Mas nagulat pa si Amanda sa sarili kaysa sa kaharap niya ngayon. Kakapigil at iwas niya na mabanggit ang anak ay dito siya ngayon napunta.
Wala na talagang kawala.
"Oo," Ano pa bang rason para magsinungaling siya rito? Kaya naman sinabi na lang niya ang totoo. "I have a daughter."
"So, it was true..." He murmured. Parang pagpapawisan ng malapot si Amanda, "Para sa kanya iyong stuffed toy?"
Tumango naman siya, "Mahilig siya sa ganoon." Sinusuri niya ang ekspresyon nito. Kaunti na lang ay malalaman na rin nito na siya ang ama. Hindi tanga si Fred. Malamang baka alam na nito at hinuhuli lang siya.
Ang tagal na niyang kilala ito. Handa na ba siya doon?
"Nilalamig ka na." Lumapit si Fred sa kanya at sinuotan siya ng scarf. "Ano ba ang gusto mong kainin? Ako na ang bibili. Namumutla ka rin, are you sure na homesick ka lang?"
"Oo, wala naman akong lagnat." Sambit niya, "Dito na lang ako bibili." Pumasok sila sa 7/11. Bumili lang siya ng inumin at ready to eat meals.
Sa totoo lang, hindi naman siya sobrang gutom o nawala na ang gutom dahil napalitan ng kaba? Si Fred kaya, anong gusto?
"Fred?"
"Hmm?"
"Wala ka bang gusto?"
"Ikaw." Mabilis nitong sambit, "I mean, ikaw na ang bahala." Bawi nito.
"Ah, okay." Tumalikod na siya rito at nagbayad sa counter. Bumilis ang tibok lalo ng puso niya.
Nang pabalik na sila sa hotel ay sinamahan niya si Fred para magcheck-in ulit. Ang kaso, fully booked na daw!
"I'm sorry, Sir. It's peak season so we can't offer your previous room. We've already given it to other guests."
"Maybe I can wait? Do you have any wait list?"
"I'm sorry, Sir but there's none."
Saan pa ito hahanap nang ganitong oras? Kung sana kasi hindi na ito bumalik ay hindi na sana ito mahihirapan nang ganito.
"Fred," she called his name, "I still have my original room. Two beds iyon, doon ka na lang sa kabilang kama."
He looked at her dumb-founded, "Are you sure?"
"Kung hahanap ka pa nang ganitong oras, baka abutin ka pa ng umaga. It's peak season, too. Mahihirapan kang humanap ng iba,"
He smirked pero agad din na bumalik sa seryoso ang mukha nito, "Okay..."
"Miss, it's okay. He'll be staying with me." Sambit niya sa receptionist at dumiretso na sila sa elevator.
Tahimik silang dalawa papaakyat. Hindi alam kung may kailangan bang sabihin. But, why would she need to say anything? Si Fred lang naman itong kasama niya.
"Pasok ka," sambit niya rito, "Diyan ka na lang sa kama ni Mich. Kapapalit lang ng bedding bago sila umalis kaya malinis naman iyan."
"Thank you, Aims." He said, "Sorry sa abala."
"No worries," she said. "Kung magpapalit ka ng damit, malinis din ang CR."
BINABASA MO ANG
The Man I Chose To Let Go (Under Editing)
General FictionShe knew were to stand and it's not in his world- Frederico Santiago's world. That's why Amanda Elizabeth Dela Paz chose to let him go even though he wasn't hers to give up with. However, fate would make its way to cross their paths again in the mo...