Chapter 11: Japan

37 1 0
                                        

Jungkook's POV

"Kung minamalas ka pa nga naman na-delay pa yung flight..." reklamo ni Bang Pd habang palakad-lakad na para bang hindi mapakali. "Pano kung may makakita sa inyo dito?"

Psh, as if naman may makakakita pa samin dito. Balot na balot na nga kami oh. Naka-face mask, cap, shades, jacket at pants na halos lahat kami. Ang init-init pa dito.

"Don't worry guys, 30 minutes nalang at makakapasok na tayo. Taehyung-ah, gisingin mo na diyan maya-maya si Shayne."

Napalingon naman ako sa gawi nilang dalawa. Nanlaki mata ko nang makitang natutulog si Shayne habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Taehyung. Si Taehyung naman ay tahimik na nakatingin lang sa kanya.

Teka, sabi ko bang nakatingin lang si Taehyung? NAKATITIG pala.

Tulog ba talaga yung Shayne na iyon? O nagpapanggap lang para makasandal sa ugok na yun. Tss...

Hindi ko alam pero bigla nalang uminit dugo ko nang makita silang ganun. Nakakainis palang makita na ang dalawang pinaka-kinaiinisan mo ay malapit at nagkakasundo. Kaya nga hindi ko rin mapigilang samaan rin sila ng tingin noong nagda-dance practice kami eh. Gusto kong gitnaan sila at paglayuin sila nun, at ngayon ay gusto ko ulit gawin yun.

O baka hindi iyon ang dahilan kung bakit ako naiinis?

"Bang Pd-nim, si manager Sejin-hyung lang ba ang makakasama natin sa Japan? Kung siya lang eh bakit wala siya dito?" tanong ni Seokjin-hyung.

I didn't even realized na hindi nga pala namin kasama si manager Sejin dito. Ano bang kailangan niyang trabahuhin sa Japan at kailangan niyang mauna samin? Yung concert venue? Tss...

Tumango lang siya. "Hyunsoo will also be there at nauna na silang dalawa at ibang mga staffs para maiayos ang hotel na papasukan niyo. Pati narin ang venue kung saan gaganapin ang concert. Dapat nga sasabay narin ako sa kanila eh. Kaso alam kong magkakagulo ang mga fans niyo sa airport ng Japan mamaya, knowing na papunta na kayo."

"Eh yung ibang mga stylist noonas?" tanong ni Jimin. Konti lang kasi yung kasama namin dito, mga apat lang.

"Nauna na yung iba, kaya lang naman sinabay ko dito yung ibang stylist niyo ay para maisama natin papunta sa Japan si Shayne nang hindi nagdududa ang mga fans niyo. Kunwari stylist nalang siya."

"Malaki ba yung venue?" walang ganang tanong ni Yoongi-hyung. Kung ikukumpara siya sa ibang members, siya yung may pinaka-konting takip sa mukha. Ang tanging takip niya lang ay shades.

I don't care really. Ang nakakairita lang kasi ang init na ng panahon dito sa Korea, I'm still forced to wear a black hoodie, denim pants, black beanie and a mask just so that our fans won't recognize us.

Pinapagod lang namin sarili namin, really. Panigurado namang makikilala parin nila kami kahit na takip na pati buong mukha namin. Why bother? Sayang effort.

"It's actually pretty big, mas malaki kung ikukumpara sa venue natin last time nung pumunta tayo sa Japan." sagot ni Bang Pd. "Kasi kaya siguro pinili ng mga manager niyo ang mas malaking lugar para sa Japan concert ay dahil sa dami ng fans niyo sa Japan. Tapos yung..."

Hindi ko nalang pinakinggan ang sinasabi ni Bang Pd tungkol sa venue. As long as maganda yung ikalalabasan ng concert namin, It'll be fine. Ayokong makinig sa mga boring sh*t nila.

Instead isinuot ko yung headphones ko at sinuot ko ito, pero walang music. Para ma-convince lang sila na hindi ko sila naririnig. At isa pa, para hindi na ako kausapin ni Jimin dito. Kanina pa ako naiirita sa kanya dito.

"2 hours na tayong naghihintay dito ah. Hindi pa ba nila tayo tatawagin?" inip na sabi ni Jimin habang nakaupo sa bagahe niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin at akmang kakausapin ako, pero nang makita niya yung headphones sa tenga ko at tumahimik nalang siya. Napangisi ako.

Cinderella and the Seven Dorks Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon