Prince Kelvin. I just want to say sorry noong 1st day naging masama ang pagkikita natin. Its just that I dont want to be disturb while Im eating so Im so sorry."- paghingi ni Kleah kay kelvin at lumapit pa sa rito at may nilagay rin na pagkain sa mesa nito. Napatawa naman si Kelvin.

"Seriously Ms. Villafuerte anong gusto ng mga kaibigan mo?"- nakakunot noong tanong naman ni King sa akin.

Nag isip ako ng isasagot dahil kailangan ko rin namanng makisama sa mga kalokohan ng mga ito.

"They want peace Mr. President. Yun lang ang gusto nila at napag usapan namin."- sagot ko sa kanya.

"Oh really? Kayo ang nagsimula nito diba?"- sarkastiko nyang tanong. Kalma Cavs. Huwag mong patulan yan.

"Kaya nga kami ng hihingi ng sorry right? Ayaw na namin ng gulo mr. President. "- pagpapanggap ko.

"Kala nyo ba mapapaniwala nyo ako??"- sarkastiko nyang tanong.

"Edi wag kang maniwala. Di naman namin kayo pipilitin.. We just wamt some peace. Were tired of fighting."- sagot ko tsaka tinalikuran sya at humarap sa bagong pumasok sa office. Sina Aime at Shinn na halatang hindi sang ayon sa plano dahil sa pagkakalukot ng mukha nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hades UniversityWhere stories live. Discover now