Umaga na nang magising ako. Kumilos ako agad paggising ko dahil naalala kong hindi nga pala ako kumain kagabi. Kumikilos na rin naman sila Kleah.Si Kleah ay naglilipstick na ng kanyang labi, habang si Aime naman ay nag susuot na ng Uniform nya. Si Hope naman ay nag susuklay ng pinaka aalagaan nyang buhok. Maya maya ay lumabas si shinn sa banyo at halatang katatapos lang maligo. Pagkalabas nya ay sya namang agad na pagpasok ko.
Nang matapos kaming mag ayos ay sabay sabay na kaming lumabas ng dorm at pumunta sa cafeteria. Kakapasok palang namin nang mapansin namin ang nagkukumpulang tao. Nagtaka kami kung bakit sila nandon kaya pinuntahan namin iyon.
Nakita namin ang isang estudyante na naliligo na sa sarili nyang dugo. Parang wala lang sa mga estudyante kung may patay kahit ordinaryong araw lang. Kala ko ba once a week lang ang Game of Life??
Maya maya ay dumating ang isang janitor at parang wala lang sa kanya na hilahin ang paa ng patay na lalaking estudyante. Napansin ko naman sa estudyante na iyon na may sugat sa braso na sadyang inukit ang letra dito gamit ang patalim.
'BDG' yun ang nakalagay sa braso nya. Sigurado ako na may meaning yun. Nagpantig lang bigla ang tenga ko dahil sa bulungan.
"Grabe nagsimula na naman sila"
"Kinakalaban talaga nila ang Royals Department Council"
"Siguradong magagalit si King"
"Nagsisimula na naman sila ng gulo"
"Porket wala lang ang queen? Ganyan na naman sila?"Wait ! Did I hear Royal Department Council?? What the Fuck?? Royal??
"What the F?!! Royal Department Council??hahha"- biglang naibulalas ni Aime kaya napatingin sa kanya ang lahat
" Seriously?? I thought the name of this school is Hades University not Kingdom University?hahaha"- Sabat pa ni Hope..
"So thats the reason why they called them princess, prince , king and queen?? Hahaha this school sucks."- tumatawang saad naman ni Kleah
"Ano kayang nangyari dyan sa estudyante??"- biglang tanong ni Shinn sa kawalan habang nakatingin sa bangkay na kinakaladkad ng janitor.
"You said last time that killing in this school is prohibited, right?"- tanong ko rin sa kanya kaya napatingin sya sa akin at tumango.
"I think they killed him for fun"- malamig kong sagot na hindi nakatingin sa kanya.
"Yes, killing in this school is prohibited but it says that Royal Department Council stopped it...Ang sabi sila ang nagpatupad na wag pumatay sa mga lugar na maraming tao....dahil sila lang ang pwede..iyon daw ang pinatupad ng Queen."- pagpapaliwanag nya kaya napatango ako.
"So, kinakalaban lang naman nila ang RDC dahil hindi naman makatarungan ang batas na nilikha ng Queen"- sagot ko.
Umalis na kami sa pinangyarihan. At dumeretso sa counter. Parang walang nangyari kasi nag sibalikan na ang mga estudyante sa kani kanilang ginagawa. Nang makuha na namin ang order namin ay humanap na kami ng table.
Pagkaupo pa lang namin ay sinimulan na namin ang pagkain.
Nagsimula na naman ang Tilian ng dumating ang DH gang( Dark Hades) ngunit di nila kasama ang dark Queens mukhang nagpapagaling parin siguro.
Seryoso ang mga mukha nila habang papasok sa cafeteria kaya napatahimik ang mga estudyante. Tumigil sila sa gitna na seryoso parin ang mukha.
"Sino ang nakasaksi sa nangyari??"- tanong ni King..
Walang sumagot sa kanya at nanatiling tahimik lang ang mga estudyante. Wala naman talagang may alam sa nangyari.
"Tandaan nyo na lahat ng hindi sumusunod sa batas ng Royal Department Council ay may kaparusahan at sa oras na malaman namin kung sino ang kumakalaban sa amin ay ihanda nyo na ang sarili nyo." - malamig na banta nya sa lahat ng nasa cafeteria bago tumalikod at lumabas sa cafeteria.
Nag bell na pero wala akong balak pumasok sa boring na klase kaya nag paalam ako kina Shinn na magpapahangin muna ako. Pumayag naman sila dahil alam naman nila na hindi ako madalas sumasama sa kanila at gusto kong mapagisa.
Pumasok na sila samantalang ako naglilibot lang dito sa hallway. Ngayon ko nga lang napanasin na sobrang laki pala ng school na ito.
Malapit na ako sa library ng may marinig akong kalabog galing sa bakanteng classroom. Lumapit ako dito pero agad nagtago ng may makita akong tao. Isang estudyante na babae na may hawak na duguang patalim, don ko lang napansin ang isa ring estudyante na naliligo sa dugo dahil sa saksak. Pumasok ako sa loob kaya nanlaki ang mata nya ng makita ako. Tinignan ko sya sa kanyang mata. Masama ang tingin nya sa akin.
"Anong ginagawa mo dito??"- tanong nya sa akin habang masama ang tingin. Hindi ako sumagot at dahan dahang lumapit sa kanya. Di pa ako nakakalapit ng bigla syang tumakbo palabas sa kabilang pintuan.
Tumakbo din ako para mahabol sya. Nasa gitna na kami ng hallway na walang na puro bakante ang rooms ,ng tumigil sya at humarap sa akin na masama parin ang tingin at may hawak na patalim.
"Bakit mo ba ko sinusundan?!!"- galit na tanong nya... Di ako sumagot at nanatiling nakatayo na medyo malayo sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga mata nya na blanko lang ang ekspresyon.
"Gusto mo na rin bang mamatay??"- tanong nya na may pagkasarkastiko.
"This is not my time."- simpleng sagot ko.
"Pwes ngayong araw na ito ang oras mo"- pagkatapos nyang sabihin iyon ay sumugod na sya sa akin.
Mabilis syang kumilos kaya naman nasugatan nya ako sa aking pisngi. Wala akong dalang patalim at puro iwas lang ang ginagawa ko. Ngumisi sya nang may makita na tumulong dugo sa pisngi ko. Hinawakan ko naman ang pisngi ko at nakita nga ang dugo.
" Blood"- nabigkas ko na lang habang nakatingin sa daliri kong may dugo. Bigla na lang akong natuwa ng may makita akong dugo.
"Masaya ka ba at mamamatay ka na??"- sarkastiko nyang tanong sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya at nakita ko kung paano sya napaangat dahil nagtayuan ang kanyang mga balahibo.
"Ohh Are you scared??"- nakangisi kong tanong sa kanya habang papalapit sa kinatatayuan nya.
"Of cou--rse not!!"- nauutal nyang sagot at halata sa boses nya na takot sya. Maya maya ay bigla na lang syang sumugod mabilis na isasaksak sana sa akin ang patalim ngunit agad ko iyong naiwasan ngunit natamaan parin ang braso ko. Napatigil sya ng makita iyon kaya kumilos agad ako para masapak sya sa panga at matadyakan sya sa sikmura.
Napaatras sya pero nabalik rin at sumugod at isasaksak sa akin ang patalim ng mahawakan ko ang kamay nya at kinuha ko ang patalim at sinaksak sa kanyang sikmura. Nanlaki ang mata nya at naubo sya ng dugo. Napangisi ako at hinugot ang patalim sa sikmura nya at lumayo sa kanya. Unti unti syang napapaupo sa kinatatayuan nya habang patuloy sa pag agos ang dugo nya.
"I think its your time."- nakangisi kong sambit sa kanya habang pinagmamasdan syang unti unti na syang napapahiga sa sahig at nauubusan ng hininga.
"What's happening here?!!"- sigaw galing sa likod ko. Nanatili akong nakatalikod sa kanila , hawak ko parin ang patalim na ginamit ko sa kanya at puno ito ng dugo. Nagdudugo parin ang ang sugat ko sa braso at pisngi.
"What have you done Ms.Villafuerte??"- tanong ni King. Oo si king ang lalaking nagtatanong at ramdam ko ang presensya ng mga kasama nya..hindi ko sila nililingon dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.
Nabitawan ko ang hawak kong patalim at napahawak sa ulo ko dahil para itong pinupukpok ng martilyo ng paulit ulit sa sobrang sakit. Nawawalan na ako ng balanse dahil sa sobrang sakit, nanlalabo narin ang paningin ko at may paulit ulit na boses akong naririnig.
" Clai Clai!! Tara na!!"
"Clai Clai dalian mo!"
"Clai Clai!! Anbagal mo naman ehh"Paulit ulit lang ang naririnig kong boses ng lalaki. Di ko sya kilala. Sino ka?! ahhh!!
Maya maya'y bigla na lang bumagsak ang katawan ko, kala ko babagsak ako sa sahig, ngunit naramdaman ko na lang na nakalutang ako. Pinilit kong aninagin kung sino ang sumalo sa akin, at nakita ko si king. Tuluyan na akong nawalan ng malay.
*************
Thank you for reading this chapter!!
ENJOY!!!
-Guess_Who?