Presensya

18 3 0
                                    

Sa bawat sulok ng aming tahanan,

Sa mga kalye na aking nadadaanan,

Sa bawat tao na aking namumukhaan

Sa  mga lipon na aking nasasamahan,

Presensya mo'y aking hinahanap-hanap sa kung saan-saan.

Isang araw bigla kang naalala,

Di mawaglit sa aking isipan kahit gabi'y  dumating na.

Iyong mga yakap at halik at ang bawat parte ng iyong mukha ay inaalala,

Sa bawat pag banggit mo ng 'mahal kita'

Ako'y nababaka sakali; baka sakali'y ika'y bumalik pa.

Sana ika'y muling bumalik,

Sapagkat sa iyong presensya, ako ay sabik na sabik

Ika'y laging laman ng aking isip kaya't ito'y di matahi-tahimik.

Gusto kitang yapusin ng yakap na mahigpit,

Sabay sabi ng 'sana, sana tayo nalang ulit'.

Kailan ko kaya ito makakayang tapusin,

Sapagkat ako'y 'di pa tapos na ika'y mahalin.

Kaya't mahal ko, ako'y iyong harapin, yakapin at kausapin

Para sa huling pagkakataon presensya mo'y di ko na hahanap-hanapin

Para mapadali na ang plano na ika'y tuluyan ko nang lilimutin.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon