January 2024
"May I pronounce you, husband and wife." The minister said as the couple faced each other with genuine smile on their face, "You may now kiss your bride."
Naghihiyawan lahat ng bisita kasabay ng pagpalakpak ng kamay. It was such a heartfelt moment, hindi maiwasan ni Amanda na mapaluha.
"Ikaw ba, kailan?" Napalingon siya kay Charles, he's her soon to be ex-boss. Who happens to be the wedding coordinator of her brother's wedding.
Sa wakas, nahanap na rin ni Lucas ang babaeng gusto nito pakasalan. Naunahan pa ang kakambal, but Silas wasn't rushing. Mukhang may hinihintay pa na bumalik.
"Mauuna ka pa sa akin." Aniya at tumawa. She chuckled and just clapped her hands. Wala sa isip ni Amanda ang pagaasawa ngayon, not because she doesn't believe in love, but because she has far greater priority than herself.
"Hinihintay lang naman kita."
Napailing siya, hilig talaga ni Charles na asar-asarin siya ng ganito. Single si Charles and he really wanted to settle and have a family. But, Amanda doesn't want to just settle.
Syempre, deserve naman ni Charles na ma-inlove din. Afterall, why would choose wedding coordination as his career if he didn't believe in love?
Minsan nga, tinatanong na rin siya ng mga kapatid at magulang kung bakit hindi pa niya bigyan ng pagkakataon. Amanda has no time for it. May mas kailangan siyang pagtuunan ng pansin.
"Saan titira ang magasawa?" Naabutan niyang paguusap ng magulang at in-law ni Lucas. "Dito ba sa Pilipinas o sa Switzerland?"
"Nakakuha daw sila ng bahay sa Rizal." Sambit ni Simon, "Pero alam ko susunod si Lucas kay Pia sa Canada."
Si Pia ang napangasawa ng kapatid na si Lucas. Hindi na niya ito matawag na Ate dahil mas matanda naman siya ng isang taon rito. Pia is a healthcare assistant sa Vancouver, nagkakilala sila ni Lucas sa isang bakasyon noong nagpunta si Pia sa Switzerland and fate made its way.
"Rizal? Ang layo naman pala, Balae." Tita Cristy said, nanay ni Pia, "Bakit hindi na lang sila sa amin sa Bulacan. At least nandoon kami at malapit lang..."
"Itong si Amanda." Pansin sa kanya ng ina, "Doon nakatira, alam ko ay kapitbahay lang siya nila Lucas at Pia."
"Huwag po kayong magalala. Maganda naman po sa Rizal..."
Ngumiti naman ito sa kanya, "Taga doon ba ang napangasawa mo?" Tanong ni Tita Cristy, "Hindi ba taga Cavite talaga kayo?"
"Ah, sa Rizal po kasi ako dinala ng trabaho ko. Hanggang sa nagustuhan ko na rin doon." She answered politely kahit na naungkat na naman ang salitang asawa.
"Napakaganda nitong kasal, Amanda." Bati ng Papa ni Pia na si Tito Jayson, "Maganda ang serbisyo ng boss mo. Salamat ha..."
"You're welcome, Tito. Sasabihin ko po iyan kay Charles,"
Working for Charles for almost two years, she can attest on how Charles make the most of the event. Alam mong hindi masasayang ang binayad dahil kitang kita ang ganda ng event.
She works as his receptionist. She is responsible for all consultation and bookings. It was a critical post but she enjoys it. Marami na rin nakikilalang maimpluwensyang tao si Amanda dahil doon.
"Mayroon kang restaurant, tama ba?" Tanong ni Tita Cristy, "Sa Rizal din ba iyon?"
Tumango siya, "Coffee Shop po pero bubuksan pa lang po. Matagal ding pinagipunan," She smiled proudly.
"Napakahusay naman pala ninyong magkakapatid ano?" Manghang bati ni Tito at dinugtungan pa ng magulang niya. "Anong pangalan ng coffee shop mo? Kapag magagawi kami ay bibisitahin namin."
"Charlotte's po." Aniya.
It was originally planned as Charlotte's Inn. But, since hindi pa pasok sa budget ang pagpapagawa ng inn ay uunahin na muna niya ang coffee shop. Then, when it prospers, sisiguraduhin niyang matutuloy ang inn at malay mo maging hotel pa.
"Sino si Charlotte?" Tanong sa kanya. Hindi na niya nasagot iyon dahil tinawag siya ni Charles.
Napabuntong hininga siya bigla at agad na dinaluhan ito, "Anong nangyari?"
"Kakagising lang, baka nagugutom na."
"Anak niyo ba iyan?" Nagulat sila sa tanong na maging si Charles ay nagulat, "Napakagandang bata!"
Agad niyang kinuha ito kay Charles at hinele. She smiled at the couple, "Hindi po, anak ko lang po."
Mukhang nagulat doon ang dalawa pero hindi naman pinaramdam ang pagkailang, "Siya ba si Charlotte?"
"Opo, Tutti po ang palayaw namin sa kanya," Doon siya naglihi sa candy na Tutti Frutti. At noong tinawag niya ito sa palayaw na iyon ay agad na ngumiti. It was her first laugh, at nasundan pa.
"Ilan taon na siya?"
"Mag-iisang taon na po next month," sagot niya rito, "Excuse me lang po ha. Punta lang po akong breastfeeding station."
Yes, she has a daughter. She was born on February 08, 2023. Hindi malilimutan ni Amanda kung gaano siya kasaya noon nang makita ang anak.
She named her Charlotte Eloise. No, her father named her. Sino nga ba ang Tatay ni Tutti? Madaming gustong makaalam pero kahit isa wala siyang pinagsabihan ng totoo.
She hid her pregnancy with her family. Gave a lot of excuses on why she got delayed in flying to Switzerland. She moved in Rizal with no apparent reason but she thought it would be the last place they would expect her to live.
Hanggang sa umuwi si Silas at nalaman ang totoo. He even figured it out of surprise.
Matinding sermon ang inabot niya sa mga kapatid. But at the end, they just console her. Afterall, she's their baby sister.
Hindi na siya pinatuloy ng Switzerland. She's already on her 7th month when her parents knew the truth. Umuwi ang mga ito at nagpasya na samahan siya.
Her family, most especially her parents, would like to know who, may kutob sila but she never admitted whom. She chose to move forward and be silent.
Hindi na rin naman kasi mahalaga. She has to cut ties with Tutti's father because of a lot of things, and it wasn't easy.
Totoo talaga ang kasabihan na kapag magulang ka na, kapakanan na ng anak mo ang iisipin mo.
What's important was Amanda chose to let Tutti's father go. To where he is more safe. To where he should be. To where it won't hurt anyone anymore.
Masakit pero kailangan.
BINABASA MO ANG
The Man I Chose To Let Go (Under Editing)
Ficción GeneralShe knew were to stand and it's not in his world- Frederico Santiago's world. That's why Amanda Elizabeth Dela Paz chose to let him go even though he wasn't hers to give up with. However, fate would make its way to cross their paths again in the mo...