Chapter 21: Enjoy

5.4K 182 15
                                    

Nagising si Amanda sa ringtone ng sariling cellphone. She was too tired and sleepy but it won't stop ringing.

Kaya naman inabot niya iyon kaagad at akmang papatayin sana ay nabasa niya ang pangalan na nasa caller ID.

Si Kuya Hugo!

Napabangon siya kaagad at doon lang narealize na may katabi pala siya sa kama. Of course, it's Fred.

Nothing happened between them. He just requested to sleep beside her and wanted to wake up beside her.

Para nga silang timang kagabi. Naghihintayan kung sinong unang makakatulog. Marahil parehong hindi makapaniwala sa nangyari kanina.

Sino ba ang puyat? Syempre siya.

Malikot si Fred, ha. Kaya siya itong pagod dahil galaw nang galaw ang kama. Nang aagaw pa ng kumot. Napaungol si Fred dahil sa pagbangon niya.

She fixed her hair and just sighed deeply. Lumabas siya ng silid para hindi magising ang isa.

"Kuya!" She answered the video call, "Kumusta?"

Napakunot ang noo nito, "You're not answering my calls. Busy?"

"Ah, oo. Naging busy ako sa endorsement ng files." Anito, "Bakit ka pala napatawag, Kuya?"

"Your Ate Eleni said nagpasa ka na daw ng application." He said, "Bakit nandiyan ka pa?"

"Kuya, hinihintay ko rin kasi na ma-endorse ko nang maayos iyong mga papers. But, it's done."

"I-bobook na kita ng ticket."

"Wait!" Pigil niya rito, "Ano, Kuya. Tatapusin ko lang iyong kasal ni Samuel, pati si Vicky din ikakasal. After niyon, magbobook na ako."

"You can book it now. Kailan ba ang kasal nila?"

"Sa katapusan pa." Aniya kahit na next week na iyon magkasunod. "Balitaan kita, Kuya. Ako na lang din magbobook."

"Alright. There's a job waiting for you here. Sana naman hindi ka umabot ng June diyan, Amanda."

"Hindi, Kuya."

"Sandali, nasa bahay ka?" Anito, "Akala ko lumipat ka sa malapit sa Sining?"

Napakagat siya ng labi, "Syempre balik na ako dito. Last day ko kahapon," sambit niya.

Tumango ito, "Okay. Ingat ka diyan, huwag papabayaan ang sarili Siobe."

Nang ibaba niya ang tawag ay saktong lumabas si Fred sa silid. Agad na lumapit sa kanya at kinulong siya sa yakap.

"You're not an imagination, right?" He murmured. Naalimpungatan pa yata 'to. "Mahal mo ako, hindi ba?"

Marahang hinagod niya ito sa likod sabay ngiti, "Opo,"

"Mahal din kita." He pulled away and kissed her forehead.

"Kumusta ang tulog mo?" She asked.

"Last night was the best night of my life." Yumakap itong muli, "I never felt so peaceful, Aims."

She smirked, "Peaceful? Ano iyon, nagcecelebrate ka sa panaginip mo kaya ang likot mo?"

"Ako malikot?" Parang itatanggi pa nito, "Hindi, ah."

"Ako yung hindi nakatulog dahil sa likot mo." She pouted.

"Oh, maybe because I was..." Ngumisi ito sa kanya, "I had a beautiful dream, love."

Nanlaki ang mata niya nang mahulaan iyon, "Ang halay!" Hinampas niya ito pagkuwa'y lumayo naman sa kanya habang nagpapaliwanag.

Their house was full of their laughters and banters. It was something she never thought she would enjoy.

Nasa bahay lang sila. Nanonood ng TV. Umorder si Fred ng black box para daw makapag-Netflix sila. She actually enjoyed it. Matagal na rin siyang hindi nakakapanood dahil wala pa rin namang sinehan ngayon.

It was a peaceful two weeks. They attended Vicky and Samuel's wedding. Umalis na rin ang huli sa Sining dahil lilipat silang magasawa sa Zambales.

All in all, everything seemed okay.

Ngayon, napili nila ni Fred na manood ng pelikula. It was one of the suggested movie in Netflix.

It was a feel good movie. Nandoon sila sa scene kung saan nanonood ang dalawang bida ng movie sa loob ng sinehan.

The guy was glancing at her from time to time. Napapansin iyon ng babae at napapangiti.

Then the expected kiss happened. It was something spontaneous kaya nakakakilig para sa kanya.

"Nagawa mo na ba iyan?" She asked him instantly. Tumingin sa kanya si Fred sandali at binalik din ang mata sa TV.

"What?"

"Kiss someone in the cinema?" Curious siya. Ano kaya ang pakiramdam? Was it different from the first kiss? Iba ba ang pakiramdam kapag sa park, sa kalsada o kahit saan pa?

Hindi naman niya naranasan kasi iyan. 3 kapatid na lalaki ang bantay sarado sa kanya, hindi rin siya tinuring na babae masyado kaya hindi siya maligawan.

Amanda in her high school looked like a boy. Sa college na siya halos natutong magbihis babae at kung hindi pa dahil sa requirement sa subject at hindi siya magaaral mag-make up.

He smirked, "Why?"

"Anong feeling?" Tanong niya rito kaagad. Si Fred pa ang halos mabulunan sa sariling laway, "Grabe naman, gulat na gulat?"

"No," He paused the movie and just roared in laughter. "But, are you serious?"

"Mukha ba akong nagjojoke?" Grabe! "Tingin mo ba itong itsura na 'to, mukhang makikipagdate sa sinehan at makikipaghalikan?"

"What do you mean by that?" Seryoso nitong tugon. Parang offended pa yata."You're beautiful, Aims."

Nagrigodon ang buong kalamnan ni Amanda sa narinig kay Fred. She just sighed and looked away. Nakakapaso ang tingin nito sa kanya.

"Play mo na." Aniya at nagpatay malisya na lang. Fred did play the movie, nang matapos ay may tinawagan ito sa loob ng silid. She heard the name Hans.

Sa pagkakaalam niya, ito ang sekretarya ni Fred sa isang negosyo nito na nasa Los Baños. Ang tagal niya rin hindi narinig ang pangalan niyon.

"I need to go in Los Baños," anito sa kanya, "Will that be okay with you?"

Tumango siya, "Oo naman. Bakit hindi?"

"What I mean is, will you come with me?" Doon siya nagulat. Gusto siyang isama ni Fred? "It's only for five days,"

She chuckled, "Seryoso ka? Nagtitipid ako, Fred."

"Of course I won't let you pay." He said, "Para makita mo rin iyong farm."

Tinitigan niya ito nang diretso. Sinusukat kung nagbibiro, pero hindi. Wala siyang makitang bahid ng pagbibiro.

"Five days?" Pagkukumpirma niya. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 5 days. "Okay..."

She couldn't help but to get excited.

Habang nagaasikaso ng gamit na dadalihin sa Los Baños ay narinig ni Amanda ang pagtunog ng cellphone niya.

It was a notification message...

Enjoy

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon