Shayne's POV
"Siya ba yun?"
"Oo siya yun, grabe ang kapal ng mukha niya..."
"Ang lakas ng loob niyang awayin si Kookie!"
Hindi ko nalang pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid at pumasok na ako ng klase. Pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon sa Pandleton Academy ang nangyari sa birthday ni Rogue. Actually hindi lang sa buong eskwelahan, kundi sa lahat na ng parte ng mundo!
Kaya eto ako ngayon, kinaiinisan ng lahat. Binibigyan ako ng masasamang tingin, pinagbubulungan ako na halos naririnig ko rin naman ang binubulong nila at mga nagpaparinig. At sigurado pa ako, mas lalo pa nila akong ibu-bully ngayon.
Napabuntong-hininga ako. Bat ba naging ganto buhay ko? Ako yung biktima pero ako yung kinaiinisan? Nagmukha akong masama sa paningin ng tao pero hindi nila alam na yang punyetang idol nila ang nagsimula ng lahat ng ito! Dahil sa kanya, pinalayas ako ng bahay. Dahil sa kanya, wala na ngang nakikipag-kaibigan sakin, kinainisan pa ako. Dahil sa kanya, nagkanda-leche leche tong buhay ko!
At tungkol dun sa deal na binigay sakin ni manager Sejin? Syempre tinanggihan ko! Kahit wala na akong mapuntahan ngayon, kahit papano may pride parin ako noh! Sino ba namang tanga ang tutulungan ang taong sumira ng buhay niya? At ang tanong, bakit ako yung gusto nila para sa trabahung iyon? Dahil ba ako pa lang ang taong kayang manakit kay Jungkook at sa BTS na yun? Ah basta, wala na akong planong baguhin ang isip ko.
Pagpasok ko sa klase, naabutan kong maingay ang mga kaklase ko. Batuhan dito, landian doon, tawanan dito, cellphone doon.
Nang mapansin nilang dumating na ako, natahimik yung mga babae at tiningnan ako ng masama, yung mga lalaki naman ay nakangisi sakin. Hindi ko nalang ulit pinansin at dumiretso ako sa likod kung nasa ako nakaupo. Sanay na ako sa ganyang klase ng pakikitungo nila sakin.
Pero ang nakakapanibago lang ay nang hindi ako pinansin ni Charmille. Hindi kaya niya napansin ang pagdating ko? Imposible. Nasa akin lahat ng atensyon ng mga kaklase ko pagdating ko, imposible hindi niya ako mapansin.
"Hi Charmille!" bati ko sa kanya. Baka kasi hindi niya lang talaga ako nakita.
Pero imbes na batiin ako pabalik, hindi niya ako pinansin at nagbasa nalang ng libro. Anong problema nito?
Hindi ko nalang din siya kinausap. Baka period days niya ngayon, moody siguro.
Bigla namang dumating ang professor. "Goodmorning class." at dun na nagsimula ang klase.
***
"Miss Martin, why don't you answer this question?" agad naman ako tumayo at dumiretso sa harapan para sagutan ang problem na binigay sakin.Hindi pa ako nakakapag-sulat, may narinig na akong mga tawanan sa likod ko. "Oh my god, Shayne. Hindi ko alam na red days mo pala ngayon." rinig kong sabi ni Rogue sakin.
Napatingin ako sa kanila. Red days as in regla?
Napatingin ako kay Charmille nang mapansin kong parang may pasimple siyang itinuturo sa likod ko. "Miss Martin, I think you need to go to the bathroom." sabi ni prof na kasabay ang pagtawa ng mga kaklase ko.
Napatingin ako sa skirt ko sa likod.
"Oh no, walang pambili ng napkin? Wawa naman this girl.." rinig kong sabi ni Rogue na umalingaw-ngaw sa buong klase kaya mas lalaong nagsitawanan ang mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Cinderella and the Seven Dorks
FanfictionSikat sila. Mayayaman. Gwapo. At maraming nagkakagusto. And I hate it, I hate everything about them! Actually mali ako ng pagkakasabi. I hate HIM! I hate his hairstyle, his scent, his presence and his existence. Oo tama kayo, ISANG TAO LANG ANG ITIN...