December 2021
"Have you sent your application requirements, Amanda?" Tanong ng nakatatandang kapatid. They're on Zoom right now, having a conference call for siblings only.
Halatadong nasa duty si Lucas dahil isa itong caregiver sa isang home for the aged. At dahil gabi na rin sa Switzerland, malamang tulog na rin ang mga cliente.
Si Silas naman kauuwi ang sa trabaho. Manager ito sa isang coffee shop at part-time delivery rider. Si Kuya Hugo nila ang medyo umangat-angat na sa buhay.
He's already a sous chef sa isang Italian restaurant. Matindi din ang pinagdaanan nito sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Maliban sa 2nd year college lang ang natapos nito, masyadong matindi ang kumpitesyon doon, iba talaga kapag inspired. Doon na kasi ito nakapagasawa.
"Huy, Amanda." She went back to her senses, "Susunod na sila Mama at Papa rito. Magpapaiwan ka pa ba diyan?"
"Inaasikaso ko naman na. Don't worry, Kuya. Susunod ako kaagad, isettle ko lang itong bahay para at least kahit maiwanan natin, hindi tayo maromroblema."
Next year, by March 2022 ay lilipad na ang magulang niya sa Switzerland. Ang Dico Silas at Sangko Lucas niya ay nakakuha na ng bahay para sa kanila.
"Sus, hindi pa rin maiwan si Fred."
"Dico!" Inasar na naman siya nito, "Tigilan niyo nga ako. Nakahanda na ang resignation ko, bad timing lang talaga dahil nagkaroon ng mass resignation sa amin. Kawawa naman si Fred kung iiwan ko agad."
"Ayun na." Sambit ni Lucas, "Siobe, ang point lang namin. Sana nandito ka na noon pa, you could have started sooner. With your skills and talent, malaki ang opportunity sa 'yo dito."
She knew that. But, how can she leave Fred when he needs her?
"Pupunta ako diyan, promise." Hindi nga lang ngayon. "Anyway, matutulog na rin ako. Madaling araw na rito,"
"I-kumusta mo na lang kami kay Mama at Papa." Sambit nila. She also bid them goodbye and go back to sleep.
Kinabukasan, naging maayos naman ang umaga. Hanggang sa nakita niya si Sir Rico at Ma'am Carmelita, ang lola nito, na papunta sa opisina ni Fred. May kasama ang mga ito na isang lalaking naka-americana. Mukhang abugado.
May luncheon meeting ba sila? Wala naman siyang alam na meeting ni Fred ng ganitong oras, so it must be urgent. They are in a closed door meeting.
"Tara, lunch tayo!" Aya ni Samuel sa kanya, "Gusto ko ng pasta. Tara Italliani's."
Napairap siya rito. Palibasa mayaman, "Siraulo, anong tingin mo sa Italliani's. Fast food?"
"Gusto ko doon, eh!"
Umismid siya, "Wala akong pera para doon."
"Okay, pauutangin kita." Anito, "15 years to pay, no interest. Sige na, please?"
She sighed. Ano pa nga ba? Sandali siyang kumatok sa mga ito, "Do you need anything, Ma'am and Sir's?"
Umiling si Sir Rico, "None, Amanda. You can leave us." Anito sa kanya. Iba ang timpla ng mukha ni Fred, hindi naman masama pero hindi rin kagandahan.
She wonder what it would be.
It was a brief lunch. Mabuti na rin kakaunti ang customer ngayon dahil weekdays. Kung hindi, lalagpas sila sa oras.
Nang makabalik ay si Fred na lang magisa sa opisina. Natapos din ang meeting.
She walked towards his office and knocked, "Come in..."
"Hi," She smiled and handed him a take out food, "I bought you food. Baka hindi ka pa kumakain,"
He smiled a bit pero agad din nawala, "Thanks, hindi ko na naisip." He said, "Saluhan mo ako?"
"Kumain na kami ni Samuel."
"Then just sit." Utos nito, "I need some company."
She sighed and nodded, "Dito ka na sa table kumain. Huwag na diyan sa desk mo," Kinuha niya ang paper bag at inihain ang tinake out.
Umupo si Fred doon, tulala pa rin. Marahil mabigat ang napagusapan kanina, madalang kasi na ganito ito.
"May kailangan ka pa?"
"What do you think of Camilla?" Nabigla siya sa tanong nito. Bakit napasok si Camilla sa usapan? "I mean, do you like her?"
Umupo siya sa katabing upuan at huminga nang malalim, "Yes, she's nice and easy to be with. Bakit?"
"Tingin mo bagay kami?"
Napalunok siya sa tanong nito, "Why are you asking me these questions?"
He sighed deeply, "B-Because you're the only person I never lied to in my life, Amanda. You're the only person who also never lied to me, so I need your thoughts regarding this..."
"I don't understand, Fred."
"I'm gonna ask her to marry me."
"What?" Hindi niya napigilan ang reaksyon. "D-Do you even love her?"
May inabot itong papel sa kanya. She read it briefly and just sighed. Last will and testament of his mother, Josephine.
Nakasaad doon na iniiwan nito kay Camilla ang Sining. Tehnically, Camilla owns it now.
"Mom said that if nobody between me and Carmen assumes her position in Sining. It will only be given to Camilla."
Alam niyang ayaw ni Fred ang posisyon na ito. He wanted to pursue agriculture, and he did. Maliban sa Business Administration, nagtapos din si Fred ng Agriculture in which his parents didn't know, but she did.
Iyon ang kinuha nito sa University of Sydney. He didn't had the chance to inform his mother because she died even before he got home here.
"Fred, is this really what you want?"
Nakita niya ang mga mata nito na hindi sigurado. "If you like her, maybe I can like her, too..." He said, "Then eventually, I can love her, too."
She clenched her fist. Pinipigilan ang galit na nararamdaman. Okay, hindi pala nito gusto pa si Camilla sa ganoong lebel pero hindi niya gusto na pakakasalan niya ito nang dahil sa konsensya.
"Fred, it wasn't your fault why your mom is dead." Diretso niya rito, "Huwag mo itong gawin sa sarili mo, huwag mong gawin kay Camilla."
He closed his eyes, "Amanda, this is the only way I can keep Sining. Hindi ko kalilimutan ang sarili kong plano. Lola said by marrying Camilla...."
Nagkatitigan sila sa mata. Hindi man nito matapos, alam na niya ang plano. He wouldn't assume the position, but if Camilla will take over the place, Sir Rico and Madam Carmelita still wanted a piece of Sining.
"Will you be happy?" She asked. Iniwas na ang tingin sa mga mata nito.
"I can only hope, can I?"
BINABASA MO ANG
The Man I Chose To Let Go (Under Editing)
Fiksi UmumShe knew were to stand and it's not in his world- Frederico Santiago's world. That's why Amanda Elizabeth Dela Paz chose to let him go even though he wasn't hers to give up with. However, fate would make its way to cross their paths again in the mo...