Panahong Nagdaan

30 8 0
                                    

Sa panahanong nagdaan,

Ikaw lang ang laman

Ng aking puso't isipan.

Ako'y iyong iniwan,

Puso'y durog na durog at nasasaktan,

Isip na gulong gulo at di malinawan.

O, aking giliw,

Buhay ko'y binigyan mo ng aliw

Sa pag ibig ako'y ginawang baliw.

Ngunit bakit ako' y iyong nilisan?

Iniwan at sinaktan,

Na parang ang mundo'y ako ang napiling pagkaitan.

Kasiyahan?

Pagmamahalan?

Lahat yan ay naipadama mo sa akin sa maikling panahon lamang.

At sa panahon na nagdaan,

Araw araw ay aking binabalik balikan

Ang mga ala-ala na ating pinagsaluhan.

O, aking iniibig,

Ang mga katagang ito ay minsan lang lalabas sa aking bibig

Kaya't talasan mo ang iyong pandinig;

Salamat dahil ika'y aking nakilala,

Sa mga memorya na ating ginawa

Sa lahas ng araw na sinabihan mo ako ng "mahal kita" ay talagang naaalala ko pa at mukhang di na ito mawawala sa aking puso't isipan.




(Fin)

RemarkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon