Salamat

28 3 0
                                    

Salamat sa iyo,

Sapagkat ika'y aking naging panyo

Tuwing ang mga luha ko ay walang tigil sa pagtulo,

Dahil ika'y laging andiyan pag utak ko na ay gulong-gulo.

Sa bawat payo na iyong binibigkas,

Ito'y tumatatak saakin at nagpapalakas.

Ika'y aking naging karamay sa pagtakas,

Dito sa mundo ng realidad nang wala tayong iniiwang bakas.

Salamat sa lahat ng iyong ginawa,

Sa panahon na ako na ay kaawa-awa,

Dahil ako'y lugmok na lugmok na,

Sa mga 'di ko masolusyunan na problema.

Sana h'wag mo akong iwan gaya ng ginawa nila,

Sana ika'y laging nakangiti at masaya.

Sana ika'y manatiling matatag para sa sarili mo at sa iba,

Kaya't sana sa tabi ko ika'y manatili pa.

Salamat dahil ako'y iyong napapasaya,

Sa mga kwento mong nakakatuwa.

Sa bawat pagpawi mo sa aking lungkot at luha,

Lahat ng iyon ay lagi kong maaalala.

Sa bawat oras na ika'y saakin ay umaalalay,

Ika'y lagi andiyan para maging kaagapay.

Salamat sa iyo dahil ika'y aking naging gabay.

Kaya naman, ang tulang ito ay sa'yo iniaalay.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon