CHAPTER 11: TRUE FRIENDS

38 2 0
                                    


Clairine's Pov

Nang makarating ako sa dorm ay agad akong pumasok sa loob. Wala pa sila Kleah, siguro hindi pa tapos ang klase.

Pumunta na lang ako sa kama ko at nahiga. Maya maya lang ay dinalaw na ako ng antok kaya pinikut ko na rin ang mata ko.

*************

"OMG ANG GWAPO TALAGA NILA!!"- Sigaw ni Kleah na nagpagising sa akin. Pero nanatili lang akong nakapikit at nagtutulog tulogan.

" ssshhh. Kleah wag ka ngang maingay baka magising si Cavs at makatikim ka"- bulong naman ni Hope

"Oo nga nohh...sorry"- sagot naman ni Kleah na mahina lang rin ang boses.

"Hayy ang saya nito nohh magkakasama ulit tayo!! Walang parents na pipigil sa atin sa mga kalokohan."-saad ni Aime.

Nanatili lang akong nakapikit at nakikinig sa kanila. Gusto ko kasing malaman ang mga pinag uusapan nila kapag di ko naririnig.

"Oo nga ehh...buo na tayo...at kasama pa natin si Cav na hindi tayo pinapabayaan"- masayang sabi ni Kleah.

" Oo nga ehh naalala ko non. Yung una palang kaming magkita ni Cav napakabait nya sa akin. Yung kapag inaapi ko sya okay lang sa kanya...Ako pa naman ang number 1 bully at Bitch Queen sa school natin noon. Kapag wala kayong dalawa sya yung napg titripan ko. Pero di man lang sya nagalit sa akin. Alam nyo ba nagagandahan talaga ako kay Cav noon. Naiinggit nga ako sa kanya dati kasi pansinin sya ng lalaki kaya binully ko sya. Pero pinatawad nya parin ako.haha meron pa nga yung panahon na parang naging tomboy ako kasi feeling ko crush ko si Cav ehh ang ganda nya kasi parang anghel pa sa sobrang bait kaya talagang habulin ng mga lalaki. Kaya nung araw na nagsorry ako sa kanya, pinatawad nya agad ako...tapos gusto nya pa maging kaibigan ko, nagulat nga ako non kasi sa dami ng ginawa kong masama sa kanya gusto nya parin akong maging kaibigan..atsaka sya lang ang babaeng gusto akongmaging kaibigan sa kabila ng ugali ko... Kaya naman nung tinanggap ko yung alok nya parang nagkaroon na ng kulay yung high school life ko..kasi nakaksama ko kayo. At masaya akong naging kaibigan ko kayo..pero sayang kung hindi lang sana nangyari yun aksidenteng yun hindi sana nagbago si Cav."- biglang lumungkot ang boses ni Hope sa bandang huli ng pagkekwento nya. Parang nanghihinayang sya sa nangyari sa akin.

"Tama sana hindi na nangyari yun...Kasi yung dating Cav na kilala ko yung sobrang masiyahin. Yung palaging nakangiti..Naalala ko panon nung araw na nagkakilala kami sa school. Nung binunggo ko sya sa hallway kaya nabasag yung dala nyang pang eksperement, galit kasi ako sa kanya noon kasi yung crush ko sa school may gusto sa kanya kaya ginagawan ko sya ng masama. Pero hindi sya nagalit tapos sya pa nanghihingi ng sorry ehh ako naman sinadya ko naman talaga syang banggain para mabasag nya yung pang eksperement nya. Tapos nung pinahiya ko sya sa prom.. Yung sya yung napili na Queen of the night ako yung may gawa kung bakit may nabuhos na putik sa kanya at pinagtawanan sya ng mga tao. Hindi parin sya nagalit non. Tapos nung kaming dalawa lang sa classroom nabasag ko yung salamin kaya kinabahan ako, tapos nung dumating yung teacher galit na galit sya at tinatanong kung sino daw ang may gawa non..di ako nag salita pero nagulat ako ng inako ni Cav yung kasalanan kaya sya yung napunta sa principals office. Dahil don kinausap ko sya nung uwian kung bakit nya yun ginawa.. Ngumiti sya sa akin tapos sinabi nya" Gusto kasi kitang maging kaibigan" nagulat pa ako sa sinabi nya pero dahil may utang na loob ako sa kanya tinanggap ko yon at maganda naman ang kinalabasan dahil kaibigan nya rin pala kayo"- masayang kwento ni Aime.

"Ehh kayo Kleah At Shinn pano nyo nakilala si Cav"- tanong ni Aime

"Ahh ako??" Simula ni Kleah"Nakilala ko sya nung elementary kami... Binubully kasi ako sa room namin. Tapos isang araw inaaway ako ng tatlo kong classmate..Tapos nung dumating sya sya na yung umaway sa bully ko... Basta nag away silang apat habang ako tahimik lang sa gilid. Nang matapos yung gulo kawawa nga si Cav non bug bog sarado kahit yung tatlo kong kaaway ganon rin kaya na guidance sila. Nang makalabas sila ng guidance tsaka lang nya ako kinausap kung okay lang daw ako nagtaka naman ako kung bakit ako ang tinatanong nya ehh sya naman ang nasaktan...tapos simula non lagi nya na kong kasama para wala na daw mang away sa akin"- kwento ni kleah.

"Ako naman"- simula ni shinn " Mula pagkabata magkaibigan na kami, lagi kasi akong napunta sa bahay nila para makipaglaro sa kanya...Magkaibigan kasi si daddy tapos yung daddy nya kaya. Noon pa nga naaawa ako sa kanya kasi lagi syang inaaway ng ate nya pero pinapatawad nya kaagad o kaya pinapalampas nya..may ate rin naman ako pero hindi kami katulad nila. Magkasundo kami pero, nung lumake kami, nainggit ako sa kanya kasi laging syang kinukumpara sa akin nila daddy at sya lagi ang tama. Kaya nagalit ako sa kanya, kaya pag nag aaway kami at ako lagi ang pinagagalitan ni daddy kila Clai ako napunta, lagi naman syang nandyan para sa akin lagi nya akong pinapatahan at pinapasaya. Sinasabi nya na wag daw ako makinig sa sasabihin ng iba basta mag sikap lang ako makukuha ko ang gusto ko. Tapos kapag sya naman inaaway ng ate nya ako yung nilalapitan nya..Magkaibigan ang ate ko at ate nya. Pero di ko pa nakakasama ang ate nya basta ang alam ko masama ang ugali ng ate nya pero paulit ulit nya ring sinasabi sa akin na wag husgahan yung ate nya. Minsan ngang na ospital si Clai dahil sa ate nya ehh, di ko alam kung anong nangyare basta naospital si Clai kaya hindi ko sya nakita ng ilang linggo. Tinanong ng daddy nya kung anong nang yari pero wala syangmasagot dahil wala na syang maalala...kahit nga ako di nya maalala kaya nakipagkaibigan na lang ako ulit sa kanya..tapos nung nag grade six kami kasama na namin si Kleah at yung bago naming kaibigan na lalaki na laging nag aalaga kay Clai..mabait yun gwapo rin .

Kaya laging masaya si Clai kapag kasama nya yun..... Hanggang sa nagcollege kami, kasama pa rin sya ni Clai at naging sila kasi mahal sya ni Clai at mahal na mahal nya rin s Clai. Nagplano pa nga sila na magpakasal noon ehh kaso di na natuloy nong may nangyaring insidente, namatay sya at namatay na rin ang Clai na masiyahin at masigla...naging Clai na puno ng galit at puot ang laman ng puso...naging tahimik na sya at laging seryoso. Kaya di ko sya iniiwan dahil alam kong kailangan nya ako. At sya lang ang tunay kong kaibigan na handang magbuwis ng buhay para sa mga taong mahahalaga sa kanya."-kwento ni Shinn kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait ng patago.

" Tama ka, handa syang ibuhis ang buhay nya para lang hindi masaktan ang mga taong mahalaga sa kanya tulad ng nangyari sa atin."- alam kong may lungkot sa boses ni Hope.

"Mapapatay nya na sana yung babaeng hinahanap nya kung hindi lang tayo nasa panganib non....kung hindi sana naubusan ng bala yung mga baril natin napatay nya yung babae gamit ang natitira nyang bala.pero binaril nya parin yung lalaking may balak pumatay sa atin.."  Malungkot na saad ni Aime.

"Saka sya pa ang nanganib dahil wala na rin syang bala at may gusto ring pumatay sa kanya....iniisip ko tuloy na kasalanan kong nasira yung plano natin..kung hinanda ko lang sana lahat ng bala..."- malungkot na saad ni Hope

"Hoy ano ba kayo walang may kasalanan sa atin sadyang mahalaga tayo kay Cav kaya nya yun ginawa at tsaka mahahanap rin natin yung bruhildang yon."- sabat naman ni Kleah

" Oo tama kaibigan kasi tayo ni Clai kaya nya tayo niligtas"-pag sang ayon naman ni shinn.

"Kaya tayo tutulungan natin syang lumaban at magtagumpay"- dagdag pa nya.

" tama!"- sigaw ni Kleah

"Ok!!"- sigaw rin ni Hope

" Go Queens !!"- sigaw rin ni Aime

"Shhh wag kayo maingay"- bulong ni Shinn

Dahil sa narinig ko kusa na akong nakatulog...
       'Kahit na anong problema, asahan mo ang mga tunay na kaibigan mo na susuportahan ka'.

*Good night*




*************
Thank you for reading this chapter!!
                       ENJOY!!!
   

                                       -Guess_Who?

Hades UniversityWhere stories live. Discover now