Mahal Pa Rin Kita.

115 16 0
                                    

Mahal pa rin kita,

'Di ko man masabi sayo nang harap harapan,

Pero sana maramdaman mo naman.

Masakit umasa kahit 'di mo naman ako pinapaasa.

Mahirap sabihin na 'di na kita mahal,

Bagkus sa puso ko ika'y parating andiyan.

Maraming salamat sa iyo dahil ako'y nagbago.

Ngunit ang laman ng puso't isipan ko kailan ma'y di na ata muling magbabago.

Ang iyong pangalan ay nakaukit na ng husto sa aking puso,

Na para bang sinasabi nito na "Mahalin mo naman ako."

Mahirap makita na lagi mo siyang kasama,

At ako ay hanggang malayuan ka lang makikita,

Na sa panaginip ka lang maaring makasama.

Sabihan mo na akong desperada dahil ika'y laging iniiyakan gabi gabi.

Ngunit anong aking magagawa talagang minahal kita ng sobra.

Sabi nila ika'y dapat aking kalimutan na,

Ito'y aking sinubukan ngunit parang walang nagawa?

Mas lalo kitang naalala,

Na para bang tuwing ipipikit ang mga mata ika'y laging nakikita.

Mahal kita.

'Di mo man alam pero sana malaman mo din na ang iyong pag pansin sa akin ay matagal ng inaasam.

Mahirap.

Masakit.

Ganyan nga ata ang nagmamahal

Handa kang isakripisyo lahat

Pero parang sobra naman ata.

Tama na. 'di ko narin kasi kayang masaktan.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon