Chapter 8: Married

7K 184 7
                                    

February 2022

We cordially invite you and your family to my grandson and future granddaughter-in-law's engagement party. Please be there to shower your blessings on the newly engaged couple.

"Grabe, invited ka sa engagement party nila Sir Eric at Ms.Camilla?" Manghang tanong ni Samuel, "Iba na talaga ang closeness mo sa kanila. Pati parents mo pupunta. Baka naman surprise for you, tapos diretso kasal."

"Alam mo, Samuel. Kaka-Tiktok mo iyan." Anito, "Sige na, uuwi na ako." Paalam niya rito.

Wala na si Fred sa opisina. May family dinner ito kasama si Camilla. She rarely see them, too. Madalas si Fred sa mga meetings, nakakausap na lang niya ito kapag isesend niya ang schedule nito for the week.

"Hello, Ma." Bati niya sa ina nang makauwi, "Kumain na po kayo?" Nag-bless siya rito at nilapag ang gamit sa sofa.

Umiling ito, "Hindi pa. Tamang tama at magsabay na tayo, kauuwi lang din namin ng Papa mo. Namili kami ng iba pang pwede ipasalubong sa mga kapatid mo sa Switzerland."

Ang kambal ay nagrequest ng birthday gift mula sa magulang. Guess what it is? Stick-o, rebisco, at kung anu-ano pang biscuit na galing dito sa Pilipinas.

Masarap naman daw ang chocolate doon pero iba pa rin sa panlasa ang kinagisnan nila.

"Mukhang handang handa na kayo, ha."

"Yung Papa mo ang hindi pa mapakali. Ayon nasa talyer, sinusulit na daw niya ang oras dahil matagal na niyang hindi makikita."

Ito ang bumuhay sa kanilang magkakapatid noong wala pa ang Kuya Hugo niya sa Switzerland. Ang talyer ng Papa nila.

Magaling na mekanico si Simon. Naturuan din naman silang magkakapatid kaya kahit papaano ay may alam sila sa makina.

Kay naiintindihan niya kung hindi maiwanan ng Papa niya ito. It was his life more than them.

She sighed and smiled, "Ikaw ba, Amanda. Anong plano mo?" Tanong nito sa kanya, "Gusto mo bang umalis rito?"

"Nagpasa na po ako ng application, Ma." Actually, kanina lang. "Magreresign na rin po ako, nakahanda naman na lahat. Next month po siguro ipapasa ko na para magrender ako ng 30 days, sakto lang sa timeline."

"Sana hindi mabigla si Fred," anito, "Nagaalala pa rin ako sa batang iyon. Kahit na dalawang taon nang wala si Jo, alam kong hindi pa rin sila nakakausad." Tumango ito, "Oh, kumain ka na."

"Ay, Ma. Ininvite tayo ng Lola ni Fred sa 14." Kinuha niya ang invitation, "Engagement Party nila ni Camilla."

"Si Camilla?" Nagtatakang tanong ng Mama niya, "Bakit si Camilla?"

"Bakit naman hindi, Ma?"

"Hindi naman niya nobya iyon, hindi ba?" Umiling siya, "Fixed marriage, ano?"

She shrugged shoulders. Wala na siyang plano ikwento dahil ayaw naman niyang magmukhang napilitan si Fred.

He actually looked excited. Malayo sa napipilitan.

"He looked so happy, Ma." Aniya, "Iyon naman ang mahalaga..."

"Paano ka?" Marahan nitong tanong, "Masaya ka ba?" Hindi naman iyon mahalaga. She would be happy for him, too. Hindi lang muna ngayon pero darating din siya doon.

"Oo naman..."

"Sa akin ka pa talaga naglihim, Amanda."

"Po?"

"Alam namin na gusto mo si Fred." Nanlaki ang mata niya doon, "huwag mo nang ideny, anak. Sa tanda ba naman namin na ito maglilihim ka pa."

Napakamot siya sa batok, "Okay lang ako, Ma. Mawawala rin ito," She doubt that, but who cares.

"Hayaan mo na, baka sa Switzerland ka makakilala ng para sa 'yo."

Ngumiti na lang siya rito. Wala naman siyang plano na maghanap ng iba. She's totally okay with it. Bata pa naman siya, she's barely 30.

"Amanda, samahan mo nga ako." Lapit ni Vicky sa kanya kinabukasan, "Ngayon kasi appointment ko doon sa Mayor's Office."

"Para saan?"

"Sa kasal ko." Ah, oo nga pala. Ikakasal din itong si Vicky next month, gusto na lang niyang mag-sana all pero huwag na lang,"Titignan kung may schedule ng available para sa amin ni Dennis."

Malapit lang naman ang opisina nila doon. Nagpaalam sila na sa labas maglulunch para hindi sasagasa sa oras nila.

"Hi, Vicky!" Nagulat siya nang si Mayor pa ang mismong bumati sa kaibigan, "You're just in time, pasok kayo."

Natulala siya at hindi inaasahan na ganito ang mangyayari, ibang klase din pala ang privileges nitong kaibigan, "Salamat po ulit sa oras,"

"Nako, maliit na bagay. Alam mo namang hindi na bago sa akin si Dennis, parang kapatid ko na rin iyon." Anito, "Sandali, tatawagin ko ang secretarya ko para makita natin ang schedule sa araw na gusto mo. Make yourselves comfortable, ha."

Lumabas na ito. Amanda looked around the office. As usual bookshelves, libro, may ilang pictures din ng pamilya nito.

It wasn't that fancy, but enough to accommodate guests or meetings.

Napangiti si Amanda sa litrato ng pamilya nito.  Ang cute ng mga mata nila. Hanggang sa nahagip ng mata niya ang isang pamilyar na mukha.

She grabbed the frame and studied it, "Huy, ano ka ba. Anong iyang bigla mong kinuha!"

Hindi siya makapagsalita. "Amanda, anong mayroon?" Usisa nito pagkuwa'y pinakita niya kay Vicky iyon, "Bakit, sino iyan?"

"Hindi mo ba nakikilala?" Umiling ito, "Vicky si Camilla ito!" She's wearing a wedding dress!

It was a group photo. Like the whole entourage.
Nasa tabi ni Mayor ang isang lalaki na malawak ang ngiti at nasa tabi namaan ng huli si Camilla.

"Si Ms.Camilla?" Kinuha nito ang frame, "Hawig lang, friend. Mas payat si Ms.Camilla kaysa rito." Saktong dumating si Mayor at ngumiti sa kanila.

She took the frame and showed it to him, "Mayor, sorry. Gusto ko lang malaman, paano mo sila nakilala?"

"I'm friends with the Groom. Magkaklase kami noong college." He smiled, "Kasama ako sa secondary sponsors. It's in Bohol,"

"Pwede ko po malaman ang pangalan?" She sighed.

"My friend is Wesley Klein, as for his wife nalimutan ko. Calee or Camille yata ang name."

"Is it Camilla? Camilla Salvador?"

He chuckled, "I'm really sorry, but I can't remember. But, maybe? Mukhang iyon nga ang name niya..."

Nagkatinginan sila ni Vicky at siya naman ay ibinalik ang mata sa picture. Hindi maikakaila, si Camilla talaga ito.

She thought.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon