Chapter 10: Dance Practice

45 1 0
                                    

Shayne's POV

"Talagaaaaaa?!" hindi ko mapigilang mapatakip ng tenga ko. Ang tining talaga ng boses ng babaeng to kahit kailan.

"Tumigil ka nga! Ang ingay mo baka may makarinig satin!" pabulong kong sabi. Pano ba naman kasi pabulong ko ngang ikinekwento kay Chichay yung tungkol sa pagta-trabaho ko sa BTS, pasigaw niya namang inuulit yung mga sinasabi ko. Pano kung may makarinig sa kanya dito sa pinagta-trabahuhan namin?

"Ay, sorry hehe." sabi niya at nag-peace sign pa. "Mag-kwento ka pa kasi dali! Siguraduhin mong totoo yang mga ikine-kwento mo kung hindi naku babatukan talaga kita!" 'eh di hindi din pala siya naniniwala sa kwento ko?

"Hay nako, bat pa ako magku-kwento kung hindi ka rin pala naniniwala? Sayang laway bes." hinampas niya lang ako. "Gaga! Kung hindi ako naniniwala sayo, hindi kita pagku-kwentuhin noh! Dali na magkwento ka pa! Anong nangyari matapos nung na-ospital ka?" curious na curious niyang sabi. Para lang siyang bata na nakikinig ng fairytale story sa nanay niya.

"Eh ayun, sabi ni manager Sejin ay sa wednesday daw pupunta kami sa Japan para mag-concert. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh, pano na school ko?" kung dalawang araw nalang ay pupunta na kami sa Japan, panigurado mga ilang araw pa kami dun.

Kaya nga ginagawa ko na lahat ngayon sa klase eh, magiging active na ako at tinataasan ko na rin mga test ko.  Kasi alam kong ilang araw din akong mawawala. Sinabi ko na nga kay Charmille na ikuha niya ako notes kapag umabsent man ako next week eh, dahilan ko ay baka puntahan ko yung kamag-anak ko sa probinsya.

Dahilan ko lang naman yun, hindi ko nga alam kung bakit takot na takot akong sabihin sa kanya ang totoo eh.  "Ano ka ba Shayne, minsan lang naman yan sa buhay mo kaya sumama ka na! Hindi pa ba enough sayo na ikaw na yung may pinaka-mataas na marka sa klase niyo? Partida section 1 ka pa niyan ha. Sa tingin ko naman hindi mawawala yang scholarship mo kapag umabsent kalang kahit saglit." nagbuntong-hininga lang ako. Kahit na ilang araw lang yun, concious parin ako sa grades ko! Pinaghirapan ko kayang magka-scholarship sa eskwelahan na yun.

"Oo nga pala, ako lang ba talaga yung sinabihan mo tungkol sa sikreto mo na yan? Uyyyy na-touch naman ako haha." binatukan ko siya ng wala sa oras, loko-loko talaga. "Aray ko naman!"

"Oo ikaw lang, kaya wag na wag mong sasabihin yan kahit na kanino."

"Oo na oo na..." sabi niya habang hinahawakan yung parte ng ulo niya na binatukan ko. "Ako lang ba talaga ang mapagkakatiwalaan mong kaibigan at sakin mo lang sinabi yan? Eh sino yung friend mo sa school? Ano nga ulit pangalan nun? Cha-Charmine? Camille? Cha-"

"Charmille." pagtatama ko sa kanya. "Oo tama ayun. So hindi mo siya sinabihan tungkol dito?"

"Yun nga eh... Hindi ko nga alam kung bakit kaya kong sabihin sayo pero hindi ko kayang sabihin sa kanya." natatakot kasi ako na pag sinabi ko ay baka sabihin niya din sa iba. Oo kaibigan ko si Charmille, pero mas tiwala ako kay Chichay pagdating sa mga sikreto. Wala pang 1 month nang magkakilala kami ni Charmille kaya hindi pa ako sure kung sasabihin ko pa sa kanya.

Si Chichay naman kasi simula pa nung bata ako mag-best friends na kami, tsaka marami na kaming nasabing sikreto sa isa't-isa. Kaya kapag may ikinalat na sikreto ang isa sa amin, may ikakalat din na sikreto yung isa. Kasi kilalang-kilala na namin ang sarili namin eh haha.

Tsaka si Chichay mapagka-katiwalaan talagang kaibigan yan. Ni sikreto ko wala siyang ikinalat. Kaya hindi ako nagdadalawang isip na sabihin ang mga sikreto ko sa kanya kung meron man.

Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan si Charmille, gusto ko pa muna siya makilala bago maging komportable sa kanya. Malay mo kaibigan niya pala sina Rogue at sinadya niya akong lapitan noong 1st day niya, hindi imposible yun. Alam kong masama yung pinaghihinalaan ko si Charmille lalo na at kaibigan ko siya, pero hindi mo maiiwasan eh. Ako kasi yung tipo ng babaeng walang may gustong kumausap,  Nakakapagtaka rin naman kasi na ako ang nilapitan at kinausap niya pagka-pasok na pagkapasok niya ng klase noon. Siya pa naman yung tipo ng babaeng magiging kaibigan halos lahat ng kaklase.

Cinderella and the Seven Dorks Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon