Chapter~ 5

20 2 11
                                    


Meesha Ekame's POV






Matapos kong hikitin ang kamay ni Charm ay dali-dali kaming pumunta papalabas ng campus. Uwian na rin at tapos na lahat ng klase dahil na-cut ito kaya ok lang at wala na kami sa cafeteria.

Pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkindat niya. Di ko nga alam kung talagang kumindat siya o ano eh. Parang lumilipad ata ang utak ko. Ang sakit ng ulo ko!

"Nakita mo bang kumindat yung lalaki?" ang tanong ko kay Charm nung papalabas na kami. Gusto ko lang itanong. Parang hindi kasi ako mapanatag eh.

"Sinung kumindat?" pagbabalik tanong naman niya sa akin. Ang gaga talaga ng babaeng ito.

"Yung lalaki sa cafeteria kung kumindat ba siya?!" naiinis kong patanong. How's stupid is her!

"Ah iyon ba. Di naman ata. Hindi ko napansin kanina kasi agaran mo akong hinikit papalabas ng cafeteria eh." nakakunot ng sabihin niya 'yon. Ang dalawa niyang mata'y waring nagtatanong.

"Bakit mo tinatanong?" she ask me. Her eyes was asking.

"Nevermind. Don't mind what I've said." sabi ko at tumalikod na upang makauwi na. Pumunta ako sa parking lot ng campus at sumakay na sa violet scooter ko.

Pinaandar ko na ito at mabilis na ipinara sa harap ni Charm. Tumingin naman siya sa'kin at sa sasakyan ko. "Sasakay ka ba?" tanong ko.

"Hindi na, meron naman akong sundo eh. Tsaka baka makita ko pa si Zymon paglabas kaya go ka na. Keri mo na 'yan. Tsupiiii!" pagtataboy niya sa akin. Ipinakita ko naman ang scary look ko sa kanya.

"Ito naman di na mabiro, joke lang 'yon. Sige mauna ka na baka parating na rin yung sundo ko eh." ang mabilis na pagsasalita ni Charm sa akin. Her expression was scared, I know. Hahaha, I'm joking.

"Nakakatakot talaga 'tong babaeng ito"

Tumingin ulit ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin tsaka parang may sinabi siya na hindi ko maintindihan.

Alam kasi niyang kapag nagagalit ako ay parang tutang pinagagalitan 'yan dahil sa sobrang takot sa akin. I know her. Matakot na siya sa lahat huwag lang ako!

"Joke lang din, sige na mauna na ako. Ingat!" sabi ko at ikinaway ang kamay ko sa kanya.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Ikaw talaga! Tinakot mo pa ako. Sige na ingat din!!" pahabol na sabi niya.

Umiling na lang ako.

***

Narito na ako sa kwarto ko at nagbabasa ng libro. Itinuon ko na lang kasi sa bagay na ito ang mga naiisip ko tungkol sa lalaking nasa cafeteria kaysa naman lalong hindi siya mawala sa isip ko. I don't want that to happen again. Natutulala na lang kasi ako kapag nakikita ko siya. Kaya nga kung maaari ay kailangan kong iwasan ang taong iyon lalo na't hindi na siya nawawala sa isipan ko.

Tumigin ako sa bintana ng kwarto at kitang kita rito ang mga naggagandahan at nagkukuminang na mga bituin sa langit kasama na rin ang malaking buwan na sa palagay ko'y bilog na bilog, well this day was full moon. Tumayo ako at lumapit doon.

Pinakiramdaman ko ang paligid at pumikit. I blink my eyes. Pinikit ko ang mata ko and a face of a person was in my mind. Matagal na ito sa akin. Sa twing wala akong magawa at ipipikit ko na lang ang mata ko ay isang tao ang pumapasok sa utak ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko kaya hinahawakan ko ito. Malabong imahe ang nakikita ng utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi siyang pumapasok sa utak ko. Lagi na lang nangyayari ito sa akin. Hindi ko alam, baka may gustong ipahiwatig ang taong 'yon sa akin. 'Di ko alam kung lalaki siya o babae. Basta malabo.

The Lady Hater (On-going)Where stories live. Discover now