Kuwento ng Libro

11 4 0
                                    

Nandoon sa lamesa't nag-iisa,

Ang patok noon ngunit ngayo'y halos wala ng kwenta.

Lapitan mo ito at suriin,

"Bakit ka nila nilimot?" Iyong tanungin.

Pagmasdan mo ang takip nito,

Makapal, luma at sira-sira na ito.

Ilang taon na rin ang itinagal nito.

Ngunit heto siya ngayon, nagmamakaawa na pansinin mo.

Sa iyong pagbuklat makikita mo,

Mga pahina na binagyo.

Mga salita na kay tatalinghanga,

Di mawari kung saang baul nakuha.

Nang dahil sa kaniya ika'y natuto,

Tinuruan ka na maging matibay sa paglipas ng panahon.

Tinuruan ka na maging mabuti at magbago,

Pero ito'y tinalikuran mo lang at iniwan mo doon.

May takip na prumoprotekta,

May pahina na nagkukuwento,

Nakapaloob ang mga salita na matatalinghaga,

Isang bagay na kinalimutan na ng panahon, libro.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon