Hindi na nakakibo si Amanda masyado sa sumunod na mga oras. Kasama na nila ngayon ang mga kasamahan at halatadong nagkakakilanlan na ang mga ito.
How can she join the conversation when she can't even compose herself? Pagkatapos ng yakap ni Fred kanina para na siyang napipe.
Kung hindi pa dumating sila Mich, hindi niya yata gugustuhin pa na kumawala sa bisig nito. Bakit pa ba siya magpapakaimpokrita? That embrace was enough to clarify what she really feels for him, and she just confirmed that nothing did ever change.
She's still Amanda who loved this man in front of him so much, so much that she has to leave him and let him go.
"Amanda, are you okay?" Shaun asked, "Kanina pa kami naguusap rito, ikaw naman. Tell us about yourself,"
Sumangayon naman ang iba at ngayon nakatuon na ang pansin sa kanya, "Ah, what should I say?" Hindi naman siya sanay sa ganito, "What do you wanna know?"
"Are you married?"
"Shaun!" Nagtawanan ang iba sa direktang tanong ni Shaun sa kanya. He was smiling at her, too. Iba na nga lang ang dating ngayon. Tunog may pagtingin.
Umiling siya doon, "Hindi---"
"In a relationship?"
Umiling din siya, "No," kinuha niya ang inumin dahil kung nakakasamid lang ang titig ni Fred baka kanina pa siya nabulunan.
"Grabe, Shaun. Tinatakot mo naman si Amanda!" Ani Caroline, "Pasensya ka na rito, Amanda. Ganyan lang talaga iyan kapag gusto niya yung babae---"
"What?" Pinagtritripan ba siya ng mga ito? "Kayo talaga, jetlag lang iyan." Mas lalong nagtawanan ang mga ito at bumalik kay Shaun ang asaran.
"But, seriously. What do you do, Amanda? I've heard talaga Rizal ka?"
Tumango naman siya sa tanong ni Betty, "Yes, almost 2 years ago I moved there." She said and pretended that Fred's not looking at her.
"Kailan lang din pala, taga saan ka ba talaga?"
"Ca---"
"Cavite" sambit ni Fred. "We're neighbors."
"Ay oo nga pala, Amanda was Fred's secretary before." Mich said to everyone, "Bakit ka nga pala umalis, Aims?"
Here she go with calling her Aims. Sinubukan niyang hindi mapairap.
"Mahigpit ka sigurong boss, Fred!" Denver said and laughed, "Hindi nagkalovelife dahil madami kang utos, ano?"
Fred just smirked and looked at her again, "Hindi ko nga rin alam. Bigla na lang siyang umalis," That's it. Heto na nga ba ang sinasabi niya, mauungkat at mauungkat talaga ang nakaraan.
"Ay, pati pala sa trabaho uso ang ghosting?" She just chuckled with that but she knew where this would go. At hindi siya handa doon. Wala pa ba ang pagkain? Sabihin na kaya niya na masama ang pakiramdam niya?
Napaka-kill joy, Amanda!
Thank God, Charles called. She excused herself to answer the messenger call, lumabas siya ng restaurant at naghanap ng lugar kung saan maririnig niya ito nang mabuti.
"Charles," she answered it, "I hate you--"
"Why?"
"He is here!" Nailabas niya rin ang kanina pa nararamdaman, "Don't tell me that you knew!"
Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil mahina. Natural dahil maingay talaga ang paligid niya. So, she ended up putting it in loudspeaker.
"Amanda, sino ba kasi ang tinutukoy mo?" He asked. Sa itsura nito mukhang wala naman talagang ideya.
BINABASA MO ANG
The Man I Chose To Let Go (Under Editing)
Ficción GeneralShe knew were to stand and it's not in his world- Frederico Santiago's world. That's why Amanda Elizabeth Dela Paz chose to let him go even though he wasn't hers to give up with. However, fate would make its way to cross their paths again in the mo...