Sinag ng Kagandahan

15 3 0
                                    

Tinignan mo siya nang naiinis

Tila naiinip, di makapaghintay sa kaniyang pag-alis.

Ngunit ngayong siya'y paalis na,

Nagtataka ka, bakit di mo man lang siya nakita?

Tuwing nariyan siya't malakas

Gusto mo siyang humina't lumayas.

Ngunit pag siya na ay mawawala,

Nariyan ka't nanghihinayang, bakit siya'y tila nawawala?

Tuwing nandiyan siya ikaw ay dada ng dada, di natutuwa.

Naiiinis kung bakit pa siya ginawa.

Pero pag ito'y paalis na,

Nariyan ka't pinapanood ang kagandahan niya.

Nakikita mo lang siya pag malapit na siyang mawala,

Pero pag nariyan siya, ito'y iyong binabalewala.

Kinakainisan mo ang sikat ng araw,

Pero ang paglubog nito ay ang hinihintay mo sa pangaraw-araw.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon