Meesha Ekame's POV
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko inaakalang ganon ang magiging kalalabasan ng kanilang away. 'Di ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil tinulungan niya ako. Bakit ba sa lahat ng pwedeng tumulong sa'kin ay siya pa. Sa totoo lang kayang kaya ko ang sarili ko. Kaya kong protektahan ang sarili ko pagdating sa ganoong bagay. Pero bakit kailangan niya gawin ang bagay na 'yon? Marahil ay talagang nakita lang niya na hinihikit ako ng di ko kilalang pangit na lalaki. I'm too scared that time. Shock was in my face. My heart beating so fast. I dont know what to do anymore but he's come. The man I hate. Niligtas niya ako.
"Doc, is he safe? Okay na po ba siya? Wala po bang nangyaring masama sa kaniya? May bali po ba siya?" agad kong tanong sa doktor matapos lumabas sa pintuan kung saan nandoon si Zeehan. Nakaupo ako sa upuan malapit dito sa kwarto kung saan nakalatay ang katawan ni Zeehan. Nanginginig pa ako. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang mga nangyari kani-kanina lang.
"As of now the patient was not in danger. Medyo nahimatay lang siya marahil sa mga pasang natamo niya. He's totally stable now. Patient need some rest na lang. Over all the patient was good," sabi ng doktor. Nang sabihin niya 'yon ay gumaan ang pakiramdam ko. Ngumiti ako sa doktor.
"Maraming salamat po doc," nakangiti ko pa ring sabi.
"Sige I gotta go marami pa akong kailangang ayusin. Maari ka ng pumasok sa loob para makita mo na ang pasyente. Maya maya rin naman ay magigising na rin siya at pwede na rin siyang iuwi kung gugustuhin mo," ngumiti ito at tsaka mabilis na umalis. Tumayo ako at tinungo ang bungad ng pinto. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Nagiging abnormal na naman ito. Ayoko sanang pumasok pero tumututol ang mga paa ko. Siguro kailangan ko ngang pumasok para masiguro kung maayos na ang kanyang kalagayan. Agad ko namang pinihit ang doorknob at kinakabahang pumasok sa loob.
Agad na bumungad sa akin ang lalaking nakalatay sa puting kama. Lumapit ako rito. Kinakabahan akong umupo. Mukhang maayos na nga ang kalagayan nito batay sa saad ng doktor. I dont need to stay here for a long time. He's stable now and later on he wake up. I suddenly look at his face. He's too handsome. I dont know what to do but I look at his eyes, nose, cheeks down to his lips. Ugh what happen to you Meesha!
Sa totoo lang talaga hindi ko alam ang gagawain ko. Aalis na ba ako? Mananatili ba ako dito hanggang sa gumising siya? Tapos ano, pag gumising siya anong gagawin ko? Ughhh hindi ko alam ang gagawin ko! I should go out and leave or stay here for awhile? Pero sa huli mas pinili kong manatili dito. Gusto rin kasi ito ng puso ko. What? Did I say that? Stop it!
Tumikhim ako. "Sorry nga pala dun sa nangyari. Kasalanan ko talaga kung bakit ka nandito ngayon. Pero salamat pa rin dahil tinulungan mo ako. Siguro kung hindi mo ako tinulungan baka nalapa na ako ng siraulong taong 'yon. He so creepy pa naman. Kaya ko naman ang sarili ko kung tutuusin kahit na 'di ka dumating doon. Baka pati nabali ko na ang katawan no'n. Alam mo kung hindi ka lang dumating doon wala ka sana sa kamang ito. Kasalanan ko talaga ang lahat. Sorry," sincere na paghingi ng tawad dito. Nakapikit pa rin ang dalawa nitong mata. Payapa pa rin itong nakahiga sa kama. May pasa ito sa parteng kaliwang bahagi ng kanyang pisngi. May dextrose pa dito. Maybe his wounds won't seem to get healing already. Nakakaawa pa naman ito ngayon.
"Alam mo bang nung una tayong magkabungguan galit na galit talaga ako sa'yo no'n. Eh pano naman kasi hahara-hara ka sa dinaraanan ko alam mo namang sobrang late na ako sa next subject ko. Tapos hindi mo pa ako tinulungang tumayo. Nakakainis ka kaya!" pakikipag-usap ko sa taong nakahiga. Huminga ako. "Nagulat pa ako sa'yo dahil dala-dala mo yung disposable cup na ginamit ko sa coffee shop. Buti na lang at hindi mo nakita yung nakasulat doon. Hindi nga ba? Basta okay lang na mabasa mo yung quotes na nakasulat doon kaysa dun sa I love you. Siguro nakakahiya kung nabasa mo 'yon. Pero hindi rin kasi di mo naman alam kung kanino galing yung cup na 'yon. Salamat na lang kay god."
![](https://img.wattpad.com/cover/117147000-288-k259146.jpg)
YOU ARE READING
The Lady Hater (On-going)
RandomMeet Meesha Ekame Encina. A totally girl hater. A simple girl with a strong personality. Perfect face, perfect body and perfect appearance. ~maganda ~matalino ~love hater ~perfect nose ~angelic face ~beautiful white skin ~apple lips ~with o...