Shayne's POV
Araw na ng concert at lahat kami ay naghahanda na para pumunta sa venue. Halos lahat kami ay may ginagawa. Ang mga staff ay nagdadala na ng mga gamit na kakailanganin sa concert, ang mga manager naman ay kino-contact na ang mga back-up dancers at ang members ay nage-empake na ng mga gamit nila.
"Let's go guys!" rinig kong tawag samin ni Manager Sejin. Paglabas namin ay naghihintay na si Manager Sejin sa tapat ng van. Nang makita niya kami, sumenyas siya na pumasok na kami ng van kaya agad namin itong sinunod.
As usual ay dun ako sa passenger's seat naupo. Katabi ko si Manager Sejin na siyang magda-drive buong biyahe, at nasa likod naman ang mga miyembro. Nakakagulat lang na kaya nila Taehyung at Jungkook na magtiis sa iisang lugar, knowing na magkaaway sila. Kung ako yun, hindi ako papayag.
Halos pareho lang kayo eh. Kaaway mo si Jungkook pero nagtitiis ka dito.
"Oo na oo na, tss.." sabi ko sa sarili ko.
"Shayne? You okay?" napatingin ako kay Manager Sejin na narinig pala ang sinabi ko. nginitian ko siya. "Okay lang ako, kung ano-ano lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Hehe."
Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko. Lumingon naman siya sa backseat. "Make sure na wala na kayong nakalimutan ah."
"Yes, Hyung-nim." sabay-sabay nilang sagot at tsaka ini-start ang engine ng sasakyan. Nilingon niya ako. "Shayne, ready ka na mamaya, diba?"
Ready mamaya? Parang wala naman silang sinabi kung ano ang gagawin ko. "Ready saan?"
"Hindi pa nasasabi sayo ni Bang Pd?" napabuntong-hininga siya. "Si Bang Pd talaga oh..."
Kumunot noo ko. "Ang alin?"
"You will not be coming with us sa dressing room."
"Ha?" Awtomatikong napataas ang kilay ko. "So sa backstage lang ako?"
Umiling-iling siya. "You will not be coming with us sa backstage either."
Nalilito ako. Bakit pa nila ako sinama kung hindi ko naman pala sila makakasama?
"I will be dropping you off sa pinaka-entrance ng concert venue. Kung ano man ang mangyari mamaya, all you have to do is makisakay sa anumang gagawin ni Taehyung. Here." may binigay siyang papel nang hindi ako nililingon. "Ano to?"
"Concert ticket ng BTS. Ibigay mo nalang sa staff na kumukuha para makapasok ka at-"
"Teka teka lang, bat kailangan ko pang ibigay? Hindi ba ako sasabay sa inyo?" bakit parang kinakabahan ako sa kung ano mang pinaplano niya? Parang feeling ko ay may binabalak siya na hindi ko magugustuhan.
"You'll know afterwards. Basta VIP yang ticket na yan. Sa unahan ka pu-pwesto para makita mo kami. Once the concert starts, Dun ka lang. Isipin mo nalang na nanonood ka ng isang concert ng iniidolo mo. Kami nang bahala kumilos kung ano mangyayari. There will be a surprise happening." kinindatan niya ako. Medyo napangisi pa siya ng bahagya. Nakaramdam ako ng kaba, ano bang binabalak nila? "
"Bakit hindi niyo ako sinabihan ng maaga tungkol dito?" medyong inis na sabi ko. I can tell na kasama ako sa plina-plano nila surprise kaya may karapatan akong malaman kung ano ang mangyayari.
"I'm really sorry, Shayne. I seriously thought na nasabi na sayo ni Bang Pd. Nakalimutan niya sigurong sabihin." sabi niya na may halong guilt sa mukha niya.
"Ok lang, pero pwede ko bang malam-"
"Hyung." napalingon ako sa backseat nang biglang nagsalita si Yoongi. naka-cross arms siya at nakapikit habang may suot siyang headphones at neck pillow. "Pwede bang pag-usapan niyo nalang iyan mamaya? I can't sleep because of the noises."
BINABASA MO ANG
Cinderella and the Seven Dorks
FanficSikat sila. Mayayaman. Gwapo. At maraming nagkakagusto. And I hate it, I hate everything about them! Actually mali ako ng pagkakasabi. I hate HIM! I hate his hairstyle, his scent, his presence and his existence. Oo tama kayo, ISANG TAO LANG ANG ITIN...