Sekreto

251 20 0
                                    

Ako ay may sekreto

Mahalaga tulad ng ginto

Halika't sasabihin ko ito

Mahal kita higit pa sa walang hanggang

Itataya lahat makita ka lang

Masulyapan kahit sa malayuan lamang

Araw araw ika'y inaabangan

Mula sa malayo ika'y aking pinagmamasdan

Gusto gabi gabi ika'y laging napapaginipan

Ang kaso ika'y may kasintahan

Kayo'y nagmamahalan

'Di mo alam ako'y nasasaktan

Pinilit na wag sumagap ng bali- balita

Na ano mang mangyari ay wag kang makita

Inisip na dapat ika'y aking malimot na

Dumating ang araw ako'y nakalimot

Lahat ng nadarama ay pilit nilimot

Ang mga  alala sayo ay ibinaon sa limot

Ako'y nagbago ng sobra

Bumalik ako sa paging masaya

Ang bawat pagtingin ko sayo'y nagbago na

Isang araw may kumatok sa pinto

Nang buksan ko ito mundo ko'y tila huminto

Hindi ko inaasahan and taong ngayo'y nandito

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata

Ako'y nangangapa sa harapan niya

Nang ako'y matauhan, siya ay aking pinapasok muna

Nangibabaw ang katahimikan sa aming mga pagitan

'Di ko alam ang tamang salitang dapat bitawan

Nangyo'y maraming tanong ang nabubuo sa aking isipan

Binasag niya ang katahimakan sa pagitan naming dalawa

Siya ay na ngangamusta

Matagal daw niya akong 'di nakita

Matagal kami nag kamustahan

Lumipas ang mahabang oras saaming pagitan

Hanggang sa matapos ang aming usapan

Akala ko ay siya na ay magpapa-alam

Pero 'di ko inaasahan ang kanyang mga salitang bibitawan,

"Na-miss kita, dumating lang si pinsan bigla ka nalang nawala sa aking mga dinadaanan."

Nanlaki ang aking mga mata

Halatang 'di makapaniwala

Pinsan lang niya ang babaeng kanyang laging kasama?

Bumalik siya kinabukasan

Nagpaalam sa aking mga magulang

Ako daw ay kanyang liligawan

Tama ba ang aking nalaman?

'Di kaya'y ako'y na nanaginip lamang?

Ngayon ko nalang ulit nalaman

'Tanggap ko na ikaw ay aki'y 'di pa nalilimutan'

Sa wakas! Makalipas ang isang taon

Ang araw na iyong pinakainaantay, ika'y aking tinawagan

Tinanong mo kung anong meron, ngunit isinawalang bahala ko iyon

Dahil ika'y aking sasagutin nang tuluyan

Magkikita tayo sa parke na ating tambayan noon

Ngunit ako'y nasaktan sa aking nadatnan

Ika'y may kahalikan

At sa pangalawang pagkakataon

Ako'y muling nasaktan at dahil sa'yo rin iyon

Umuwi ako ng luhaan

At sinabi sa sarili na ika'y dapat nang kalimutan ng tuluyan.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon