CHAPTER 5: Presence in the Dark

39 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa dorm at nagpapahinga. Hindi kami pumasok sa klase kanina  at siguro ngayon ay tapos na ang klase dahil malapit nang sumapit ang dilim.

Si Shinn ay busy nanaman sa kayang laptop habang si Kleah naman ay naglalaro ng Cellphone nya at ako naman ay nakikinig sa headset ko.

"Clai when are we going to  Bloody field?" - tanong ni Shinn. Saglit lang ang pinukol kong blankong tingin sa kanya at humarap muli sa kisame

"Did you know wheres the tunnel??"- tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

" Yeah, nasa likod sya ng school"- sagot nya. Kaya tumango tango na lang ako

"Ok we'll visit there tomorrow"- saad ko na ikinatuwa nila.

" Omg!! Im excited!!"- sabat ni Kleah

"But how about the two??"- tanong ni Shinn

"They're not here. So only us will go"- malamig na sagot ko sa kanya. Tumango lang sya.

" Hahaha ang bagal kasi ng dalwang yun ehh "- tawa ni Kleah

"We'll just wait, they'll have punishment if they not find us earlier."- nakangisi kong sagot habang nakatingin sa mata ni Kleah, agad naman syang umiwas ng tingin.

Lumipas ang oras at tulog na ang lahat. Ngunit hindi pa ako makatulog. Nakatingin lang ako sa kisame.

Dahil di pa ako dinadapuan ng antok ay bumangon ako at lumabas ng room namin. Madilim na ang hallway at walang tao kaya naisip kong mag ikot ikot nalang.

Habang naglalakad ako ay naagaw ng atensyon ko ang fountain kaya doon ako pumunta at pinagmasdan ko ito. Ngunit habang pinagmamasdan ko ito ay nakaramdam ako ng presensya ng taong nakamasid sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaya mas naging alerto ako.

'Shit' sigaw ko sa isip ko. Paano nila ako nahanap at nasunsdan dito? Bakit ba ayaw nila akong lubayan??

Pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala talaga akong makitang tao.

Naisip kong pumunta sa mapunong bahagi ng school para komprontahin ang taong iyon. Naramdaman ko namang nakasunod sya. Familiar na sa akin ang presensya nya dahil sya lang lagi ang nakasunod sa akin kahit saan ako pumunta at nanunuod sa mga ginagawa ko pero di ko magawang kilalanin sya.Masyado syang mailap dahil kapag haharap na ako sa kanya mabilis syang nawawala.

Nang makarating ako sa pinaka gitnang bahagi ng gubat ay tumigil ako saglit at humarap sa likod. Walang tao pero ramdam ko parin ang presensya nyang nakamasid sa akin. Haharap na sana ako ulit ng may maramdaman akong kamay sa balikat ko kaya halos mapatalon ako sa gulat at kaba. Tatabigin ko na sana ang kamay nya ng agad nya akong isandal sa puno at ikulong sa bisig nya.

Tinignan ko kung sino ito at nanlaki ang mata ko, ang King! Hindi sya ang presensya na naramdaman ko. Pero wala na akong maramdamang iba pang presensya kaya agad kong ipinukol ang matalim kong tingin sa lalaling ito. Matalim din ang tingin nito sa akin.

" Let me go"- madiin at malamig kong banta sa kanya ngunit hindi sya natinag at matalim parin ang tingin sa akin

"What are you doing here??"- madiin rin na tanong nya sa akin

"Wala kang pakialam."- sagot ko sabay tulak sa kanya kaya napaatras sya.

Tumalikod na ako sa kanya at akmang lalakad na ng hinigit nya ang braso ko kaya irita akong napatingin sa kanya.

" ANO BA??!!"- Naisigaw ko dahil sa pagkairita sa kanya.

"I'm asking you what are you doing here"- Ulit nya sa tanong nya sa akin habang nakatitig sa mata ko.
Parang pamilyar sya sa akin ngunit di ko matandaan kung saan kami nagkita.

" Ano bang pake mo kung anong ginawa ko dito?!! At pwede ba bitawan mo ko at wag mo kong pakikielaman! !"- iritang sagot ko sa kanya at tsaka marahas na binawi ang aking kamay.

Mabilis na nag lakad ako paalis. Hindi na ako lumingon sa kanya. At bumalik na agad ako sa dorm. Nang makapasok na ay agad akong humiga sa kama at tumitig ulit sa kisame.

Nandito na naman sila. Kailan ba nila ako lulubayan?? Nauubos na ang pasensya ko at baka may madamay pang iba.

At yung king na iyon ?. Pamilyar talaga sya sa akin. Nagkita na ba kami?? O kilala nya ba ako??

Aishhh!! Mababaliw na ako. Ayoko ng curiousity!!

Unti unti na akong dinapuan ng antok kaya naman pumikit na ako para makatulog.

********

****"**

Umaga na naman at kailangan ko na namang kumilos para pumasok. Tamad na bumangon ako at hindi na nag abalang bumati sa dalawa. Dumeretso agad ako sa banyo at naligo.

Nang matapos kami sa pag aayos sa sarili ay agad din kaming lumabas para pumunta sa cafeteria.

Nang makarating kami doon ay humanap na ako ng upuan dahil sila na daw ang oorder para sa akin. Nakapikit lang ako habang nakasandal sa upuan at may headset sa tenga.

Iniisip ko parin ang presensya ng taong iyon. Pano sya nakapunta rito?? May transfer student kaya?? Ano na naman ang balak nyang gawin?? Hindi ba sya napapagod kakasunod sakin??

Bumalik lang ako sa ulirat ng maramdaman ko ang presenya nina Kleah. Dumilat ako at sila nga ang sumalubong sa akin. Pareho silang nakangiti pero blanko lang akong nakatingin sa kanila.

"CAV mukhang malalim iniisip mo ahh??"- tanong ni Kleah na nakangiti sa akin hanggang ngayon. Ano bang kinangingiti nito?

" May problema ba Clai??"- seryosong tanong ni Shinn. Umiling lang ako sa kanila

"Wala may iniisip lang"- malamig kong tugon sa kanila. Tumango lang si Shinn habang si Kleah naman ay nakangiti parin. Anong problema nito??

" Hoy Kleah anong ngini ngiti mo dyan??"- takang tanong ni Shinn..yun nga din ang gusto kong itanong.

Ngumiti pa ng mas malawak si Kleah.

"Excited na kasi ako para mamaya. Sa wakas masusuot ko narin yung dati nating damit. Pati yung maskara ko. At makakalaban na naman tayo"- paliwanag nya. Tinuloy ko nalang ang pagkain.

" Psh! Bitch as ever!"- bulong ni Shinn na narinig ko naman.

Maya maya , heto na naman ang tilian. Agad kaming napadako sa entrance at nakita namin ang grupo ng Dark Hades gang. Napako ang tingin ko sa leader nila na nasa gitna napatingin sya sa dereksyon namin kaya inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at pinag patuloy ang pag kain. Himala wala ang Dark Queens mukhang napuruhan kahapon.

Nakaupo na sila sa table na malapit lang sa amin. Ramdam ko parin ang titig nya kaya naiilang ako. Anong problema non? Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi kaya nag tanong na ko kay Shinn

"Shinn may bagong transferee ba kahapon??"- malamig na tanong ko sa kanya na ipinag taka nya.

"Wala. Tayo lang ang bagong transfrree."- sagot nya kaya agad akong napaisip.

Paano nangyaring nandito ang presensyang iyon? Paano sya nakakapasok dito?? Aish??!!

"Sigurado ka ba na tayo lang kahit last week wala??"- malamig at blangko kong tanong sa kanya.

" Oo tayo pa lang daw ang naglalakas loob na pumasok dito sa paaralang ito."- sqgot naman ni Shinn. Tumango tango lang ako sa kanya.

Paano ba sya nakapasok dito?? Paano sya nakapasok ng hindi naman sya nag aaral dito?. .aish ! Bahala na nga. Tsaka ko pinagpatuloy ang pagkain

Nang matapos kaming kumain ay sabay sabay kaming umalis at pumunta na sa room namin na papasukan.



*************
Thank you for reading this chapter!!
                       ENJOY!!!
   

                                        -Guess_Who?

Hades UniversityWhere stories live. Discover now