Ipinaglaban

76 14 0
                                    

Isang araw pumunta ka sa bahay,

Nagmamaka awa na sana tayo'y muling magka balikan

Na ika'y nanghihinayang sa ating dating pag mamahalan

At nagsisisi kung bakit ako'y 'di mo ipinaglaban

Kung sana nga ganun kadali

Na tayo'y mag mahalan ulit tulad ng dati

Ngunit baka sa pangalawang pagkakataon ito'y wala ring silbi

Na baka magkakalokohan rin sa huli

Pagbibigyan ba kita?

Pero ano ang aking makukuha?

Pagmamahal ba o masasakit na salita na sayo magmumula?

Baka kasi sa huli ako'y magmukhang tanga

Kung sana ako'y iyong ipinaglaban noon

Baka sana tayo'y masaya na ngayon

Na sana 'di ka nagpadala sa iyong emosyon

Para hindi tayo humantong sa ganitong sitwasyon

Kung sasabihin kong ayaw ko?

Papayag ka ba sa gusto ko?

O baka pipilitin mo ako ng husto

Para tayong dalawa ulit sa dulo?

Kung hindi mo ako noon naipaglaban

Pasensya na, pero ako naman ngayon ang lalaban

Sasabihin mismo sa iyong harapan

Na hindi ko kayang gawin ang iyong kahilingan.

Hinding hindi na ako muling babalik sa taong minsan ako'y iniwan

Sinaktan at iniwang luhaan

Binigyan na sapat na rason para bumitaw na sa aming pagiibigan

At matutong siya ay palayain nang tuluyan

Kung sana 'di mo ako pinagmukhang tanga

Hindi ka andito sa aking harapan ngayon na nag mamaka awa

Nagmamaka awa at hinhiling na sana tayo ulit na dalawa

Masaya't nagmamahalan na parang walang nangyari sa ating nakaraan.

(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon