Shayne's POV
Kahit na siksikan ang pwesto naming dalawa ay pinilit kong tumayo at dumistansya sa kanya. Shet! Bakit pa kasi sa dinami-daming tao ay siya pa ang nakasalo sakin?!
Nagpanggap nalang ako na para bang walang nangyari at patuloy na naglakad palabas ng airport. Lumayo narin ako ng kaunti sa kanya kahit masikip. Baka kasi isipin niya na sinasadya kong lapitan siya, makapal pa naman mukha nun.
Napayuko nalang ako, parang bigla akong natakot sa iisipin ng fans nila. Ewan ko kung bakit pinagmu-mukha kong tanga sarili ko, parang wala naman nakakita eh. Meron kayang nakakita nun?
Obvious ba, Shayne? Sa dinami-daming tao dito imposibleng walang nakakita nun!
Sinubukan ko nalang na iwasan na mapatingin kay Jungkook. Parang walang nangyari. Baka kasi kung anong isipin ng fans nila pag tumingin pa ako. Tsaka ayoko ring makita ang reaksyon nung lalaking yun noh! Panigurado mala-anghel ang itsura nun, syempre nagpapaawa sa fans niya. Nakakairita lang makita.
Tsaka ano naman ngayon kung sinalo niya ako? Automatic lang yun dahil nahulog ako. Kahit na sabihin natin hindi kami nagkakasundo ni Jungkook, hindi naman alam ng fans niya yun eh. Mga immature fans nalang ang mag-iisip ng kung ano samin. Bat ako matatakot? (Insert meme here.)
Habang sinusubukan naming makalabas sa airport na ito, hindi ko mapigilang mapatingin sa fans nila na nakapaligid.
Yung iba pinipilit na makipagsiksikan, yung iba naman ay sinusubukang makalusot sa guards, yung iba nagpi-picture, at yung iba naman ay tumatakbo papalapit samin.
Ang gulo lang.
Seryoso? Palagi nilang pinagdadaanan itong kaguluhan na ito? Ako ngang first time lang makasabak dito ay sumusuko na agad ako.
Nakakatakot lang isipin kasi kahit na sabihin mong fans nila yan, hindi parin nila kilala yang mga taong yan. Tapos bigla-bigla nalang silang kukuhanan ng litrato? Bigla-bigla silang sisigawan? Lalapitan? Hahawakan? Ang dami-dami pa nilang fans kaya halos hindi na kami nakakaalis sa pwesto namin. Tapos halos hindi na makaya ng mga security guards kaya nabubunggo narin nila kami.
Karamihan ng mga taong nakilala ko ay gusto ang gantong buhay. Pero sa totoo lang, nakakatakot. Iisipin ko palang yung privacy na nakukuha nila ay wala na akong maisip, kasi panigurdo ay wala silang privacy.
Pagkalabas na pagkalabas namin, ay may bigla kaming narinig na mga malalakas na hiyawan galing sa fans nila. Yung akala kong madami nang fans ang nasa loob, iba pa pala yung mga nasa labas!
May tatlong black van narin ang naghihintay, dalawang van para sa mga staff at isang van para sa mga miyembro ng BTS. May mga security guard sa gilid na hinaharangan yung mga fans para makadaan kami papunta sa van. Feeling ko tuloy parang isa akong celebrity sa nangyayari ngayon, kulang nalang ang red carpet. Haha.
Papunta na sana ako sa van para sa mga staff nang bigla akong tawagin ni Bang Pd. "Shayne!" tawag niya sakin habang sinisenyasan ako na pumunta sa van nila. Nagdalawang isip pa sana akong lumapit nang makita kong pumasok si Jungkook sa loob, pero wala naman na akong nagawa dahil si Bang Pd na yung tumawag. Diba sa van ng staff ako sasakay?
Pagkalapit na pagkalapit ko ay nagulat ako nang agad niya akong hilahin papasok sa tabi ng upuan niya. "Bakit ka didiretso sa van ng mga staff?" agad na tanong sakin ni Bang Pd kasabay ay pagsara ng pintuan ng van.
"Hindi po ba dapat doon ako nakasakay?"
"What? No! Nakalimutan mo na bang ikaw ay isang MANAGER?" sabi niya at pasimpleng kinindatan ako. In-emphasize niya talaga yung salitang manager. Napangisi nalang ako dahil alam naman naming echos lang yung pagiging manager ko. Iba naman talaga kasi ang pakay ko dito.

BINABASA MO ANG
Cinderella and the Seven Dorks
FanficSikat sila. Mayayaman. Gwapo. At maraming nagkakagusto. And I hate it, I hate everything about them! Actually mali ako ng pagkakasabi. I hate HIM! I hate his hairstyle, his scent, his presence and his existence. Oo tama kayo, ISANG TAO LANG ANG ITIN...