CHAPTER 8: HIS SECRET WAY

32 4 0
                                    


Gabi na naman at di na naman ako dinadapuan ng antok. Tulog na ang mga kasama ko at tanging ako na lamang ang hindi tulog.

Kaya naisip ko munang lumabas ng dorm para magpahangin at mag pa antok.

Naglalakad na ako sa hallway at nagmamasid kung may nakasunod na presensya sa akin. Ngunit wala naman akong naramdaman, siguro napagod din sya kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.

Nang makalabas ako ng girls dormitory ay agad akong nagtago sa agad ako sa dilim dahil may namataan akong anino galing sa Boys dormitory dahil nga katabi lang iyon ng girls dormitory.

Pamilyar ang aninong iyon kaya naman sinundan ko ito. Nalaman kong patungo ito sa mapunong bahagi ng school. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa gitna ng gubat.  Naramdaman nya ata ang presensya ko kaya napatingin sya sa likuran nya, kaya mabilis akong nagtago sa likod ng puno. Dahil nakatingin na sya nagkaroon ako ng pagkakataon na kilalanin sya at bahagyang nagulat kung sino ito ....

....si King!??

Ngayon ko lang naalala yung unang beses na nakita ko sya dito. Kaya nacurios ako kung anong ikinagagalit nya nong nakaraan.

Nagpatuloy na sya sa paglalakad habang ako patuloy sa pagsunod sa kanya mukhang di nya na nararamdaman ang presensya ko.

Nang makarating kami sa pinakadulo ng gubat ay natagpuan ko ang napakataas na pader at may  electric security wire na nakapalibot dito. Pinag masdan ko lang sya kung anong gagawin nya. Patingin tingin pa sya sa likod kung may tao at ng malaman nyang wala ay nilabas nya ang isang susi. Nakatalikod sya kaya di ko makita ang ginagawa nya. Pero alam ko ginamit nya ang susi. Maya maya ay bumukas ito at natanaw ko na ang mga sasakyan sa labas ,agad syang lumabas dito at tsaka sinarado. Nang wala na sya ay linapitan ko ito at pinag masdan.

Isa itong gate na kakulay lang ng pader dahil sa disenyo nito kaya't hindi mo agad malalaman na gate ito. Tinignan ko ang lock nito at pinag masdan ang susian.

Nang matapos ko itong pagmasdan ay naglakad na ako pabalik sa dorm. Pumasok agad ako sa loob at humiga sa kama ng hindi gumagawa ng ingay na makagigising sa mga kasama ko.

Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang nahanap ko kanina. Nakakalabas pala sya dito?? Saan naman sya napunta?? Bakit sya lang ang may alam ng daan doon?? Sino ang pinupuntahan nya sa labas?? Masyado ka talagang misteryoso king... Katulad ko marami ka ring tinatago.

Pumikit na ako para mabawasan ang pag iisip.

***********

"Hey Kleahh dalian mo nga!!"- sigaw ni Aime

" Shinn!! peram naman ako ng Lipstick mo !!naiwan ko kasi yung akin!!"- sigaw din ni Hope

"Hindi ka ba makapag antay dyan Aime!!"- sigaw rin ni Kleah sa cr. Narindi ako kaya padabog akong bumangon

" SHUT THE FUCK UP!!!!"- sigaw ko kaya agad silang natahimik. Nag iwas sila ng tingin kaya kumilos na rin ako. Pagkalabas na pagkalabas ni Kleah ay pumasok agad ako sa banyo.

"Ikaw kasi.  ...."- paninisi ni Kleah ng makalabas sya sa banyo habang ako nag simula ng maligo.

" Anong ako?? Ikaw nga yun"- sagot ni Aime

"Sus pareho lang kayong dalawa"- sabat naman ni Hope..

" KASAMA KARIN KAYA!!"- sabay na sigaw ni Kleah at Aime

"Pare pareho lang kayo kaya pwede ba tumahimik na kayo, baka mamaya labasin kayo ni Clai dyan" -sabat ni Shinn. Tumahimik naman sila kaya tinapos ko agad ang pagligo.

Hades UniversityWhere stories live. Discover now