Chapter 6: Contract Signing

57 2 0
                                    

Shayne's POV

*kriiiing kriiiing*

Agad akong naalimpungatan dahil sa tunog na iyon. Tulog manok kasi ako, konting tunog lang ay nagigising agad ako.

Pero kahit na inaantok pa ako, nagtaka ako kung ano klaseng tunog yung naririnig ko, hindi siya pamilyar kaya iminulat ko agad ang mata ko.

Nang ma-realize kong alarm pala yun na nasa tabi ng kama ko, tsaka ko lang naalala na dito na pala ako natutulog sa bahay ng BTS. So hindi pala panaginip lahat ng iyon?

Agad kong pinatay ang alarm na nasa tabi ko at nagsimula nang bumangon. Medyo natagalan ko pa nga patayin dahil hindi naman ako marunong gumamit nun. Nakikita ko lang yun sa tabi ng kama ni Nikaella pero hindi ko naman kasi pinapakielaman, wala sa tribo namin yan eh haha.

Ang nakakapagtaka lang, ang pagkakaalam ko kasi ay hindi naman ako nag-set ng alarm. Hindi nga ako marunong gumamit eh.

Kung hindi ako eh di sino?

Dumiretso agad ako sa banyo at naghilamos ng mukha. Nadatnan ko sa tabi ng gripo yung isang supot ng mga damit ko na inihatid sakin dito ni Taehyung.

Kinilabutan ako bigla nang maalala kung ano yung nangyari kahapon. Yung pakiramdam na nakita ka ng isang lalaki na hindi mo naman masyadong kilala na nakapatong sa kaibigan niya sa banyo ay nakakakilabot, hindi ko naman kasi close yung pinatungan ko, kaaway ko pa nga eh. Tsaka baka ma-misunderstood lang si Taehyung ang lahat. At kahit na close ko man yung pinatungan ko mali pa din yun eh, lalaki kaya yun.

Pero buti nalang ang wala siya masyadong sinabi nang makita niya yun. Ibinigay niya lang sakin yung isang supot ko ng damit at umalis na, si Jungkook naman ay umalis na para bang walang nangyari.

Pero kahit na, nakakahiya parin naman yun diba? Huhu.

Pagkatapos kong maghilamos ng mukha ay dumiretso agad ako sa pagtu-toothbrush habang sinusubukang kalimutan yung nangyari kahapon. Anong gagawin ko pag nakita ko ulit sila? Magpapanggap din ba akong kunwari walang nangyari katulad nila? Aish, nai-imagine ko palang na makakasama ko silang tumira dito ng matagal-tagal ay natatakot na ako. Panigurado kasi marami akong kahihiyan na magagawa kasama sila.

Pano kung hindi ko sila makasundo sa pagtira ko dito? Pano kung masesante agad ako? Pano kung dumugin ako ng mga fans nila kapag nalaman nilang nakatira ako sa iisang bubong kasama ng mga idol nila? Imbis na makaluwang-luwang ako dahil nagkaroon ako ng trabaho at matitirhan, mas dumagdag pa yung kaba ko.

Wag ko nalang kaya tanggapin yung trabaho? Aish, hindi ako mapakali.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, may kumatok naman sa pintuan ng banyo. "Shayne?" kahit na hindi ko pa nakikita kung sino yun, sa boses palang ay napansin ko nang si manager Sejin yun kaya agad akong pumunta sa pintuan at binuksan ito.

Bumungad nga sakin si manager Sejin na nakatingin sa orasan niya at parang hindi mapakali. Natatae ba siya at makikibanyo siya dito?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nakaganyan ka parin?" kumunot noo ko. Ano ba meron? "Bakit po?" bulol kong tanong dahil nga nagtu-toothbrush pa ako.

"Hindi ko ba sinabi sayo?" he paused. "May pupuntahan dapat tayo ngayon, I think I forgot to tell you." napakamot siya ng ulo habang sinasabi niya yun.

"Shaan po?" pinunasan ko yung bibig ko at itinigil saglit ang pagtu-toothbrush. Siguro nakalimutan niya nga, wala nga akong maalala na may sinabi siya tungkol sa pag-alis namin ngayon.

"I'll tell you later. For now mag-ayos ka muna, we're going to be late." sabi niya bago isara ang pinto ng banyo. Ako naman ni-lock ko agad ito, nadali na ako eh. Baka may pumasok nanaman na kung sino-sino.

Cinderella and the Seven Dorks Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon