Chapter 2: Their Encounter

96 4 2
                                    

Shayne's POV

Reccess parin hanggang ngayon, nandito kami sa cafeteria ng Pandleton Academy.

Huminga ako ng malalim. "Sorry ah, napahamak ka tuloy nang dahil sakin." nagi-guilty ako. Nang dahil sakin, maaaring ma-bully na rin siya nina Rogue. Ayoko naman na mangyari yun.

May katahimikan na bumalot samin saglit. Nahihiya at nagu-guilty ako at the same time. "Bakit hindi ka lumaban?" napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun.

Lumaban?

Napangisi ako. "Para san pa? Para makagawa ng gulo?" huminto ako saglit. "Mas mabuti nang manahimik, kesa puro gulo ang buhay mo." sinamaan ko siya ng tingin. "Dapat kasi hindi mo nalang pinatulan eh, baka mapahamak ka pa tuloy nang dahil sakin. Pinagi-guilty mo naman ako."

"It's okay, hindi ako nag-regret sa ginawa ko. It's better to do something than to not do anything at all. And besides, sa tingin mo kaya kong panuoring ma-bully ang only friend ko dito sa eskwelahang ito?" medyo natigilan ako saglit sa sinabi niya.

Friend? Parang ang sarap naman pakinggan.

"Salamat ah."

"No problem." nginitian niya ako. "Oo nga pala, sino yung mga yun? Bakit parang hindi mo sila kayang labanan?" oo nga pala, transferee siya. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Mas makabubuti ba kung sabihin ko sa kanya ang lahat?

Sa tingin ko mas mabuting may alam siya, para maging maingat na siya sa mga gagawin niya sa susunod. "Sila si Avena Ayres at Xoella Rivet. Sikat sila sa pagiging alipores nila kay Rogue. Naging alipores sila ni Rogue dahil ang magulang nilang dalawa ay kasama sa top 10 richest family sa bansa natin."

"Tsk. Yun lang naman pala eh." Medyo napalaki ng konti ang mata ko sa sinabi niya. Parang wala lang sa kanya na isa sila sa pinaka-mayaman dito ah. Alam niya ba sinasabi niya?

"Anywa...msi Rogue naman ang queen bee ng eskwelahang ito at ang anak din ng principal dito. At bukod dun syempre, kasama rin ang pamilya niya sa top 10 richest." bumuntong hininga ako bago magsalita. "Mas mahihirapan ka sa buhay-eskwelahan mo kapag inaway mo pa sila. Bukod sa aawayin ka nila palagi, aawayin ka rin ng halos lahat ng estudyante dito sa eskwelahang ito." sabi ko.

"Kahit na, hindi yun sapat na dahilan para hindi mo sila labanan sa pang-aapi nila sayo. Kung matapan ka tala-"

"Yun na nga ang problema eh, duwag ako." natigilan siya saglit, para bang nag-iisip. "Hindi ka ba nagsasawang maging duwag?" bigla niyang sabi na medyo ikinagulat ko.

Natawa ako sa sinabi niya. Ang straightforward niya magsalita ah.

"Kung alam mo lang, sawang-sawa na ako. Buong buhay ko ba naman na ganto ako." sabi ko. Nabigla ako nang lumapit siya sakin at tinitigan ako nang malapitan. "How about we make a deal?"

"Ha?" Anong pinagsasabi neto? Deal?

"Tutulungan kitang alisin ang pagkaduwag mo at tuturuan din kitang lumaban sa kanila. Pero..." huminto siya saglit. "Whenever I need something from you, You'll help me. Ok?"

Kumunot noo ko. "Ano?"

"Pupunta ka ba sa birthday party ni Rogue bukas?" umiling-iling ako. "You don't have a choice, pupunta ka whether you like it or not." napataas ang kilay ko.

Cinderella and the Seven Dorks Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon