Chapter~ 2

47 7 7
                                    

Meesha Ekame's POV

Nakita ko si Charm na papalabas na ng classroom. Agad ko namang itong tinawag na agad din naman niyang tinugunan.

"Ano 'yon my beautiful bestfriend?" pagtatanong nito habang nasa malayo pa.

"Wag kang sumigaw dyan! Lumapit ka." pagtawag ko ulit sa kanya. Dumadali' na naman ito ng pagka-bakla attitude niya.

"Ay! ang taray ah!- 'To talaga! Ano ba 'yon." sinamaan ko siya ng titig kaya't agad na nagbago ang mood niya. Kapag ganito na ako at parang maasar na ay talagang dapat tumahimik ka na.

"Lumapit ka!" sigaw ko ulit.

"Okay my beautiful bestfriend." sabi nito na ngayo'y nasa harapan ko na.

"May itatanong lang ako?" tumingin naman ito sakin at kumunot ang noo.

"Ayy, besie ah! Ano 'yon?" pagtatanong nito na ngayo'y sinusuklayan ang buhok gamit ang kanyang kamay.

"Nakapag-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ang gaga nakatingin sa malayo na para bang nagpapacute sa kung sino.

Mataman naman akong tumingin sa taong kanina pa tinitignan ni Charm at nakita ko lang naman si Zymon na bestfriend ko din na ngayo'y papalapit na sa amin.

"Oh my god best. Ayan na ang bestfriend mo." may halong kilig ang pagsasalita nito.

"And so!-anong gagawin ko." pagtataray ko naman sa kanya. Alam kong may lihim na pagtingin 'yan sa bestfriend ko. Simula't sapol ay alam ko nang may gusto yan kay Zymon. Hindi nga nya lang sinasabi pero nararamdaman ko naman. May pagkabitter kasi yan dahil sabi niya sakin iniwan daw siya nung ex-boyfriend niya. Sa iba, Oo, pero pagdating kay Zymon dyan na gumagana ang pagka-lovable girl niya. Atsaka mapagtago yan ng lihim. Hindi naman as in yung tinatago niya meaning sinasarili lang.

"Umayos ka nga!" pasigaw kong sabi pero ang gaga nakahawak na sa braso ko at pinipilipit. Dahil sa nasasaktan na ako ay agad akong dumaing.

"Ouch! wait, Charm ang sakit. Please let me go!" pasigaw ko nang sambit dito pero ang gaga nakatingin pa rin sa taong sa tingin ko'y malapit na sa amin.

"Oh! oh! wait! stop it!!" sigaw naman ng tao sa likod ko. Agad naman nitong binitawan ang kamay ni Charm na ngayo'y nakangiting nakatingin kay Zymon. Gaga talaga!

Hindi nga niya sinasabi pero ramdam ko naman.
Tsk! tsk! tsk!

Gwapo naman 'tong si Zymon. Moreno, mapulang labi, matangos na ilong, makapal na kilay, matangkad at perfect body na rin. Ganun din itong si Charm. Maganda, morena, maputi at matalino din kaso may pagkasayad na tao. I think, perfect couple sila. Bagay na bagay.

"Kumain ka na ba Ekame?" pagtatanong naman ni Zymon sa akin.

"Breakfast yes but recess.. no." sabi ko naman dito at mabilis na umiling. Napadako ulit ako ng tingin kay Charm pero sa ngayon kulang na lang ata ay kainin niya itong si Zymon o di kaya'y ibalot at ilagay sa kanyang bulsa.

Love nga naman...tsk tsk.

"Tara let's eat. Treat ko." sabi naman ni Zymon na agad ko namang tinugunan.

"Ok let's go. Treat mo ha?" paninigurado ko ulit.

"Hmmm...how about you Charm." sabi naman nito.

"Ah-h...eh... oo." sabi ni Charm na nauutal. Nakakahiya ka talaga Charm. Mamaya ka sakin.

"Ok Let's go." at mabilis na kaming naglakad para pumunta na sa cafeteria.

***

Cafeteria

The Lady Hater (On-going)Where stories live. Discover now