When she thought that everything is already settled. Agad naman na nasundan ng isang masamang balita. Itago natin sa pangalang Frederico Santiago Sr.
Yep, Fred's father.
Actually, Sir Rico was a fun man before his wife died. Malaki lang rin marahil ang naging epekto ng biglaang pagkamatay ni Ms. Jo. He became moody and somehow tactless.
Ang kwento ni Fred sa kanya ay may hindi pagkakaunawan ang dalawa. That's what his father was guilty of.
That guilt was been projected as anger or rudeness. Kagaya ngayon, naririnig niyang issue ni Sir Rico ang pagkupkop ni Fred kay Camilla.
"Enough of that, Rico. Tigilan mo nga ang apo ko," It was Fred's grandmother! "Why do you hate that girl? She's very talented and kind, and she's my daughter's friend..."
"Ma, I don't hate her."
"Rico," Nakita niyang lumapit ito sa manugang, "Josephine's death was no one's fault. Not even yours." She caressed his cheek, "Stop blaming anyone or yourself..."
Umalis na muna si Amanda para mabigyan ng oras ang mga ito. Since Fred's sister has no plans in leaving Sydney, walang ibang pwedeng mag-take over ng company maliban rito.
"Hi," Napatingin siya sa isang lalaking malawak ang ngiti at naglahad kaagad ng kamay sa kanya, "You must be, Ms.Dela Paz?"
"Yes, and you are?"
"Hala, Amanda. Ikaw nga!" Agad siya nitong sinunggaban ng yakap, "Hindi mo na ba ako nakikilala?"
Agad siyang umatras. Pambihira naman rito, hindi pa nga tuluyang nawawala ang virus tapos bigla itong yayakap! Naaalala niya tuloy si Samuel.
Sandali. "Samuel?"
"The one and only!" Nanlaki ang mga mata niya, "Gulat ka, noh?"
Napatakip siya ng bibig at agad itong niyakap ulit, "Kumusta ka na!" Hindi siya makapaniwala. Agad naman siyang umatras rito at kinuha ang alcohol niya na nakapatong sa mesa.
"Heto, single pa rin. Hinihintay ka.."
Inirapan niya ito at inisprayan ng alcohol. Nagkatawanan sila. Samuel was hired recently, ito ang pumalit sa position ni Vicky.
Nakakatuwa.
Kababata niya si Samuel. Best friends sila hanggang 1st year college. Nagrelocate ang pamilya nito sa Zambales kaya hindi na sila nagkita ulit. Ngayon na lang.
"How did you know that I am here?" Pagtutuloy nila ng kwentuhan during lunch break, "o alam mong dito ako nagwowork?"
"Tito Simon said you work here." Anito, "Then I saw that hiring dito kaya I gave it a shot. So, here I am."
She smiled, "Kailan ka pa nandito sa Metro? Saan na kayo nakatira?"
"Ah, malapit lang ako. My condo is almost walking distance away."
"Sandali, what brings you here sa Sining? Hindi ba may negosyo kayo ng magulang mo?"
Umiling ito, "May negosyo sila. Ayokong makisawsaw doon. As much as I wanted to have my own, nabobored akong walang kasama." Ang gulo din ng isang 'to.
"Hirap ka na maging mayaman?" She teased.
"Pakasalan mo na lang ako para iba na ang problema ko."
Binato niya ito ng tissue, "Siraulo."
Nagkatawanan silang dalawa. May tumikhim sa gilid niya at doon nakita si Fred. Kasama nito si Camilla.
"Hi Amanda!" Bati ni Camilla at agad na umupo sa upuan na bakante sa harapan nila, "Pwede makishare? May glass naman kaya social distancing pa rin"
Hindi na siya nakatanggi dahil umupo na ito. Nakatitig lang si Fred at tila naghihintay pa na ayain. Kilala niya ito, "Upo ka na, Fred."
"Ah, Samuel... Siya si Sir Eric... He's our boss" Agad naman na tumayo si Samuel at nagbow dito as a sign of courtesy, "This is Ms. Camilla."
"You're the new assistant executive secretary?"
Tumango si Samuel, "Yes, Ma'am."
"That's good. Welcome to Sining!"
Likas na madaldal si Samuel kaya naman kahit hindi masyado magsalita ay entertained sila lalo na si Camilla. However, Fred was like scrutinizing Samuel. Minamanmanan bawat salitang sasabihin nito.
"Salamat sa kwentuhan, Samuel and Amanda. I need to go. May class pa ako," Online classes pa naman ngayong taon, halos umikot din ang mundo sa buong Sining.
Imagine, mahirap na nga magturo nito sa personal, paano pa kapag online? But, life should never stop innovating.
Naiwan silang tatlo sa hapag, bumili lamang si Samuel ng bottled water para sa kanila, "You know him?" Fred asked.
Tumango siya, "Oo, best friend ko noong college." She honestly said, "Ang galing lang na nakapasok siya rito."
"Did you endorse him?"
Umiling siya, "Hindi..." She doesn't like what is he implying with his tone, "It's not like what you're thinking, Fred."
"Ano bang iniisip ko?" He leaned forward. Wala pa ring pinapakitang emosyon.
"Sir, water." Tumanggi si Fred sa inabot na tubig ni Samuel pagkuwa'y tumayo na, "Una na po kayo?"
"Yes, maiwan ko na muna kayo. I'll just spend the remaining time in my office." He said and just walked away.
Anong sapak niyon?
"May something ba kayo ng boss natin?" Nagulat siya sa tanong ni Samuel.
"Wala. Ano bang tanong iyan."
He shrugged his shoulders, "Okay, mukhang seloso kasi. Mukha siyang nagseselos kanina..."
Bumilis ang tibok ng puso niya, "B-Baka kay Camilla, hindi sa akin..."
"Sabagay."
BINABASA MO ANG
The Man I Chose To Let Go (Under Editing)
General FictionShe knew were to stand and it's not in his world- Frederico Santiago's world. That's why Amanda Elizabeth Dela Paz chose to let him go even though he wasn't hers to give up with. However, fate would make its way to cross their paths again in the mo...