Chapter 9: The Scandal

49 2 0
                                    

Shayne's POV

"Ano to?!" nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa cellphone ni Jin. Hindi ko inaasahang may mangyari saking ganito. Sa dinami-dami ng tao bakit sakin pa nangyari to?!

"BTS Kim Taehyung spotted with a girl in a coffee shop?" basa ni manager Sejin sa article na nakita ko sa phone. Agad namang nagsilapitan ang ibang mga members sakin para makita yung article.

Litrato na kasama ko si Taehyung sa coffee shop. Yung nasa coffee shop kami at dinala ako ni Taehyung sa van nila. Hindi ko alam na nakuhanan na pala kami ng litrato nun.

Obvious ba Shayne?! Sobrang dami ng tao na nandun ay imposibleng hindi kayo nakuhanan ng litrato!

"Pasalamat kayo at hindi nakita ang mukha ni Shayne sa article na ito." saad ni Yoongi. Sa picture kasi na nasa article sa phone ni Jin, nakatalikod ako at mukha lang ni Taehyung ang nakita. Tumatakbo kami papasok ng van habang MAGKAHAWAK-KAMAY! Kaya panigurado ay hindi talaga maiiwasang magduda ang mga fans nila.

Malalagot ako neto kung sakali man na makita ng fans nila ang mukha ko!

"Pero imposibleng hindi eh, ang dami ng taong nakakita samin nun." tama si Taehyung. Imposibleng walang nakakuha ng litrato na kasama ang mukha ko.

Patay na, sabi na nga ba at patay na talaga ako neto eh.

Narinig ko naman si manager Sejin na nagbuntong-hininga. "Fine, let's just go with the flow. Kung iyon ang tingin nila sa litrato na ito, then be it. Mas maganda nga iyon at nagkakaroon lalo ng exposure ang group natin."

"What does that mean? Aaminin nalang natin na may girlfriend etong si Taehyung?" tanong ni Hoseok habang inaakbayan si Taehyung.

"No hindi natin aaminin, pero hindi din natin ide-deny na wala siyang 'girlfriend'. Hayaan mong ang fans ang magbigay ng conclusions. For sure sa daming magtataka kung sino yung kasama ni Taetae, magiging headline ito ng balita. "sabi ni manager Sejin bago patayin yung phone ni Jin.

Lumapit naman si Jimin kay Taehyung. "Goodluck bro, ipunin mo lahat ng lakas mo." pang-aasar ni Jimin habang tinatapik-tapik niya ang balikat ni Taehyung. Binatukan lang siya ni Yoongi.

Ang nakakainis pa kay Taehyung, ay wala man lang siyang reaksyon sa mga nangyayari at sinasabi nila manager Sejin. Sinusubukan ko ngang basahin kung ano ang nasa isip niya, pero blangko kasi ang mukha niya kaya hindi ko alam. Para bang alam na niyang mangyayare ito habang ako natataranta na dito.

"Ikaw din Shayne." bulong sakin ni Namjoon kaya napalingon ako sa kanya. "Ha?" Goodluck din sakin?

Ngumisi siya. "Yep. Kung sakaling may lumabas na pic niyo ni Taehyung na kita ang mukha mo, lakasan mo lang ang loob mo. We are here for you guys. Hwaiting!" sabi niya bago kindatan ako na ikina-irita ng sistema ko.

Nang-aasar ba siya?

Dahil sa inis ko ay sinuntok ko ng mahina ang braso niya. "Yah! Hindi nakakatulong ah. Mas lalo mo pa akong pinapakaba eh." sabi ko habang hinahawak ang dibdib ko. Tinawanan niya lang ako.

"Hyung, sure ka basa desisyon mong yan?" napalingon si manager Sejin kay Jin. "Lahat ng nilalaman ng article na yan ay kasinungalingan. At kapag pinanindigan natin yang akusa nila sa atin, baka maraming magalit na ARMYS kapag nakita nila to." sabi ni Jin.

"Kung totoong mga fans talaga sila, ay tatanggapin nila kung magka-girlfriend ka man o hindi."

"But hyun-"

"Just leave it up to me. Namjoon-ah, sa Japan ang next concert niyo diba?" tumango si Namjoon. "Yes Hyung, next week na ang flight namin papunta. Are you sure na hindi ka makakapunta?"

Cinderella and the Seven Dorks Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon